Habang naglalakad ako palabas sa kusina ay biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Tumingin ako para makita kung sino siya. Si Gideon."Saan ka pupunta?" Madiin niyang sabi.
Binawi ko yung braso ko. "Wala. Maglalakad lakad lang siguro sa paligid at mag-iisip." Tinignan ko siya nang matalim. "At pwede ba, huwag mong pakinggan yung mga iniisip ko. Nakakahiya."
Nagulat ako nang hinablot niya muli yung braso ko at tinitigan nang maayos yung red mark.
"Kailan ka pa may ganito?" Tanong niya. "Matagal naba?"
"I don't know. Kaninang umaga ko lang yan nakita."
Binitawan niya ang braso ko at tumitig sakin. "You let me know if that thing gets bigger." He said.
"But, why?" Tanong ko.
"Ariadne.." Madiin niyang sabi habang nakatitig sa akin, "You let me know."
"Okay." I softly said, almost whispering.
Naglakad na siya palayo. Gusto kong kilalanin si Gideon kahit napaka imposible mangyari yon. Gusto kong malaman yung mga sikreto niya. Hindi ko alam kung bakit. But I'd like to get to him more.
___
Naisipan kong ayusin yung kwarto ko. Hindi ko alam para kasing hindi siya pumapasa sa taste ko. Wow, taste talaga? Nakikibahay ka na nga lang, Ari eh hahaha.
So yon nagtanong ako ng extra bedsheets kay Maurice and good thing meron naman. Ang cute nga eh, kulay purple. Naisip ko din na palitan yung curtains para mag match sa kulay ng kama ko. Inalisan ko rin ng dust ang ilang bahagi ng kwarto. I am satisfied. Hindi ako nagrereklamo na walang aircon kasi malamig dito sa lugar. Kulang nalang mag-snow hahaha.
Namimiss ko na talaga sa amin.
Maya maya lang ay nakarinig ako ng katok kaya naman dali dali kong binuksan yon. Si Eaton lang pala. "Hi, Ari!" Masayang bati niya.
I smiled. "Hi. Ano meron?"
"Magde-decorate kami sa garden kasama sila Eric, sama ka?"
"Oh sige ba." Sabi ko at lumabas na ng kwarto para sumama sakanya. Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng 'ehem' sa likod kaya naman napatigil kami at lumingon. Si Gideon pala andon. Nakakagulat naman ser.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya samin.
"Sa garden." Eaton said, "Tara na, Gids, nag-prepare din sila Eric ng mga inumin."
Tumingin sakin si Gideon at muling tumingin kay Eaton, "Diba bawal muna siyang lumabas?"
"I didn't know about that." Nahihiyang sabi ni Eaton habang nagkakamot ng batok.
"She already have the mark, Eaton." Madiin na sabi ni Gideon kaya naman napatingin sakin si Eaton kasama ang nakakalokong expression sa mukha niya na para bang gulat na gulat. Ano ba kasing meron sa mark na 'yon?
"Uhm mag-stay ka nalang muna dito sa loob ng bahay, Ari, kami na bahala magsabi kay Mau kung bakit hindi ka makakalabas." Eaton said before heading off.
Tinignan ko ulit si Gideon. Ang sama ng tingin niya sakin. Oh? Ano na naman ang ginawa ko sakanya?
"Hindi ba pinasabi ko na sayo na bawal kang lumabas?" He said in a low but firm tone.
Napatango ako. "Opo."
"If you want to be safe, matuto kang mag-ingat. Kung gusto mong mapahamak, magsabi ka lang at ako mismo maghahatid sayo sa queen." Sarcastic niyang sabi at naglakad na palayo.
I scoffed. Bakit kasi walang nag-eexplain sakin kung ano talaga ang nangyayari diba? Anong meron sa mark? Bakit sobrang protective nila sa akin? Hindi ko na alam ang nangyayari.
Gusto ko nalang umiyak.
Naiiyak na ako.
Humihikbi ako nang makita ko si Gideon na papalapit sa akin kaya naman tumakbo ako pababa sa hagdan. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero wala na akong pake kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Gusto ko nalang matapos ang mga 'to. I want to go home. I want to go home so bad. Lumabas na ako ng main door at nakita ko doon yung tatlo. Masaya. Napatingin sila sa akin at napalitan ng pag-aalala ang masaya nilang mukha nang makita akong umiiyak.
"Ari!" Narinig kong tawag ni Gideon sa likod ko kaya naman tumakbo na ako palayo sa bahay na 'yon.
Ayoko na. Ang tagal ko na nagtitiis sa lugar na 'to. Gusto ko na umalis dito.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...