Napatigil ako sa pagtakbo nang may pumigil sa braso ko. Si Eaton. Sinundan pala nila ako. Hindi ko na alam kung nasan kami sa layo ng natakbo ko. Umiiyak parin ako kaya wala na akong nagawa, niyakap ko si Eaton at umiyak nang umiyak. Alam ko paulit-ulit pero gusto ko nalang talaga umuwi sa amin."Ari.." Tawag sakin ni Mau. "Pasensya ka na, alam kong gustong gusto mo na umuwi."
Hindi ako sumagot. Hinawakan ni Eaton ang balikat ko at humiwalay sa yakap, matapos ay tumingin siya sa akin at sinabing, "Huwag kang mag-alala. Po-protektahan ka namin habang nandito ka." At habang sinasabi niya 'yon ay pinupunasan niya ang luha ko.
"Bumalik na tayo." Rinig naming sabi ni Gideon kaya wala akong nagawa kundi sumama nalang sakanila.
What did I do to be in this place?
Tumingin ako sa mga ulap. May mga hayop na lumilipad pero alam kong hindi sila ibon. I'm not surprised. Fairies do exist in this place, paano pa kaya ang ibang creatures diba?
—
Nandito kami sa garden. Tinutulungan ko silang mag-decorate, hindi ko alam kung anong tawag dito sa mga nilalagay namin pero para silang snowflakes pero color yellow? Grabe ang weird ha.
"So, Ari," ani Eric, "Tell us about yourself."
"Um..." Panimula ko. I really, really don't know what to say. But okay. "I'm eighteen years old." Nang matapos kong sabihin yon ay nagkatinginan silang tatlo. Hindi na ako nagtaka. These people are immortals, who knows if they even know about ages.
Pinagpatuloy ko ang pagsasalita, "I never met my dad. My mom wasn't always around. I never had any friends except Eve, she's my only friend." This is the very first time nagsalita ako tungkol sa buhay ko, sa mga taong hindi ko pa masyadong kilala at pinagkakatiwalaan. I feel weird, everything feels weird.
"Kami rin."
Napatingin ako kay Eaton na nagsalita. "Hindi rin namin kilala ang magulang namin. But unlike you, wala talaga kaming magulang."
"What do you mean?" I asked.
Maurice faced me and said, "We've never experienced what's it like to be children, kasi ganito na kami, we were brought into this place as fully grown adults."
I didn't say anything. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Bukod sa nakakagulat ay sobrang weirdo ng narinig ko, like, what the fuck?
"S-so... hindi niyo alam kung ilang taon na kayo?" Tanong ko.
Si Gideon ang sumagot, "Does it matter? Hindi kami kailanman mamamatay. Hindi na sa amin mahalaga kung gaano na kami katagal dito."
Hindi ko alam na nasa likuran pala namin siya at pinapanood ang mga ginagawa at naririnig ang mga usapan namin. Sometimes gusto ko nalang din maging kagaya nila, maging imortal. But what's the point, anyway? But despite being immortals, mukha lang naman silang nasa edad ko, kung magbabase ka sa panlabas nilang itsura. Ang babata lang nila tignan. Lalo na si Eaton at Gideon.
"Pumasok na kayo sa loob bago lumubog ang araw." Madiing sabi ni Gideon bago siya pumasok sa loob.
Maya maya lang ay iniligpit na namin yung mga gamit tapos pumasok na kami. I wonder kung may mga lamok kaya dito? Nag eexist kaya dito yung mga sakit gaya ng dengue, cancer? Ay ewan ko na. Masyado na ako madaming iniisip. If I know, nakikinig naman lagi sa thoughts ko si Gideon. Bahala siyang maingayan dyan. Masunget na lalaki!
Naglalakad ako pabalik sa kwarto ko nang may humawak sa braso ko. Putek. Si Gideon lang pala.
"Wala na 'yung mark."
"Huh?" -ako.
"The red mark," sabi niya habang nakatingin sa braso ko, "It's gone."
"And... what does that mean?" I asked. Binitawan niya ang braso ko at tumingin sakin.
"Pwede ka na lumabas at libutin ang lugar kung gusto mo." Aniya bago umalis sa harap ko. Omg? Pwede na ako gumala? Hala! Nakaka-excite. Aayain ko sila Mau bukas na bukas din!
__
"Dadalhin ka muna namin sa water falls malapit dito sa village, for sure magugustuhan mo doon." Sabi ni Eaton habang naglalakad kami.
Oo, masyado kasi akong nasabik sa sinabi ni Gideon kaya naman saktong pagsikat ng araw ay pinuntahan ko agad sila sa mga kwarto nila at niyayang lumabas. I'm not gonna lie, these people are fun to be with, masaya silang kasama dahil hindi mo mararamdaman na left out ka. Or is it just me? Hindi ko pa kasi naranasan magkaroon ng maraming kaibigan.
"Ayos ka lang ba, Ari?" Tanong ni Eric at tumango naman ako sakanya.
Magkakasama kaming lahat. Yes, including Gideon. Hindi naman sa ayoko sakanya pero parang ayaw niya rin kasi sa akin at hindi ko alam kung bakit.
"Eaton.." tawag ko, "Pwede magtanong?"
Lumapit naman siya sa akin, "Ano 'yon?"
Tumingin ako kay Gideon at mabuti nalang ay hindi siya nakatingin sakin. "Bakit ang sungit ni Gideon?" Bulong ko.
Eaton chuckled, "Strikto lang siya."
Napatango nalang ako. Strikto my ass. Ni hindi nga marunong ngumiti 'yang bwisit na yan. Hay ewan ko na.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa water falls, tama sila, malapit nga lang sa cottage. Napakaganda. Literal na kumikinang ang mga bato na nasa ilalim ng tubing, yung water, parang may mga pixie dust din, ang saya ng atmosphere na parang hindi mo na gugustuhing umalis pa dito.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...