Gabi na pero wala parin sila. I'm starting to worry about them. Lalo na kay Gideon. Ayokong mapahamak sila. Nagpunta ako sa kwarto ni Maurice at laking tuwa ko naman nang makita kong nakadilat na siya."Hey.." Mahinang tawag niya sakin kaya naman tumabi ako sakanya at hinawakan ang kamay niya.
"How are you?" I asked, "They went to the Brinton Mountain para kumuha ng pwede igamot sayo."
She smiled weakly, "They shouldn't have done that, nakalimutan na ba nila? We're immortals. Hay ang tatlong 'yon talaga." Saka siya tumawa nang mahina.
"Napag-usapan na namin kanina yan." Sabi ko, "pero mas mabuti parin daw na makainom ka ng gamot para bumalik agad ang lakas mo."
"Ari, thank you ha?"
Napakunot ang noo ko, "For what?"
She smiled again. "I've never had a friend like you, basta simula nung dumating ka, iba yung binigay mong saya sa bahay na 'to. Lalo na kay Gideon."
Napahinto ako sa sinabi niya. "Kay Gideon?" I asked.
"Oops." Then she giggled. "I'm not supposed to tell you that."
"Maaaauu." Sabi ko habang inaalog siya nang mahina. Kainis! Ang pabitin huhu.
"Haha. Kausapin mo nalang si Gideon tungkol dyan kapag tama na ang oras. Honest naman yung lalaki na 'yon." Then she gave me an assuring smile.
Narinig ko ang boses nila Eaton sa baba kaya naman napalingon ako sa pinto, "Nandyan na sila, wait lang Mau ha?"
Tumango naman siya kaya tumayo na ako at lumabas sa kwarto niya saka ako dumiretso sa hagdan, nanlaki naman ang mata ko nang makita ko silang sugatan at si Gideon, walang malay na nakahiga sa sofa. Oh my gosh!!
"Oh my God." Natatarantang sabi ko habang tumatakbo palapit kay Gideon. "What happened?!"
"We were attacked by the vampires on our way back here and..." napahinto si Eaton sa pagsasalita at itinuro niya si Gideon, "He was stabbed in his stomach."
"No..." bulong ko at tinapik nang mahina ang pisngi ni Gideon. "Gideon, wake up."
"Don't worry, he's not going to die. It's just that, hindi siya magigising hangga't hindi magaling ang sugat niya sa tyan. That's how our immortality works."
Maluha-luha kong tinignan sila Eric, "D...dalhin natin siya sa kwarto niya, please." I pleaded, almost whispering.
They both nodded at pinagtulungan naming dalhin si Gideon sa kwarto niya. We carefully laid him down on his bed.
"I'll clean him up... dalhin niyo na 'yung gamot kay Maurice." Sabi ko sakanila. Naunang lumabas si Eric samantala naiwan si Eaton sa likuran ko.
"Ari.." tawag niya, "He's not going to die, magpahinga ka na ako na bahala kay Gids."
I shook my head, "I'll stay with him hanggang magising siya."
Eaton smiled faintly before leaving the room. Lumipat ang tingin ko kay Gideon. Of course, you're not allowed to die, madami pa tayong pag-uusapan.
Kumuha ako ng towel at maliit na container na may warm water, then I started cleaning his wounds. I took a deep breath as I took off his shirt. Ang lala ng pagkakasugat sakanya. Dalawa ang stab wound na nasa tyan niya. Oh God.
Agad kong pinunasan ang mga natuyong dugo mula sa balat niya. At nang matapos ay agad ko siyang kinumutan. Tumabi ako sakanya at pasimple siyang pinagmasdan. I gave him a peck on his cheek.
"You're going to be okay, Gideon." Bulong ko sakanya. Umayos ako ng higa at pumikit. I really feel safe whenever he's around and I don't know why. All that I know is I need him close to me.
***
Nagising ako nang pasikat na ang araw. Kung nasa lugar ako namin, sa tingin ko ay 5AM na. Medyo maliwanag na ang paligid kaya naman agad kong inalis ang kumot ni Gideon para tignan yung sugat niya.
Maliliit na ito. Almost magaling na. Napangiti ako nang bahagya at tinignan ang mukha niya. Humiga ako at maingat na ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Gideon. Pinakiramdaman ko ang paghinga niya. I didn't see this one coming, yung kaming dalawa na nasa ganitong sitwasyon, malapit sa isa't isa.
Gideon, gumising ka na, gusto na kitang kausapin tungkol sa mga bagay bagay.
Hinintay kong sumikat ang araw bago ako bumangon. Tinignan ko si Gideon sa huling pagkakataon bago ako lumabas ng kwarto niya. Inayos ko ang kumot niya saka ako lumabas.
Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Maurice sa baba kaya naman nagmadali ako. "Mau!!" I ran into her at niyakap siya nang mahigpit.
"Easy, Ari." She said while lauging.
"I'm so glad you're okay! Huhu I was so worried about you kahapon alam mo ba yon?!"
She gently tapped my shoulder and pulled away, "I'm fine now. Besides, there are other things you need to worry about..."
"Yeah."
I knew she was talking about Gideon. And she's right, I should worry about him.
"How is he?" Napalingon ako kay Eric na nasa likod namin.
"His wounds are healing pero... hindi parin siya gumigising." Mahinang sabi ko.
"It happened to all of us before, ganon talaga, pero hindi kami namamatay. Strong kami eh." Pabirong sabi pa ni Eaton kaya natawa nalang kami ni Mau at pumunta na sa kusina para kumain ng almusal.
"So you stayed with him the whole night?" Tanong sakin ni Eric and I nodded.
"As in, magkatabi kayong natulog?" Tanong niya pa.
I giggled. "Oo nga, Eric! Ang kulit!"
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. I could feel Eaton's gaze kahit hindi ko siya tignan. Sobrang weirdo na ni Eaton sakin simula nung nakita niya kami ni Gideon sa secret door.
Matapos kong kumain ay nagpaalam muna ako sakanila na pupuntahan ko si Gideon sa kwarto niya. Pagdating ko doon ay naabutan ko parin siyang mahimbing na natutulog so I went to check on his wounds.
Yung isa wala na tapos yung isa ay pawala na. Nakangiti akong tumingin sakanya. "Gideon.. malapit kana gumising." I said as I hold his hand. "You told me... na mag-iingat ka and then you came back, almost lifeless." Mahinang sabi ko. "Pero hindi mo naman kasalanan 'yon." I chuckled silently before planting a soft kiss on his forehead.
"I'll be right here 'till you wake up."
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...