Chapter 27: Village Festival

24 2 0
                                    



Third Person's POV


Tulala lang si Maurice habang nakatingin sa kung saan. It's been twelve days already. Naibalik na nila ang ibang kababaihan sa mundo nila samantala hindi parin nagkakaroon ng malay si Ari. Nagsimula nga ang kapayapaan sa mundo nila, naging malungkot naman sa loob ng bahay dahil simula nung araw na nakuha nila si Ari ay hindi na sila nakakatawa pa ulit.



Maurice let out a sigh then made her way to Ari's room. Dahan dahan siyang pumasok at naabutan niya ang mga pixies na nakapaikot sa natutulog na dalaga.



"Hi pixies." She greeted. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Mau at umupo sa tabi ni Ari.



"We were just checking on her. Madalas kasi namin siyang naririnig habang natutulog siya. She might be having nightmares so we've decided to shower her some pixie dust." Paliwanag sakanya nung isa kaya napatango nalang siya at tumingin kay Ari.



"Grabe, Ari, ang payat mo na. Pasensya ka na kung wala kaming magawa sa kalagayan mo ah? Maging si Eaton na may kakayahang mang-gamot ay hindi ka matulungan dahil galing sa mga witches ang kung ano mang nasa loob mo ngayon. Sorry talaga." She softly said, trying to hold back her tears. Sa daming tao na ang kanyang nakasalamuha, kay Ari lang talaga siya na-attach nang ganito.



She slightly flinched when the door opened and then she saw Eaton standing there.



"Still nothing?" He asked. Mau shook her head as answer.



Tila nanlumo ang binata sa narinig. Lahat sila ay apektado sa nangyari. Walang araw na hindi nila ito pinuntahan sa kwarto para lang tignan kung gising na ba si Ari.



"Mau..." Eaton called out, "Just so you know, the festival is tomorrow."



"And we're not going." Diretsong sabi ni Maurice, "We're staying here. With Ari."



"You do know that's against our law, right? Lalo na't si Gideon ang kinikilalang pinuno sa town na 'to."



Maurice sighed in defeat. "Is he coming, though?" Tanong niya kay Eaton.



"I'll talk to him."

***

"We can't just leave Ari here. Kailangan may kasama pa rin siya dito." Madiing sabi ni Gideon. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Eaton sa balcony.



"I know. Pero kailangan nandun tayo bukas, alam mo naman 'yun diba?"



Gideon frowned, "Tss. I don't fucking know. Right now, all I care about is her safety, that's all."



"Have you forgotten?" Eaton says, "We have the pixies. Hayaan mo muna na sila ang magbantay kay Ari, just for one day." Pangungumbinsi nito. Alam kasi niya na mas magkakagulo pa kapag hindi sila pupunta sa festival na ginaganap nila taon-taon.



"Tsss. Fine. But only if you try to heal Ari again. Just try." Gideon replied before walking away. Napaisip naman si Eaton sa sinabi ng kaibigan niya kaya dali-dali siyang nagtungo sa kwarto ni Ari at tumabi siya gilid nito.



He reached for her hand and held it. Pumikit siya at nag-concentrate. Maya maya lang ay nakakaramdam siya ng init sa palad kaya naman pinagpatuloy niya pa ang ginagawa niya, hanggang sa hindi na niya kinakaya ang init kaya naman agad siyang napadilat at binitawan ang mga kamay ni Ari.



"What are you doing?"



Napatayo sa gulat si Eaton nang magsalita si Ari habang nakadilat at nakatingin sakanya. "What were you trying to do, Eaton????" Masungit na sigaw nito sakanya.



Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now