Naglalakad ako dito sa mga pasilyo. Appreciating the painting on the walls. I was into arts way back in elementary and I don't know what happened. I've finally reached that point where I hate the things I used to like doing. And it makes me sad at some point, ewan ko ba. Knowing me, ang lungkot kong tao. Loner. Walang kaibigan. Introvert. Ayaw sa tao. I even dislike my own name. Ugh. I keep saying that but I just really hate my parents.I never met my dad. He left my mom for God-knows-what reason. And then after my mom gave birth, iniwan na niya ako sa tita ko. She got married again, and now she has two kids and a loving husband. Kahit hindi sabihin ng nanay ko, alam kong ikinakahiya niya ako. She even introduced me to her new husband as her niece. I know, right? Bullshit. I never cried for her. I'm not even missing her. I didn't need her back then and I don't need her now.
"Bakit nasa labas ka pa ng kwarto mo?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Eaton. Napangiti lang ako at umiling. "Ayoko sa kwarto, naiinip ako." Dahilan ko nalang.
Sinabayan niya ako maglakad, "Alam mo ba, 'yang mga painting na 'yan ay mas matanda pa sa mga lolo namin." Then he chuckled.
I giggled. "Yeah, I can see that."
Narating na namin ang dulo ng pasilyo at naupo kami sa upuan na nandon. Hindi ko ma-explain. Gusto ko na magpalit ng t-shirt at shorts nalang. Naiirita na ako sa suot ko.
"Ari.." aniya, "I'm going to be honest with you, okay?"
I nodded and he continued talking, "I'm really sorry nandito ka."
I raised a brow. "Eaton... what is this place?"
"This place is called the Village. 'Yon lang talaga, everything is quite unusual because this place is not for humans." Sabay kamot niya sa batok niya.
I asked, "What are you?"
Napatingin siya sa akin. Mukhang nag-aalangan siya kung magsasalita ba siya o ano. Kulang nalang magmakaawa ako na sabihin nalang niya agad dahil sobrang naguguluhan parin talaga ako.
"We're immortals."
I don't know but I'm not surprised. I knew there's something off about these people. I knew it!
"Don't be scared." He placed his hand over mine and it gave me the chills. "Hindi ka namin sasaktan, we'll protect you until the doorknob appears at kami mismo ang maghahatid sa'yo pabalik sa lugar niyo." Tapos ngumiti siya.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Pero napuno ng what if's ang utak ko. Paano kung mapamahal ako sa mga tao na 'to? Paano kung sakanila ko mahanap ang pakiramdam na mayroong pamilya? Paano kapag nangyari na 'yon, kailangan ko na umalis?
"It's getting late," sabi niya, "Kailangan na natin bumalik sa mga silid natin."
Tumango nalang ako at naghiwalay na kami. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Eric, "Good evening." Sabi niya kaya naman nginitian ko siya at naglakad na muli.
"Ari?" Rinig kong tawag niya kaya naman napalingin ako, "Never acknowledge the ladies in green if ever susubukan nilang kausapin ka. Just don't. Okay?"
I nodded my head, "Okay."
—
Nagising ako nang medyo madilim pa pero kita ko sa bintana na sumisikat na ang araw. May naririnig ako na nagwawalis sa pasilyo kaya naman dali dali akong tumayo at sumilip sa pinto, at pagsilip— omg????
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...