IAN's POV
"Hey! Ian!"
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may nagtawag sakin. Kunot noo ko itong nilingon.
"Yan na naman siya" bulong ko sa sarili
Patakbo si Yesha na pumunta sakin. Siya yung Ex ko na hanggang ngayon ay humahabol parin sakin. Ang dahilan ng break up namin ay nahuli ko siyang may ibang lalaki. Siyempre ako ang nakipag break, pero ayan siya ngayon humahabol.
"Bakit?" walang gana kong tanong
"Natatandaan mo ba kung anong araw ngayon?" nakangiting tanong niya at umiling naman ako "Monthsary natin---- sana" humina ang boses niya
"Sana--- kung hindi mo ako ginago" nakangising pag dagdag ko, yumuko siya dahil napahiya "may sasabihin ka pa?"
"Ian" akma niyang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito. Pinag kross ko ang dalawang braso ko "Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?"
"Tch!" singhal ko dahil hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis "Alam mo, napatawad na kita kaya wala ka na dapat problemahin. Layuan mo na ako"
"Ian.. alam mo namang mahal parin kita--"
"Wala na akong pake sayo" pag didiin ko "Dahil may gusto na akong iba" tinignan ko siya ng pandidiring tingin saka ko siya tinalikuran.
"Sino!?"
Napahinto ulit ako ng bigla niya akong hinarangan. Napahilamos ako sa muka dahil sa inis. Sasapakin ko na talaga 'to!. "Ano na naman!?" inis kong tanong
"Hindi ako naniniwala! Alam kong mahal mo parin ako!"
Mga limang sigundo akong nakatitig lang sakanya saka ako tumawa ng malakas "Hahaha! Joke joke joke ba yan!? Hahaha!"
"Ian naman eh... Bigyan mo ako ng another chance" pagmamakaawa niya "Ang lungkot lungkot ko parati dahil alam kong galit ka parin sakin halos hindi na nga ako makakain eh"
"'Wag ka ngang tanga! Muka kang tanga promise! Hindi na nga ako galit sayo, ayoko lang talaga sayo! Gets mo?" pag papaliwanag ko "A.YO.KO.SA.YO"
"I want to meet her!"
Nagsalubong ang kilay ko "Sino na naman?" tanong ko at nauubusan na ako ng pasensya
"Yung taong gusto mo!"
"Muka mo!" sigaw ko sa muka niya saka ako dumaan sa gilid niya para makaalis. Umagang umaga eh basura ang sumalubong sakin.
Malayo palang ako sa building namin ay tanaw ko na si Kim na nasa Second floor. Nakatingin ito sakin at ng magtama ang paningin namin ay dinilaan niya ako sabay tawa. Pinakita ko naman sakanya ang ang kamao ko.
"Aysows!"
Biglang sumulpot si Chris "Yow! Wassup!" bati ko sakanya
"Kayo na?" nakangiting tanong nito sabay tingin kay Kim na nasa sencond floor
"Eww! Diko type yan" pandidiring sagot ko
"Utot mo!"
"Hindi nga! Baliw diko papatulan yan!" pag didiin ko at tumango lang siya pero may halong panunukso yung ngiti niya "Hindi nga!"
"Hahaha!"
"Tabi mga paa!" biglang sumingit si Sandy at dumaan ito sa gitna namin
"Hmp! Papansin!" pang aasar ko at lumingon ito
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...