CHRIS's POV
"From the Top!" Sigaw ko dahil may nagkamaling isa, nasa polishing na kami kaya kailangan kong maging istrikto, ayokong mapahiya sa mga teachers.
"Christian" biglang sulpot Sir Ramos, ang Pinakahead ng Dance Club
"Sir Good morning po" Bati ko
"Balita ko pupunta ka daw ng Japan pagkatapos ng Foundation day?"
"Yes sir pumunta narin po yung parents ko dito sa school para ipaalam ako"
"Pero kailangan mo bumalik"
"Oo sir kailangan po talaga, baka Isang buwan lang po ako mawawala"
"May sasalihan kasi tayong Dance Contest maasahan ba kita dun?"
"T-talaga sir? Kailan po?" nabigla kong sabi
"Wala pang exact date pero, baka pag dating mo kailangan niyo ng mag practice agad"
"Ok sir sige po" masayang sagot ko at tumango naman ito
"Patingin nga ng sayaw niyo"
"Ok sir, Guys Position!"
Kasali ako sa sayaw pero ngayon hindi muna ako sasalang dahil masama ang pakiramdam ko. Siguro dahil kahapon pawisan ako, mainit pa tapos biglang mall tsk tsk. Wala naman akong lagnat, masama lang talaga ang pakiramdam ko.
Hindi ko maalis ang mata ko kay Briana ang angas niya sumayaw at ang Ganda pa. Buti nalang at sumali siya sa Dance Club kailangan ko talaga ang kagaya niya.
Hindi rin nagtagal si Sir Ramos at umalis din ito agad. Nagtuloy tuloy ang practice hanggang sa umabot na kami ng tanghali.
"Breaktime, balik kayo ng alas dos" utos ko
Unti unti silang nag si alisan hanggang sa ako nalang ang natira mag isa. Habang nakaupo ay sumandal ako sa pader at pumikit muna. Kanina pa ako galaw ng galaw pero hindi ako pinagpapawisan.
*Tok! Tok!*
"Sa wakas" singhal ko at bumakas ang pinto
"Pre lets eat!" si Ian
Nakaabang lang ako sa pinto.
"Si Lampa?" tanong ko dahil siya naman talaga ang inaasahan kong sumundo saakin, nasanay lang.
"Baka busy, tara na kain na tayo"
Tumayo ako at hinilot ang ulo, sumakit na rin kasi ulo ko.
"Tara" aya ko
---***---
Habang hinihintay si Ian na nag order, Hinanap ko sa contact list ang pangalan ni Sandy saka ko ito kinontak, agad niyang sinagot.
"Oh?"
"Anong oh? San ka?" tanong ko
"Hmm.. Nakatulog ako dito sa Art room, san ka?"
"Canteen, kumain ka na?"
"Hindi pa, hintayin niyo ako diyan" pinatay ko ang linya saka umiling
Puyat? E wala ngang jowa!?'
"Here's your order sir!" sulpot ni Ian
"Uwi na ako pagkatapos ko kumain"
"Bakit?"
"Sama ng pakiramdam ko pre"
"Wala kayong practice?"
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...