Chapter 9: Gideon

17 2 0
                                    



Nakauwi na kami galing sa Paradise. Hindi parin nawawala sa isip ko yung sinabi ni Eaton kanina habang kasama namin si Jinx. Baka naman nagbibiro lang siya, Ari. Sabi ng utak ko. Ewan ko! That wasn't a good joke, hindi nga ako mapakali ngayon eh!



"Ariadne."



Napahinga ako nang malalim nang marinig ko yung malamig na boses ni Gideon sa likod ko. Nandito nga pala ako sa balcony, bakit ba kasi hindi nalang ako sa kwarto ko tumambay.



I slowly faced him, "Yes?"



Dahan dahan siyang naglakad at tumabi sa akin. Sa pagkakataong ito pakiramdam ko bumagal ang oras. Despite the cold treatment, masasabi kong I feel safe whenever Gideon's around. Maybe because ganon lang siya kasi nga concerned siya sakin, sila. Pero hindi niya naman ako kailangan sungitan!



"I'm sorry for treating you badly." He sighed, "I just don't want to be close with a human ever again."



Napatingin ako sakanya, "Why, have you ever been in love with a human before?"



I heard his soft chuckle. "Nah. People die when they get close to me."



I paused for a second before saying, "I'm not going to die. Alam kong po-protektahan mo ako." I said, almost whispering.



He looked at me, "I can't protect anyone."



"Nobody can."



Medyo napangiti siya sa sinabi ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagsasalita, "Whatever happened to the others, it wasn't your fault, Gideon."



Dahan dahan kong hinawakan ang balikat niya just to comfort him, feeling ko ang bigat ng pinagdadaanan ng taong 'to.



He took a deep breath. "I almost get you in danger." Sabi niya. "The other day."



Napatango ako, "Pero hindi mo parin kasalanan 'yon." I am trying my best para lang hindi niya sisihin ang sarili niya. Gusto kong gumaan ang pakiramdam niya kahit kaunti.



"You know what, Ari.." mahinang sabi niya at muling tumingin sakin, "Ayaw na kitang mahiwalay pa dito samin, sa'kin. So promise me you'll do as I say."



I nodded my head, "I promise."



**



Kanina pa ako nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko makalimutan 'yung usapan namin ni Gideon kanina sa balcony.



"Ayaw na kitang mahiwalay pa dito samin, sa'kin."



"Ayaw na kitang mahiwalay pa dito samin, sa'kin."



"Ayaw na kitang mahiwalay pa dito samin, sa'kin."



Napangiti na naman ako. I knew it. Softie naman pala 'tong lalaking 'to. Kala mo talaga sobrang sungit dahil sa pakikitungo niya sakin nung mga nakaraan.



Pero...



Did we just have a moment?



Gets ko naman kung anong ibig sabihin nung huling niyang sinabi sa akin pero there's a part of me that wants to confront him about it. I've always wanted to get to know him, that's all. Sobrang awkward lang kasi na lahat ng kasama dito sa bahay ay ka-close ko, tapos kung sino pa yung talagang leader, hindi. Ang sad isipin diba?





Napadilat ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Arghhh! Gusto ko pa matulog! Wala na akong nagawa kaya naman inayos ko nalang ang sarili ko bago ako bumaba.



Habang naglalakad sa hallway ay bigla nalang may humila sakin at nagtago kami sa loob ng isang secret door pero parang closet lang naman ang loob. Amoy luma!



"Gid—" I didn't finish what was I gonna say when he cupped my mouth with his hand. What's going on?!



"Shh. Walsh's guards are outside, they're not looking for you. Pero may hinahanap sila. I let Maurice and Eaton deal with them." Bulong niya.



Huhu. Ayoko mapahamak. Natatakot ako. Natatakot ako kaya naman niyakap ko si Gideon. Inalis niya ang kamay na nasa bibig ko at niyakap ako pabalik. I'm really scared. After how many days, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot ulit.



"Don't be scared, Ariadne." He whispered to my ear, "I'm here."



I can't help but to smile. Why are you suddenly being so nice to me, Gideon?



"Tinatanong paba yan?"



I gasped at what he said. Oo nga pala! How could I forget about that?! Na naririnig niya ang mga iniisip ko?! Huhu.



I heard him chuckled silently, "Don't worry, I'll just pretend I didn't hear your thoughts if that would make you feel better."



Humiwalay ako sa yakap pero hindi niya inaalis ang higpit ng yakap niya sa akin.



Our noses met. Magka-nose to nose kami ni Gideon ngayon! Despite the darkness, I could still see his eyes.



"Simula nung dumating ka dito, hindi na nawala ang paningin ko sayo," bulong niya. "You're so beautiful, Ariadne."



Our lips are just one inch away from each other. Nung mga panahong iniisip ko na gusto kong kilalanin si Gideon. Ano nga ba ang pinaparating ko don?



I want to kiss him.



Pumikit na ako at akmang hahalikan siya nang bumukas ang pinto, nandon yung tatlo.



"Oops..." sabay na sabi ni Eric at Mau habang nagpipigil ng ngiti. Si Eaton naman ay blanko lang ang itsura.



Eric faked a cough. At dun napabitaw kami ni Gideon sa isa't isa. Nakakahiya!



"They're gone." Nakangiting sabi ni Mau. She must be pertaining to the guards.



"Good." Tipid na sabi ni Gideon saka lumabas. Napatingin naman ako kay Eaton, nag-walk out narin siya.



"Ikaw ha." Tukso sakin nung dalawa.



"Manahimik nga kayo." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa at lumabas narin saka dumiretso sa kusina. I'm hungryyyyy!




Kasabay kong kumakain si Eaton. Hindi ko alam kung nasaan yung tatlo. Sana kasabay kong kumain si Gideon. Isang beses ko palang kasi siya nakasabay sa pagkain eh.



"What was that?"



Napatingin ako nang magsalita si Eaton. "Huh?"



"Ano yung nakita namin kanina?" Tanong niya pa.



Napangiti naman ako nang maalala ko na naman yung kanina. Argh! Nakakainis lang. Ayoko na nga maalala eh, ito naman si Eaton napaka-ano!



"It was nothing." I plainly said at pinagpatuloy nalang ang pagkain.



"You guys were kissing."



I faced him with an annoyed expression, "We weren't, Eaton. Why don't you just finish your meal?"



Hindi na siya nagsalita pa, buti naman! Gideon. He's the only person I need to talk to about what happened.

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now