Chapter 19: The Unicorns

13 2 0
                                    



THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Patuloy ang digmaan sa pagitan ng mga bampira at ng mga imortal. Tila nananaig ang panig nila Gideon dahil sakanilang special abilities, halos lahat sila ay may telekinetic ability na nagpapatumba sa mga bampira.



Little did Gideon know that the queen have finally found the girl he love the most. Habang nasa loob ng karwahe ng queen si Ari ay pinagmamasdan siya nito.



"This girl is the most beautiful among the others! Isn't that right, Rifel?" Tanong ng queen sa katabi niyang si Rifel, her slave.



"Right, your highness." Pagsang-ayon nito sakanya.


"Isipin mo kung ilang dekada ko siya mapapakinabangan." Sabi pa nito at tumawa na tila ba nasasapian.



Mahigit isang oras ay nakarating din sila sa Walsh palace. "Dalhin niyo na siya kasama nung iba." Utos nito sa mga gwardya at binuhat naman ng mga ito si Ari para dalhin sa cell nito.



Nang makarating doon ay maingat nilang ibinaba si Ari sa kama nito at lumabas saka ni-lock ang pinto, making sure she's not able to go out.



"Another victim?"



"Ang ganda niya, parang familiar 'yung mukha niya."



The voices of the other girls started to fill the whole place at 'yon ang dahilan para magising si Ari. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nagsimula siyang kabahan nang makita ang hindi pamilyar na kwarto.



Napaupo siya at tumingin sa paligid. Para siyang nasa presinto pero gawa sa kahoy ang mga harang, kitang kita niya ang ibang mga babae.



"Where am I?" Naguguluhang tanong ni Ari.



"You're in the Walsh palace. Duh." Pabirong sabi nung babae sa katabi niyang cell. "Biro lang, pero nasa Walsh palace tayo."



Ari gasped. Oh no. She thought to herself. Naiiyak na naman siya. Hindi niya alam kung anong gagawin, tila nabalot ng takot ang sistema niya ngayon.



"Wag kang mag-alala. Hindi kami sinasaktan ng queen dito, ginagamit niya lang kami para mag-reproduce, para dumami ang citizens dito sa Walsh forest." Paliwanag sakanya nung babae. "By the way, I'm Annie. What your name?"



"I'm Ari.." mahinang sabi niya. Hindi ma-process ng utak niya ang sinabi ni Annie. Mag-reproduce? That queen is insane!



"Ako naman si Angeline." Sabi nung nasa harap na cell ni Ari. "Feeling ko, Ari, nakita na kita somewhere. Parang schoolmates tayo eh."



"Paano kayo ginagamit nung queen para magparami? I-Ibig sabihin, nabubuntis kayo?" Nag-aalalang tanong ni Ari.



"Ari, nakalimutan mo na ba? This place is full of impossibilities! Linggo linggo ay ilalagay niya kami sa parang machine at basta... masakit sa pakiramdam, literal. Halos isang oras ka niyang ikukulong don. Hindi ko rin alam kung bakit eh pero pansin kong nababawasan ang kasiglahan ko tuwing sumasalang ako doon. Marahil ay may kinukuha siya sa amin." Mahabang paliwanag ni Angeline.



Ari slowly nodded her head. "How many are you here?"



Nagkatinginan sina Annie at Angeline. "We were fourteen and now, pito nalang kami, plus you, so eight."



"What happened to them?" -Ari.



"We don't know.. basta tuwing ika-walong beses silang isasalang ay hindi na sila binabalik pa dito."



Dahil sa narinig ay kinabahan si Ari. Ayan na naman siya. Nag-ooverthink na naman nang sobra. Nahiga siya sa kama niya at umiyak, pilit niyang kinukurot ang braso niya at umaasang nananaginip lang siya.



"Ari.." Tawag sakanya ni Annie. "If you don't mind me asking, ano nangyari sayo bakit ka sugatan?"



Hindi humarap si Ari sakanila pero sumagot siya. "I was attacked by those fucking soldiers." Malamig nitong sabi.



***


Dahan dahan iminulat ni Mau ang mga mata niya. Napaungol siya nang maramdam ng sakit sa kanyang likuran at maingat siyang tumayo, napatulala siya sa mga naging kalat sa kwarto niya, ang mga kahoy na nalaglag mula sa itaas at doon lang niya naalala ang nga nangyari.



"Oh my Gooooood..." Kinakabahan niyang sambit habang naglalakad palabas ng kwarto. "No, oh no." Dali dali siyang nagpunta sa kwarto ni Ari at lalo siyang nilamon ng kaba nang makita niyang wala ito sa kwarto nito.



"Shit... what am I going to do?!" Frustrated niyang sabi. Alam na niyang magagalit sakanya si Gideon kapag nalaman non ang tungkol dito, na nakuha na ng queen si Ari. Isa lang ang naiisip niyang paraan. Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa Paradise.



Mau used her ability to fly to get there faster. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa Paradise at dali dali niyang hinanap si Jinx.



"Jinx!" She called out nang makita ito at dali dali siyang tumakbo. "P-please.." hinihingal na sabi niya "Help me find Ari.. the q-queen took her.."



Tumango naman si Jinx at tumalikod kay Mau. Nagtataka ito pero matapos ang ilang minutong pag-aantay, pumunta si Jinx sa harap ni Mau at nakasunod sakanya ang iba pang mga unicorn.



"We're ready." Nakangiting sabi ni Jinx kaya naman ngumiti na rin si Maurice.

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now