"Ari, magandang umaga." Bati sakin ni Samuel nang makita niya akong palabas galing dun sa kwarto na tinulugan ko kagabi. Tirik na ang araw, anong oras na kaya?"Good morning," I said hesitantly, "Um, kailan nga pala tayo aalis para bumalik sa Village?"
"Mamaya," sabi ni Narra, "Kumain ka muna habang nagre-ready sila Marco sa pag-alis."
Nag-aalangan akong umupo sa tabi ni Narra. Ano ba ang dapat gawin? Grabe na 'tong mga nangyayari sa akin. Hindi pa nga ako nasasanay kila Maurice, ibang tao na naman 'tong mga kasama ko? Hayy. Wala akong nagawa kundi kumain nalang.
"So, Ari, bakit hindi ka namin kilala? Samantala kilala lahat ng nakatira sa Village, lalo na ang pamilya nila Gideon at ang mga nakatira sa bahay na 'yon."
Napakurap ako. Should I tell them na human ako? Uhm.
"I wasn't actually from this place." Sabi ko.
Nagkatinginan sila. Para bang nag-uusap sila sa mga tinginan lang. Lumingon sa akin si Alyssa at nagsalita, "I get it now bakit nakila Gideon ka, you're human, aren't you?"
Napatango ako. "They said they're protecting me from the Walsh queen."
Nag-walk out si Marco. Hindi ko alam kung bakit, may nasabi ba akong mali? Huhu. Parang wala naman. Hay nako, nag-ooverthink na naman ako ng mga bagay bagay.
Hinawakan ni Samuel ang balikat ko, "Pasensya ka na, there was also a human here before, dito sa bahay na 'to."
"Really?" I asked, "Ano ang nangyari? Where is she now?"
Samuel sighed, "Her name was Bella, Marco fell in love with her. She did, too. Pero nung nalaman niya ang tungkol sa totoong uri namin ay natakot siya, umalis siya dito at ang huling balita namin ay nasa Walsh palace na si Bella."
I gasped. Ano ba 'tong mga tao na 'to? Ano ba sila? Monsters?
"We know what you're thinking," Narra said, "But we're not killers. Kung may mga mamamatay-tao dito, dapat kang mag-alala sa katabi niyong town, the Ampizer."
"Bakit, ano ba ang mga nakatira doon?"
Nagkatinginan si Alyssa at Nara at sabay silang sumagot, "Vampires."
"Eh kayo?" I asked.
"Spirits." Narra said, "But we're able to touch things. Lahat ng tao dito sa Madska ay mga soul."
"But what about yung mga tao sa Village?" I asked, "Sila... Gideon?"
"They're just immortals with telekinetic abilities. No worries mababait sila."
Hindi na ako sumagot. Feeling ko okay naman na yung mga nalaman ko.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa Village. Hay. Hindi parin ba lumalabas ang doorknob? Ang tahimik habang tinatahak namin ang daan palabas ng Madska. Siguro dahil lahat nga nga ng nakatira dito ay souls. Yea, right. Nothing creepy about that. *nervous laugh*
Maya maya ay nakarinig kami ng mga tawanan na nanggagaling sa itaas. Malabo ang mga ito ibig sabihin, malayo sila.
"Witches." Narra said, "Run!" At dahil don napatakbo kami nang wala sa oras. "Diretso sa woods! Hindi nila tayo makikita doon, Ari, bilis!"
Mabilis akong tumatakbo, hawak lang ni Samuel ang kamay ko, making sure na hindi ako mahihiwalay sakanila. Maya maya lang ay umulan ng fireballs sa mga dinadaanan namin. Napatili ako nang may bumagsak sa harap ko.
"Ari, dito!" Sabay hila sakin ni Samuel papunta sa ibang direksyon.
Takbo dito. Takbo doon. Hanggang sa nawala na ang mga witches dahil nakarating na kami sa gubat.
"That was close." Sabi ni Marco habang tumatawa.
"Yeah." Sang-ayon ni Alyssa.
"Uhm, what just happened?" Sabi ko habang hinahabol parin ang hininga ko. Phew!
"Haha. Nothing unusual. Witches love to play with us dahil ang akala nila hindi kami tinatablan ng fireballs." Paliwanag ni Samuel. Napansin kong hawak parin niya ang kamay ko kaya naman agad kong binawi yon.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakakapagod. I'm also thirsty, I should've listened to Narra when she asked me to bring water. Hay.
"Guys, malayo pa ba tayo?" I asked.
"Malapit na. Naririnig ko na yung enchanted falls na malapit sa Village."
Hindi ko mapigilan ngumiti. Dahil bukod sa malapit na, excited na ako makita ulit yung mga kaibigan ko don. Kahit naman na si Gideon na masungit, at least pinatira niya ako sa bahay na 'yon and that's all that matters.
It lasted 20 minutes for us to arrive at the falls. Lumingon ako sa apat na kasama ko, "So guys, dito na ako. Maraming salamat sa lahat lalo na sa paghatid sakin dito." I said with a smile.
"No problem," Alyssa said, "Bisita ka minsan sa Madska ha?"
Tumango ako, "Oo naman."
"Mamimiss kita." Sabi ni Samuel saka niyakap ako. Okay? Isang gabi ko lang sila nakasama diba, jeez haha.
"Oy, Samuel tara na." Sabi ni Marco. Humiwalay sa akin si Samuel at nagpaalam na sila isa isa. Pinanood ko lang sila maglakad palayo bago ako naglakad papunta sa Village.
Nung narating ko na ang kalahatian ng falls, may nakita akong lalaki sa di kalayuan. Nakaupo siya duon mismo sa ilalim ng puno na inuupuan ko bago sumulpot yung mga lion-looking creatures. Lumapit pa ako nang konti para makita talaga kung sino siya at nagtama ang paningin namin.
"I've looked everywhere for you at napag-desisyunan kong hintayin ka nalang dito dahil alam ko namang babalik ka. Hindi ako nagkamali."
Si Gideon.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...