Three months later..."Hoy, teka lang! Madadapa ako sa ginagawa mo eh!" Kulang nalang sigawan ko 'tong si Eve dahil kanina niya pa ako kinakaladkad papunta sa hindi ko alam. Ah basta nandito kami ngayon sa mall. Hay nako! "I swear.." sabi ko, "Kapag talaga nadapa ako! Dapat madadapa ka rin."
She stopped and faced me. "Relax ka lang, gurl! Malapit na tayo sa H&M, ayun oh! Nakikita ko na!" And with that, kinaladkad na naman niya ako, opo.
Nang makarating kami doon, nagpunta agad siya sa Men's section. I raised a brow, "At bakit nandito tayo sa men's section, Eve Monteverde?" Mataray kong tanong sakanya.
Tumawa siya nang mahina habang may hinahanap doon sa mga hoodie na naka-hanger. "Para sa boyfriend ko 'to, teh!"
"Boyfriend?!" I exclaimed. "Hoy! Ba't di ko alam??" Masungit kong tanong. Aba, we promised each other na sasabihin namin lahat sa isa't isa!
"Shh ka lang. Kahapon lang naman naging kami eh." Sabi niya pa saka naglakad-lakad. Kung saan saan na kami nakarating dahil may hinahanap daw siya na hoodie pero hindi niya daw alam kung ano ang bibilhin.
"Kahapon? E bakit binibilhan mo na agad siya ng anek anek?" Tanong ko.
"Syempre. Para sweet. Ikaw kase, mag-boyfriend ka na din para hindi mo na ako inaano!" Then she giggled.
I fell silent because of what she said. Errr, boyfriend? I think I had one naman eh, but I'm not sure. I bit my lower lip as I thought of Gideon. Was he my boyfriend? I don't know. We never got to talk about us back then and we never will.
The first three weeks without him was a total mess. Nakikita ko siya sa lahat, naaalala sa lahat. I even kept my lights on, hoping for him to visit me like what he promised. But he didn't. Second month was when I've realized that he'll never come. So I kept myself busy. Alam ko naman na imposible siyang pumunta dito. I feel stupid for waiting for him.
"Ari??? Hello???"
I went back to my senses when Eve spoke. "Uh, ano yon?" I asked.
"Sabi ko, which one is better?" Tapos may tinaas siyang dalawang hoodie sa ere. The other one is black and the other one is dark green. Tinuro ko yung black kasi mas maganda yung design, simple lang. Tumango naman siya at ibinalik yung dark green sa lagayan at pumunta na siya sa counter. Sumunod nalang ako.
"Ari, bakit ba kanina ka pa natutulala? Diba okay ka naman kanina."
"Ano ka ba," sabi ko kay Eve, "Okay lang ako 'no! Inaantok lang ako." I reasoned out. Hindi ko talaga alam bakit nalulutang na naman ako. Ganito nalang ba ako parati tuwing maaalala ko si Gideon? Hay nako. Get your shit together, Ariadne!
***
Agad agad kong binato ang katawan ko sa kama ko pagkauwi. Ewan ko ba bakit pagod na pagod ako, okay naman na. I'm getting enough sleep naman, bakit feeling ko pagod na pagod pa rin ako?
I stood up and went in front of the mirror. Hinawakan ko yung pisngi ko dahil medyo kapansin-pansin yung scar ko doon. 'Yung scar na nakuha ko sa Walsh forest. Umiling-iling nalang ako. I knew going home early was a bad idea, dapat sumama nalang ako kay Eve sa bahay nila. Kapag mag-isa ako, naaalala ko lang ang lahat. Tinanggap ko naman. Tinanggap ko na na hanggang doon nalang ang lahat. I can't do anything about it since I wasn't from their world. Duh.
Nagpunta ako sa balcony para lang magpahangin. Nung mga araw na kakabalik ko lang dito sa mundo namin, I would go here and imagine na nasa Village parin ako. Dahil doon naman ako madalas tumambay nung nasa bahay ako nila Gideon.
Hay. Kumusta na kaya sila? Playful at medyo gago parin kaya si Eaton? Seryoso at masungit pa rin kaya si Eric? Mahal pa ba ako ni Gideon? Kumusta na si Maurice?
I chuckled as I thought of them. Grabe. Na-realize ko sobrang napamahal ako sakanila. I have always wanted to stay with them.
Pero ano ba, Ari?! That was freaking three months ago! Ano ba 'yang iniisip mo? Hindi mo na sila makikita o makakausap ulit. Get a grip on yourself, duh! Who knows kung masaya na sila ngayon. Who knows if they're still thinking about you? See, you'll never know!
I quickly shook my head.
I think I want a last moment with them. If that's even possible. Ngayon wala na sila, tanging ala-ala nalang ang meron ako.
Were they even real?
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...