Chapter 6: The Town Of Madska

12 2 0
                                    



They went for a swim. Nag stay lang ako dito sa ilalim ng puno dahil hindi ako marunong lumangoy at hindi talaga ako mahilig mag-swimming. Pinanood ko silang maglaro at magtampisaw sa tubig, sila Mau, Eric, at Gideon. In fairness, mukhang masaya naman kasama itong si Gideon, ang gwapo niya nga kapag tumatawa, hindi ko lang alam kung bakit siya masungit sa akin. Bakit nga ba?



"Anong iniisip mo?" Napatigil ako nang magsalita si Eaton at umupo sa tabi ko.



I shook my head, "Wala."



"Imposib—" napatigil si Eaton sa pagsasalita nang may mga sumulpot na parang lions sa harap namin. Walo ang paa nila pero ba't ganon? Sobrang weird.



Mamamatay na ba ako? Nakakatakot ang itsura nila, para silang mangangain anytime. Huhu Lord ligtas mo'ko!!



"Ari, run!" Yun na ang huling narinig ko kay Eaton dahil tumakbo na ako.



Maya maya naman ay may isang sumulpot sa harap ko kaya napasigaw ako at nag-iba ng direksyon. Naiiyak na ako sa takot. Ayoko pa mamatay!



"Gideon! Si Ari!" Napalingon ako kila Mau na patuloy ding tumatakbo palayo sa mga bagay na 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong pumunta palapit kay Eaton pero paano?



Nag-iba ako ng direksyon at napadpad ako sa hindi pamilyar na lugar. Nawala 'yong humahabol sa akin. Para akong napunta sa lake. Yung unang lugar na nakita ko bago ko makilala si Effie. Pero ang ipinagkaiba ay nasa ibang bahagi ako ng lake. Napakatahimik.



"Eaton!" Sigaw ko. "Maurice!"



Sinubukan kong tumakbo ulit pabalik sa pinanggalingan ko pero hindi ko na mahanap ang tamang daan. Oh Lord. This is not a good time para maligaw. Sobrang mali ng timing. Kailangan ko silang makita.



Naglakad-lakad pa ako baka sakaling mahanap ko sila. Sinubukan kong pakinggan ang tubig mula sa falls pero hindi ko marinig. Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko ay napalayo ako sakanila. Natatakot ako. Niyakap ko ang sarili ko at pinagmasdan ang paligid. I don't know where the hell am I.



Napag-desisyunan kong magpatuloy pa rin sa paglalakad. Tirik pa ang araw pero kinakabahan na ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin. Naalala ko 'yung Walsh queen. Kinabahan ako nang sobra. Was it her fault? Alam niya bang nasa falls kami kaya nangyari 'yon at para mahiwalay ako kila Eaton? Nang makuha na niya ako?



I'm scared. Napahiga ako sa damuhan at umiyak nalang. Gusto ko na umuwi. Gusto ko na makasama ulit sila Eaton.







Nagising ako nang maramdaman ko ang matigas na sahig. What the fuck...? The last thing I remember I was lying on the grasses pero bakit ako napunta sa sahig?



"She's awake." May narinig akong boses ng lalaki sa di kalayuan. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang di pamilyar na lugar.



Tumingin ako sa paligid. May dalawang babae at dalawang lalaki ang nakapaligid sa akin ngayon.



"W..where am I?" I managed to ask.



"You're in Madska. Pwede ba namin malaman kung bakit ka nasa gubat namin?" Magalang na tanong nung isang babae.



"I— we, we were being chased by some lion-like creatures and then I got separated from my friends." I said. "How did I get here?"



"We found you." Sagot nung isang lalaki. "Akala namin patay ka na, pero narinig ka namin na humihinga pa and it's kinda rude to just leave you out there."



Ngumiti sila sa akin. Ano 'to? Bagong mga tao na naman? Bagong bahay na naman?



"What's your name?" Tanong nung isang babae.



Napansin niya yata na medyo naiilang ako kaya nagsalita muna siya, "Don't worry, we won't hurt you. I'm Alyssa, this is Narra, Marco, and Samuel."



Tinignan ko sila isa isa. Kung titignan ay para lang din silang mga ka-edad ko.



"I'm Ari."



They look confused. Hindi ba normal sakanila ang pangalan ko? Bakit pati reaksyon nila Eaton ay pareho sa reaksyon nila. Hmmm.



"Ariadne ang pangalan ko talaga. Ari nalang itawag niyo sakin," sabi ko, "Thank you for bringing me here."



Ngumiti sila at nagsalita si Samuel, "Wala 'yon. Pero saan ka ba nakatira."



Napahinto ako. Ano ba yung lugar nila Gideon? Ay basta sasabihin ko nalang yung sinabi sakin ni Mau.



"I'm from the Village." Sabi ko.



Nagkatinginan sila at muling tumingin sakin. "So you're from Gideon's cottage?" Tanong ni Narra at mabilis akong tumayo.



"Medyo malayo 'yun dito. Mabuti pa dito ka nalang muna magpalipas ng gabi at bukas pwede ka na namin ihatid sakanila." -Marco.



I nodded. "Thank you."

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now