Chapter 28: This Is My Home

15 2 0
                                    



Ari's POV



Tulala parin ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko yung mga nangyari kanina sa festival. Hindi sinagot ni Gideon yung mga sinabi ko, right after he kissed me, tumigil na rin kami sa pagsayaw. Hay. Ewan ko ba, ayaw niya siguro pag-usapan yung pag-alis ko. Ayoko rin naman pero kailangan 'no! I have to convince him. I really want to stay here so bad. Hindi ko na kaya pang malayo sakanila eh.



Nag-iba ako ng position dahil hindi talaga ako makatulog. Hindi ko alam, but there's definitely something that's making me uncomfortable. Tumayo na ako at lumabas muna sa kwarto. Naiinis ako dahil ang haba ng suot kong pantulog.



Bumaba ako at pumunta sa kusina. Hindi ko naman inaasahan na nandun pala sina Gideon at si Eaton. Tatalikod na sana ako para umakyat nalang ulit nang tawagin ako ni Eaton. "Ari, tara dito!"



Dahan dahan akong humarap sakanila at lumapit para umupo. "Um, ano meron?"


"Pinagpa-planuhan lang namin yung mga pwedeng baguhin dito sa town." Napatango ako sa sinabi ni Eaton. Tumingin ako kay Gideon, busy siya sa pagsusulat. Ni hindi man lang niya ako tinitignan. Hanggang sa naisip kong banggitin ang pangalan niya sa isip ko.



Gideon.



Wala pa rin.



Gideon!



He took a glance at me at pinagpatuloy na ang pagsusulat. Argh. Ano bang problema niya? May nagawa ba ako?



Tumayo na ako at naglakad palabas sa kusina. Hindi ko na pinansin kahit tinawag pa ako ni Eaton. Lumabas ako at nagpunta sa garden, wala akong pake kahit madilim ang paligid. Naiinis ako kay Gideon! Pwede naman niya sabihin sa akin kung may mali diba? Parang kanina lang nung nasa festival kami, sinabi niyang mahal niya ako tas ngayon hindi man lang namamansin?! Argh!




Tumingin ako sa kalangitan, color blue yung mga stars. Whoa. Ba't ngayon ko lang napansin??



"Ari, pumasok ka na dito sa loob." Rinig kong tawag sakin ni Eric kaya naman wala akong nagawa kundi pumasok nalang kahit ayoko pa.



Nakita ko si Gideon na nakahiga sa sofa at nagtama ang paningin namain. Hmp! Bahala siya dyan. Umakyat na ako para pumunta sa kwarto ko, pero nang mapadaan ako sa balcony nakita ko doon si Eaton na parang may iniinom.



"Eaton." Tawag ko sakanya. Humarap naman siya sakin, ngumiti at tumango. "Ano yan?" Then I pointed out the bottle he's holding.



"Wine. Gusto mo?"



I shook my head. "No thanks." Pinanood ko lang siyang magsalin ng wine sa baso at ininom ito. I don't know what's gotten into me but... "I miss you, Eaton."



Tila nagulat siya sa sinabi ko dahil napatigil siya at tumingin sakin. "A-ano?" He stutters.



"Sabi ko, I miss you. Namimiss ko na yung kaibigan ko. Pakiramdam ko simula nung umamin ka ay iniwasan mo na ako." Sabi ko sakanya at ngumiti nang malungkot.



Napakamot naman siya sa batok niya at tumawa nang mahina. "Ari naman, eh. Sinusubukan ko na nga kalimutan 'yun bago makipag kulitan ulit sayo." Matapos niyang sabihin 'yun ay ginulo niya ang buhok ko. Grabe namiss ko talaga siya nang sobra. Ayoko sa lahat nalalayo sa kaibigan ko.



"Hindi mo naman kailangan iwasan ako." Sabi ko. "Pwede naman tayo magpatuloy sa pagiging best friends 'no."



He let out a loud sigh and took a sip of his wine. "Easy for you to say. You're not the one who has feelings for someone who is in love with someone else. Hindi madali 'yun, Ari. Lalo na at kaibigan ko si Gideon." At dahil sa sinabi niya, natahimik ako. Gusto kong mag-sorry but why am I sorry for?



I came back to my senses when I heard him coughing. "Uy, okay ka lang?" Sinubukan kong kunin yung bote na hawak niya. "E-Eaton! Tama na yan, may tama ka na."



"Get away from me, Ari." Malamig niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ano magre-react. Napaatras ako nang lumapit siya sakin.



I raised a hand, "Eaton... dyan ka lang." I said, almost whispering.



"Bakit kasi hindi nalang ako?"



And with that, mabilis siyang lumapit at niyakap ako nang pagka-higpit. Narinig ko nalang ang mahinang pag-iyak niya sa balikat ko. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maluha.



"Eaton.. I'm sorry. It's going to be okay. I promise. 'Wag naman ganito. Best buddies tayo diba?" I whispered as I rub his back for comfort. "Wag ka na maging ganyan, oo nga alam ko hindi madali. Nasasaktan din naman ako ngayon kasi nasaktan kita. Hindi ko sinasadya. I swear, I did not expect this to happen. Eaton... sige na.."



"Just..." he sniffs, "Just let me hug you.."



I sighed.


***

*the next day*



"Hindi ka na pwede magtagal pa dito, Ari." Diretsong sabi ni Eric sakin. Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon. Nakaupo silang apat sa sofa sa harap ko, at nakaupo ako mag-isa sa harap nila. Grabe. Ba't ganito yung feeling ko.


"But..." I looked down as I speak, "...I want to stay here w-with you guys." I laughed nervously. "C-can I stay here?" At dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan sila isa-isa. Tumingin ako kay Gideon, walang emosyon ang mga mata niya. Ang lamig ng tingin niya sakin na para bang hindi niya ako kilala. Nasasaktan ako.



"I'm sorry, but no." Mahinang sabi ni Eric. "Humans don't belong in here, Ari. Alam mo yan, right?"



I nodded.



"So we're taking you home."



"So we're taking you home."



"So we're taking you home."

Tila nag-echo ang boses ni Eric sa utak ko. Nagsimula na mabuo ang mga luha sa aking mga mata, hindi ko na alam ang gagawin. This is what I hate the most, ang mapamahal sakanila and then having to leave them.



I got on my feet and stared at them directly.



"This... is my home." Bumagsak na ang luhang pinipigilan ko. Gideon's expression softened and I saw Mau wiping her tears. See? Ayaw din naman nila ako mawala, diba?



Tumayo si Eaton at itinutok ang kamay niya sakin pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ako, "Please, don't... I just want to stay here." I sobbed and I quickly cupped my mouth and ran upstairs.

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now