Chapter 21: Ready Or Not

9 1 0
                                    



Third Person's POV



"Your majesty..." tawag ng isang doctor sa queen na kasalukuyang nagkakape sa garden ng palasyo.



"What is it?" Maarte nitong sagot.



"Paumanhin, pero yung babaeng kakadating lang kahapon.. she almost didn't make it." Seryosong balita nito. Napatigil naman ang reyna at tinignan ang doctor.



"What do you mean?"



"She almost died. We had to pull her out, she was already crashing, kasisimula pa lang."



"Pity." Sabi ng reyna at humigop ng kape. "Ilan ang na-produce ng babaeng 'yon?"



"Three." Mahinang sabi ng doctor.



Napatayo ang queen. "THREE?!" She yelled. "Do whatever you have to! Transfer her to the lab, do whatever you have to make her stronger! Hindi ako makapapayag, siya ang pinaka-inaasahan ko."



The doctor scoffed, "But, your highness, what about the mermaid? Hindi naman yata pwedeng magkasama sila sa iisang kwarto."



The queen shot her bored look. "She's a mermaid. She stays in the aquarium. Build a cell for Ariadne inside the lab. Now get out of my face."





Hindi nagtagal ay mabilis nagawa ang magiging kwarto ni Ari sa loob ng lab kung saan siya ay pag-eeksperimentuhan. Simula nung unang salang niya ay nawalan na siya ng malay. It's been three days already, nag-aalala na sakanya ang mga kasama niya dahil kitang kita na ng mga ito ang pangangayayat niya.



Pumasok ang mga doctor sa loob ng cell ni Ari nang may dalang hospital bed, maingat nilang binuhat ang dalaga at inihiga doon at tuluyan na siyang nilabas para ilipat sa lab.



"Anong gagawin nila kay Ari???" Nag-alalalang tanong ni Angeline.



"Hindi ko alam," sambit ni Annie, "Ngayon lang sila may ginawang ganito."



Nanahimik nalang silang dalawa.



Hiniga ng mga doctor si Ari sa bagong cell nito at dahil don unti-unti siyang nagising. Napansin ng isang doctor ang pagdilat niya kaya naman nilapitan siya nito.



"How are you feeling?"



She didn't answer. Titig lamang ang sinagot niya sa doctor. Biglang nanlaki ang mga mata ni Ari nang itali ng mga ito ang mga kamay at paa niya at ang mga tali ay konektado sa kamang hinihigaan niya.



"W-what are you doing?" She weakly said, "Please don't...."



Pumasok ang isang babaeng doktor at hinawakan si Ari sa chin niya, dahilan para mapanganga siya at may pinasok itong rubber sa bibig niya at isinara ito. Tinakpan ng mga doktor ang bibig niya gamit ang isang metal thing na hindi kabigatan. Takot na takot na siya, gusto na niyang maiyak sa takot pero hindi niya magawa.



Lumapit ang dalawang doktor sa magkabilang side niya at pareho silang may hawak na bakal. 'Is that a pen? A metal pen?' Ari thought to herself pero hindi na niya naisip yon nang ipasok nito ang mga hawak sa magkabilang tenga niya.



"It's okay, Ariadne." Bulong ng isang doktor at walang ano ano'y may pinindot sa machine na malapit sakanila at nakaramdam na naman si Ari ng matinding sakit sa buong katawan, lalong lalo na sa leeg pataas sa ulo niya.



Tanging boses nalang ni Ari na sinusubukang kumawala ang naririnig sa buong silid.




***



Napabangon si Gideon sa pagkakahiga, nakatulog pala siya sa sofa. Mabilis namang lumapit saka si Eric.



"Wala pa rin bang balita?" Tanong ni Gideon sa kaibigan.



"Wala pa." Sagot nito, "naghahanda pa yung mga kasamahan natin, alam mo naman, hindi ganon kadaling makapasok doon."



"We're wasting our time," Gideon mumbled, "It's been three days, who knows what happens to her?" He worriedly said.



Eric let out a sigh, "What happens after we get Ari and the others back? Sigurado akong kukunin natin ang susi." Seryosong sabi nito sakanya.



"Alam ko," ani Gideon "Alam ko rin na ibabalik na natin sila sa mundo nila at tayo mismo ang tatapos sa kaguluhan dito."



Eric got on his feet and tapped Gideon's shoulder, "Ready or not, babawiin natin si Ari bukas na bukas."

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now