CHRIS's POV
"Uy Sir Christian" nakangiting bati saakin ni Ate Sheen at nginitian ko naman siya "Yung usual order niyo po ba?"
"Oo, bigyan mo ako ng dalawang order" nakangiting sabi ko at napatingin ako sa pinto ng mag bukas ito.
"Good Evening Sir, ano pong order niyo--- uy diba ikaw yung"
"Kasama ko siya Ate Sheen" sambit ko kay Ate Sheen ng makita niya si Apollo
"Ah.. Hehe, kasama niyo rin po ba si Sandy?" nakangiting tanong nito habang nag pipindot sa computer
"Hindi, pahatid nalang ah"
"Ok po"
Ibinaling ko ang tingin kay Apollo na nakatayo sa likod ko "Tara" aya ko at nauna akong nag lakad.
Pumwesto ako sa pinaka dulo at sumundo naman si Apollo. Buti nakasunod siya agad. Inaya ko siya dito sa milk tea shop para makapag usap, dala ko ang motor ko kaya nag hiwalay kaming pumunta dito.
"Anong... pag uusapan natin?" tanong niya pag ka upo niya.
Inalis ko muna yung bag ko saka ko nilagay sa tabi ko bago sumagot "Siyempre tungkol kay Lampa"
Tumango siya "Papasukuin mo ba ako?"
Bahagya akong natawa mag sasalita na sana ako kaso parating na si Ate Sheen at dala dala ang inorder ko. Nilapag ito sa table namin "Thank you" usal ko bago ito umalis. Ibinaling ko ulit ang tingin kay Apollo "Inom ka muna"
Kinuha niya ang milk tea at sumisip.
"Didiretsahin na kita, ako ang susuko" sambit ko at nahinto siya bigla. Ibinaling niya saakin ang tingin, bakas sa muka niya ang pag tataka.
"Why?"
"Pinag isipan ko rin 'to ng mabuti, bago pa ako umamin, naisip ko na rin na baka magawa ko nga 'to..." sumipsip muna ako at nilunok ko yun. "Alam kong.. matagal ka ng gusto ni Sandy, alam ko kung paano ka niya habulin dati, bukambibig ka pa"
"Pero gusto mo siya diba? Bakit ka susuko?"
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil parang hindi siya natuwa sa sinabi ko "Ayokong mahirapan si Sandy, para saakin ayos na yung nasabi ko sakanya kung ano talaga yung nararamdaman ko... Mahal ko si Sandy, Kaibigan ko siya.." bahagya akong natawa "Prinsesa ko nga yun e" huminga ako ng malalim "Ayokong gumawang bagay na.. mag papahirap sakanya, siguro ngayon nginangatngat na niya yung kuko niya kakaisip" bahagya ulit akong natawa dahil naimagine ko si Sandy.
Nakatingin sa kawalan si Apollo na parang malalim ang iniisip. Ganito ba talaga 'to?.
"Mag salita ka naman" sambit ko sabay inom
Ibinaling niya saakin ang tingin "Hindi ko alam kung matutuwa si Sandy sa desisyon mong yan"
Nahinto ako "Anong ibig mong sabihin?"
"Kaibigan ka niya, sigurado akong ayaw ka niyang masaktan"
Tumango ako dahil may punto siya dun "Tama, pero mas maganda ng ako yung masaktan kesa siya" sagot ko
Tumango siya "Kung gagawin mo rin pala 'to, bakit ka pa umamin?"
Medyo prangka siya sa lagay na yun "Gusto ko lang malaman niya, gusto kong iparamdam sakanya na mahal ko siya at aware siyang mahal ko siya"
"Kung ganun... Don't worry hindi ko siya sasaktan, hindi ka mag sisisi sa desisyon mong yan"
Parang kinurot ang puso ko kaya napainom ako "Buti naman kung ganun" usal ko at huminga ng malalim. "Masaya akong marinig yan"
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Genç Kurgu"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...