Chapter 35: Untitled

8 2 0
                                    




Ari's POV

Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ako ng hilo. Ugh! Nakakaramdam na naman ako ng matinding hilo ano ba yan.



"Ari, okay ka lang?" Narinig ko tanong ni Eve sakin kaya naman humarap ako sakanya.



"I'm fine. Nahihilo lang ako." I replied.



"Na naman?" She sarcastically said, "Baka naman may sakit ka na o kung ano ha? Magpa-check up ka na kaya?"



I laughed at her suggestion, "Ano ba, ayos lang ako 'no!"



"Palagi ka nalang ganyan, I'm starting to get worried ha!"



Mabilis kong hinawakan ang braso niya saka siya inaya maglakad. "Ang OA mo, Eve! Mas grabe ka pa sa tita ko."



Napatigil kami ni Eve sa paglalakad dahil parang may tinititigan siya mula sa malayo, kaya naman sinundan ko kung saan siya nakatingin.



"Transferee ba siya?" She asks.


"Alin, yung guy ba na 'yon?" Tanong ko sabay tinuro yung lalaking tinignan niya.



She nodded her head, "Oo, ngayon ko lang siya nakita dito sa school e."



"He probably is." I shrugged, "Ano naman kung may transferee?" Tanong ko.



"Tara, lapitan natin."



At bago pa man ako makapagsalita hinatak na ako ni Eve papunta sa guy na hindi naman namin kilala. Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Argh!!



"Uy, Eve! Hindi ba nakakahiya???"



"Hindi yan, besides wala naman siyang kasama diba? Makikipag-friends lang tayo." Kalmadonh sabi niya and before I knew it, nasa harap na kami nung lalaki.



"Hi!" Eve greeted. Tumingin naman samin yung lalaki na para bang nalilito.



"Uh, hi?" He awkwardly replied. I mentally rolled my eyes. Putek naman kasi 'tong si Eve.



"Nakita kasi namin na mag-isa ka, so here we are! What's your name?" -Eve.



He chuckled. "Ah you girls are nice. I'm Gideon."



"I'm Eve, this is my friend, Ari." Pakilala sa akin ni Eve dun kay Gideon kaya naman wala akong nagawa kundi ngumiti.



***


Nasa canteen ako ngayon mag-isa dahil kinuha na ulit si Eve nung mga friends niya. Hay. Sometimes I'd really like to know what's it like to have lots of friends. Yung tipong malilito ka nalang kung kanino mo gusto sumama. Haha. I'm not complaining about having Eve as my only friend. I just wished that I could be like her sometimes, outgoing and all.



Nagulat nalang ako nang may nagbaba ng tray sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. "Errr, sorry, that seat is taken." Sabi ko.



He looked around. "I don't see anyone."



I rolled my eyes. "Go away, Gideon, Eve is not here." Sabi ko nalang at kumagat sa burger na hawak ko.



"Gusto kita samahan kasi mag-isa ka. Masama ba 'yun? At sino nagsabing hinahanap ko si Eve?" Sabi niya at naupo na sa harap ko saka nagsimula na kumain.



"Why don't you sit with those guys?" Sabay turo ko sa kabilang table namin na puro lalaki. "They're your kind. Dun ka na." Taboy ko.



Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now