Chapter 24: Combined Forces

10 1 0
                                    



Third Person's POV



Kasalukuyang sinusugod ngayon nila Gideon kasama ang ibang creatures ang Walsh palace. Agad pinaulanan ng mga witches na nasa ere ng fireballs sa bawat bubong nito kaya naman nagkaroon ng mga pagsabog sa buong palasyo. Nang mapansin nilang nagkakagulo na ang lahat, laking gulat nila nang lumabas ang mga fairies mula sa loob, sobrang dami ng mga ito. Ginamit ng mga immortals ang abilities nila sa pinaka-brutal na paraan, habang ang mga witches at unicorns naman ay sinisira ang palasyo.


"Find the queen and kill her!" Sabay sabay nitong sambit at walang anu-ano'y pinasok nila ang palasyo.



Nagkaisa si Eric at Eaton sa paghanap sa susi, habang sina Gideon at ang iba pa niyang mga kasama ay hinanap si Ari. Si Maurice naman at ang mga kasama niya ay hinanap ang ibang mga babae.



"The queen is somewhere in here, magpaulan kayo ng mga arrow kung kinakailangan!" Utos ng witch leader sa mga kasama niya.



Nakarating sina Eric at Eaton sa tahimik na pasilyo. "Ang baho naman dito." Reklamo ni Eric.



"Oo nga e, parang may amoy daga." Sang-ayon naman ni Eaton. Maya maya lang ay may dumating na mga kawal, and of course, as immortals with special abilities ay mabilis nilang napatumba ang mahigit sampung kawal.



"Wala na bang mas hihirap." Mayabang na sambit ni Eaton.



Napatigil sila sa paglalakad nang pigilan siya ni Eric, "There it is." Sabi nito habang nakatingin sa direksyon ng susi.



Dali daling binasag ni Eaton ang glass wall gamit ang kapangyarihan niya at walang kahirap-hirap na pinalutang ang susi papunta sa mga kamay niya. Agad niya itong hinalikan nang mahawakan niya ito.



"I missed this key!" He exclaimed.



"Tss." Eric mumbled. "Itago mo na yan at hanapin na natin si Ari."



***



Napalibutan na nila ang buong palasyo, hawak na ng mga witches ang Walsh queen kaya naman masaya na sila. Pero hindi parin mapakali ang apat na magkakaibigan dahil hindi parin nila nahahanap si Ari.



"Help! Help us!"



Napatigil si Eric sa paglalakad nang makarinig sila ng boses ng babae. "Did you hear that?" Tanong niya at hinampas naman siya ni Eaton sa braso.



"Malamang, magkatabi lang kaya tayo."



"Don't be stupid, Eaton."



"HELP US!"



Napamura nalang sila nang malakas at tumakbo para tignan kung saan nanggagaling ang boses, nakarating sila sa isang kwarto at nakita nila doon ang ibang mga babae.



"Eric!" Masayang sigaw ni Angeline.



"Angeline?!" Eaton exclaimed, "Angeline, ikaw nga!!"



Dali dali pinakawalan ng dalawa ang anim na babaeng nandoon. "Bakit anim nalang kayo? Nasaan si Ari?" Tanong ni Eric.



"They took her. Hindi namin alam kung saan siya dinala, dalawang araw na siyang hindi dito sa cell niya nilalagay." Angeline explained.



Sinama na nilang dalawa ang mga babae palabas nang makasalubong nila si Gideon. "Where's Ariadne????"



'Yan agad ang tanong niya nang makita sila Eric. "Sabi nila, mukhang hiniwalay sakanila si Ari. Pero teka..." tapos humarap si Eaton sa mga babae, "May alam ba kayo kung saan siya pwedeng dalhin ng mga yon?" Tanong niya sa mga ito.



"Check the lab, doon nila ginagawa ang lahat. Diretsuhin mo lang 'yang hallway na 'yan tapos sa dulo, nandun 'yung lab."



Mabilis na tumango si Gideon at inaya ang mga kasama niya na puntahan ang lab, nagmamadali at desperado na siyang mahanap si Ari. Nang makarating doon ay agad niyang ginamit ang kapangyarihan niya na buksan ang pinto.



"Ari!" Sigaw niya, "Are you here?!"



"Is someone there?! Help us, please!" Mabilis na hinanap ni Gideon ang boses ng isang babae na nanggagaling sa isang gilid. Medyo madilim at mausok sa loob ng lab.



"Help! Somebody help us, please!"



Agad agad nilang nahanap ang babaeng nagsasalita at laking gulat ni Gideon nang makita ang isang babae at pilit inaalog ang walang malay na si Ari, halos manlumo si Gideon nang makita ang arrow na nakabaon sa likuran nito.



He knelt beside her, agad niyang itinutok ang palad niya sa arrow at unti-unting naging abo ito, sinubukan niyang isara ang naging sugat ni Ari pero hindi naging ganon ka-effective.



Agad agad niyang binuhat si Ari at tumayo. "Josh," tawag ni Gideon sa kasama niya. "Take care of the other lady, okay?" Tumango nalang sila at maingat na naglakad si Gideon palabas.



"Oh my gosh..." Naiiyak na sambit ni Maurice nang makita si Ari sa mga braso ni Gideon, nandito na sila ngayon sa labas ng palasyo at inaasikaso na ng mga witches ang mga tauhan ng queen.



"She was hit with an arrow. I got the arrow out but... she had lost too much blood already, mahina na ang paghinga niya. We need to take her home immediately." Sambit ni Gideon.



"What about the other girls?" Eric asked.



"Kayo na muna ang bahala sakanila, I cannot let Ari die."

Fire Exit (Completed)Where stories live. Discover now