Third Person's POV"Nakita mo yun? Pinatumba ko lang sa isang sapak yung bampira kanina oh, pak!" Masayang kwento ni Eaton at nagkunwaring sumusuntok sa ere. Naglalakad na sila ngayon pauwi sa bahay.
"Wala ka sakin, tatlo agad yung patay isang taas ko lang ng kamay ko. Boom!" Pagmamayabang naman ni Eric.
"Shut up, idiots." Masungit na sabi ni Gideon.
"Luh?" Pang-aasar ni Eaton, "Excited ka lang umuwi eh." Even if he's joking, nasasaktan parin siya pero wala siyang magagawa.
Napatigil si Gideon sa paglalakad kaya naman ang resulta ay bumangga sakanya si Eric at bumangga si Eaton kay Eric. "The hell, Gids?!" Inis na asik ni Eric.
"Shh." Gideon raised his forefinger. "Bakit nakabukas ang main door?" Tanong nito. Napatingin naman yung dalawa at nagtaka din kung bakit nakabukas yung main door, hindi naman usually nakabukas ito, kahit nasa garden lamang sila ay nakasara parin 'yon.
Dali dali silang pumasok sa loob.
"Ari!"
"Maurice?!"
Dali dali namang umakyat si Eric patungo sa kwarto ni Mau at si Gideon papunta sa kwarto ni Ari. Biglang nabalot ng kaba si Gideon nang makitang wala si Ari doon sa kwarto niya, he even checked the balcony but still nothing.
"Gideon! Eaton!" Malakas na tawag ni Eric sa dalawa habang nasa loob ito ng kwarto ni Mau. Laking gulat nilang tatlo nang makita ang sitwasyon ng kwarto ni Maurice.
Maya maya naman ay narinig nilang bumukas ang main door kaya nag-uunahan pa silang bumaba. Nakita nila si Mau na pagod na pagod, ang dumi ng damit at hinang hina na naglalakad papasok.
"Maurice!" Nag-aalalang tawag ni Eric at agad na pinuntahan ito.
"Mau.. where's Ari?" Gideon worriedly asked.
Napataas ang tingin ni Mau kay Gideon at halos napaluha nalang. "The queen... she t-took Ari.. I-I'm sorry.."
Lahat sila ay nanlumo sa narinig. Maingat naman na pinaupo ni Eaton si Mau sa sofa. "I tried to protect her, I swear I really did but the queen was too powerful, I couldn't fight her.." mahinang sabi nito. Hinagod-hagod naman ni Eric ang likod nito bilang comfort.
Napaupo na lamang si Gideon sa hagdanan at napahawak nang madiin sa buhok niya. "We failed... again. I failed again." He silently said.
"We have to do something." Sabi ni Eaton, "We can't just let the queen win for the nth time. We must do something, and Gideon—?" Tawag niya sa kaibigan kaya napatingin naman ito sa kanya, "—babawiin natin si Ari."
Ari's POV
Bakit wala pa si Gideon... Hindi ko alam kung pang-ilang beses na sinabi ng utak ko yan ngayong araw. Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at isinubsob ang mukha ko dito.
"Ari.. huwag ka na malungkot." Rinig kong sabi ni Angeline.
How could I not...? Halos sabihin ko sakanya pero mas pinili ko nalang manahimik. Halos mapaigtad ako nang marinig ko yung main door nitong dungeon-look-alike, at pumasok ang tatlong gwardya. Sinusian nila ang lock ng cell ko at pumasok saka nila ako hinawakan at sapilitang inilabas.
"A-ano ba! Bitawan niyo nga ako! Aray gago ang sakit!" Sigaw ko sakanila but they just kept on dragging me.
Napadaan kami sa mahabang pasilyo, sobrang creepy ng lugar. Nakuha ng atensyon ko ang isang kwarto na glass ang wall kaya nakikita ang loob nito mula sa labas. Madilim ang lugar pero ang tanging nagbibigay liwanag ay ang isang...
Key?
Nanlaki ang mga mata ko. That must be it! Iyon na nga siguro ang susi sa Fire exit, ang susi na kailangan kong makuha at maibalik kila Gideon.
Napatigil kami sa paglalakad nang pumasok kami sa parang isang science lab. There's a super huge aquarium here... may mermaid sa loob. Shit. A freaking mermaid!!!
"Ipasok niyo na 'yan." Sabi nung parang kapre sa mga guwardya na may hawak sa akin at sapilitan na naman nila akong hinila papasok sa isang malaking machine.
Ang lamig at ang dilim sa loob kaya niyakap ko nalang ang sarili ko. Maya maya lang ay bumukas ang mga ilaw sa loob. Para akong nasa isang room na gawa sa metal, everything is white.
Nagsimula nalang ako kabahan nang lumutang ako sa ere. Shit. Mommy... huhu! Paano kung bigla nalang nila akong ilaglag?!
"H-hoy! Put me down!" I shouted. "Arghhh! Ibaba niyo ako dito!"
Halos manigas ang buong katawan ko nang makaramdam ako ng bota-botalyeng kuryente sa katawan ko. Sobrang sakit! Pakiramdam ko ay maghihiwa-hiwalay ang mga parte ng katawan ko any minute. Para akong hinihigop, para silang may inaalis sa akin pero hindi ko alam kung ano.
I feel like dying. Tanging sigaw lang ang nagagawa ko, hindi ko na kaya.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...