Chapter 2: Meeting The Others

15 2 0
                                    



Ito na nga. Naglalakad na kami nito ni ateng maliit papunta sa hindi ko alam kung saan. Ang sabi niya dadalhin niya daw ako kay Gideon na hindi ko naman kilala. What if he's a total creep? Or a rapist? AAAAAHH!!



"Malapit na tayo." Sabi niya sakin at ngumit.



Pumasok na kami sa isang village at nagsimula na akong makakita ng mga tao. Shet. Mga tao. Haven't I told you na ayoko sa mga tao? Huhu. I caught people's attention as I walk. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I hate being stared at.



"Another human?" Rinig ko mula sa mga tao sa paligid.



Another human? Bakit, hindi ba sila mga kagaya ko? Alien ba sila in human forms? Omg ha! Sobrang hindi parin nagsi-sink in sa akin na nandito ako, paano kung—



"Nandito na tayo." Rinig kong sabi ni ateng maliit. Nasa tapat kami ng isang malaking bahay, pero hindi siya mukhang normal na bahay. May mga parang pixie dust sa walls, my God, lilipad na ba ito mamaya? Even the flowers and the grasses are shining. Just wow.



"What is this place?" Tanong ko sakanya.



She just smiled. "Iwan na kita dito. Lalabas si Gideon mamaya at siya na ang bahala sayo."



Napalunok ako. Ito na, ito na! Iiwan niya ako sa taong hindi kilala— well, hindi ko rin naman siya kilala kaya tinanong ko ang pangalan niya. "What's your name, by the way?"



"Effie." Maigsi niyang sabi at naglakad na pabalik.



After a few moments, the door in front of me opened. Then a tall and handsome guy appeared. Omg? Ito na ba yung inaakala kong rapist? The hell. Baka naman kasi rapist or creep talaga siya diba? Hay nak—



"Welcome to our village." Sabi niya habang may maliit na ngiti. "I'm Gideon. In charge ako sa mga human na napapadpad dito, pasensya ka na."



"Pasensya?" I asked, curiously.



"Simula kasi nung napunta sa Walsh queen ang key mula sa mundo na 'to, kung saan saan na lumalabas ang pintuan. Pasensya ka na." Paliwanag niya.



"Pero bakit—"



"That's all you get. Pumasok ka na." Masungit niyang sabi.



Wow. Ni hindi ko nga kilala 'tong taong ito tapos papasok nalang ako basta basta sa bahay niya? Or bahay niya ba talaga 'to or kasambahay lang siya dito?



"Hindi ako kasambahay dito." Sabi niya habang naglalakad, naglalakad lang din ako nakasunod sa kanya.



But what did he say? Narinig niya ba yung iniisip ko?!



"I didn't say anything." Mahina kong sabi.



Tumigil siya at tumingin sakin. "As long as you're inside this house, your thoughts are loud and clear. But only to me."



I took a gulp. What the HELL???



"That's right." Sabi niya pa at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod nalang din ako sakanya. Grabe, he's able to hear my thoughts! Paano na ako makakapag-isip nang matino knowing na may nakakaalam ng thoughts ko bukod sa akin? Grabe!



"This is where we keep every human na napupunta dito." Tumigil kami sa isang kwarto at binuksan niya iyon. "Ang ibig kong sabihin, sa bahay na ito."



"Can I ask you something?" I asked.



Napatitig siya sakin na para bang nag-iisip. Pero matapos ang ilang segundo ay nagsalita na siya. "Isang beses lang."



Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now