Ari's POVNiyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. Nandito na ulit ako sa loob ng cell, sobrang nanghihina ang katawan ko. Naupo ako at niyakap ang mga tuhod ko saka ibinaon ang mukha ko doon. My eyes started to water, hindi ko alam kung dahil sa sakit na nararamdaman ko physically, o nasasaktan lang talaga ako dahil bakit hanggang ngayon hindi parin dumadating sila Gideon? Mahigit apat na araw na akong nandito, they could've done something. He could've done something.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang maalala ang huling pag-uusap namin ni Gideon. Oh my gosh, he was about to go to war when we last talked! Shit... what if he's dead?
"No... no.." bulong ko sa sarili ko, I'm probably overthinking again. Stupid Ari, he can't die! He's freaking immortal, you bitch.
And that's enough to calm me down. Miss na miss ko na siya, miss na miss ko na sila Maurice, Eaton, at Eric. I miss waking up and getting greeted by their smiles.
Mabilis kong inangat ang ulo ko nang marinig kong nagkakagulo yung mga scientist sa labas, tumayo ako at naglakad para sumilip sa glass window, lahat sila natataranta at hindi ko alam kung bakit. Nagmamadali nilang pinapatay ang mga bawat machine na nakabukas. The mermaid on the side caught my attention, she was looking at me and waving her hand. Para bang tinatawag niya ako na lumapit sakanya. Hindi pa naman ako sigurado kaya nag 'hi' nalang din ako with matching wave.
Biglang may sumabog mula sa ceiling ng lab at dahil doon, nag-activate ang mga alarms at umilaw ang red lights sa buong kwarto. Napadapa ako sa sahig. Parang nag-slowmo ang paligid, halos mabingi ako sa narinig kong pagsabog.
I got on my feet and took a glance outside, may usok usok sa paligid at wala na 'yung mga scientists. Napatingin ako doon sa mermaid, her aquarium is damage, sinubukan kong lumabas pero kailangan ng ID para mabuksan ang pinto, kung saan yung mga scientists lang ang may ganon.
"Shit!" Malakas na mura ko nang magsimula na magliyab ang mga machine sa loob. Kinuha ko ang malaking lamp mula sa gilid ng kama at buong pwersa ko hinampas iyon sa glass window.
Napapikit nalang ako nang magtalsikan yung mga bubog. Argh! Dahan dahan akong lumabas mula dito, grabe narin yung ubo ko dahil sa mga usok. At kung minamalas ka nga naman, na out of balance pa ako kaya naman nalaglag ako sa sahig, naramdaman ko nalang ang dugo na dumadaloy sa hita ko. Nasugatan ako mula sa glass. Tinignan ko yung mermaid, halos wala ng laman yung aquarium niya dahil sa basag kaya naman kahit mahirap, tumakbo ako papunta sakanya.
"Wait, hold on! I'm getting you out of there," sabi ko sakanya at agad tinungo yung mismong pinto ng aquarium at binigay ko ang buong lakas ko para pihitin iyon at mabuksan and I didn't fail. As soon as the door opened, I saw smiling at me.
"Thank you, human." Mahinang sabi niya sa akin. I smiled back at tinulungan siyang makalabas.
Halos mapanganga ako nang matunaw ang buntot at mga kaliskis niya at napalitan iyon ng mga paa. Sinubukan kong tumingin sa paligid kahit sobrang mausok na, nakita ko yung drawer at agad tinungo 'yon, I took one lab coat at mabilis na inabot 'yon kay mermain. Hubad kasi siya. Opo.
"Here, put this on and let's go. Hurry up." I said as I help her put the coat on. It didn't take long for her to finish at nagtungo na kami papunta sa pinto.
"Shit, shit!" Malakas na mura ko nang makitang kailangan na naman ng ID para magbukas 'yung pinto. Napaubo ako nang malakas. Hindi ko na kinakaya yung usok.
"Wait! I can do something!" The mermaid exclaimed. She then lifted her hands and water started coming out, nakatutok iyon sa mga apoy. Wow, she has powers naman pala, so cool. Pero nanghihina na talaga ako kaya napaupo na ako sa sahig.
It took almost ten minutes for her to finish. Wala ng apoy sa paligid, tanging usok nalang. Naglakad siya at umupo sa harap ko.
"What's your name?" Tanong niya.
"I'm Ari." Simpleng sabi ko nalang at napapikit nang mariin nang maramdaman ko na naman ang sakit sa hita ko.
"I'm Lana, I've been in that aquarium for the past two decades."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, she's been here even before I was born?! "Oh my gosh. I'm so sorry you had to go through that." I softly said.
"I guess we're trapped in here until one of the scientists come?" Mahinang sabi ni Lana, "I want to go back to my lake so bad." She sadly said.
"I'll take you to your lake, once we get out of here. I promise." I said then gave her an assuring smile.
Halos mabingi na naman ako nang may nagpasabog na naman ng kabilang dingding sa lab, nagkaroon ito ng butas kaya naman kitang kita ko agad ang mga puno sa labas. Agad kong hinawakan ang kamay ni Lana at dali dali siyang hinala palabas, wala na akong pake sa sakit sa hita ko, gusto ko nalang muna makalabas sa palasyo na 'to.
As I finally felt that happiness, kasiyahan dahil makakalabas na ako sa lugar na 'to at naramdaman ako ng matinding sakit sa likuran ko, na para bang may matulis na bagay ang bumaon dito. Dahil doon, tuluyan na akong napahiga sa sahig. Naririnig ko pa ang boses ni Lana na tinatawag ako at sinusubukan akong gisingin sa pamamagitan ng pagtapik niya sa pisngi ko.
My aunt used to tell me "Sometimes, bad things happen."
And maybe this was supposed to happen, that an arrow will end my life.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...