Ari's Point Of ViewI feel like I'm always searching for something....
It's been a month since I woke up in that clinic and since then, palagi na mabigat ang pakiramdam ko. Not physically though, it's that feeling of longing for something or someone pero ang weird, kasi hindi naman ako ganito dati. Oh well, sabi nga ni Eve baka dahil lang daw sa lakas ng pagbagsak ko sa sahig noong nawalan ako ng malay nung araw na 'yon. Baka nga dahil lang dun.
"Ari, tingin mo makakapasa tayo sa mga schools na yon?"
Napatingin ako kay Eve na nasa harap ko ngayon at tumango. Senior high's almost over for us. I still haven't decided kung anong program ang kukunin ko sa college. Hay. Bahala na.
"Tulala ka na naman, alam mo isang buwan ka na ganyan ah! Nag-aalala na ako sayo. Gusto mo ba magpa-check up na?"
Tumawa ako nang bahagya. "Okay lang ako, no. Saka isa pa, I don't need a check up. Lilipas rin siguro 'to."
I heard her sighed. "Ari.. hanggang ngayon ba di mo parin maalala kung bakit ka nawalan ng malay noon sa clinic?"
"Nope." I shook my head. "Basta alam ko lang I was eating my lunch. Nawalan ako ng malay. And then I woke up at the school's clinic. No idea how I got there, tho." Natawa ako sa huling sinabi ko. Hay ewan. Nakakaloka alalahanin ang araw na 'yon.
"I'm just worried. You've been acting strange since that day, that's all."
"No need." Then I gave her an assuring smile. "I'm fine now."
Nagpaalam na kami ni Eve sa isa't isa dahil kailangan na rin niyang umuwi. Napatingin ako sa relo ko, it's almost 11pm. No wonder onti nalang ang tao sa streets.
Dali dali akong pumara ng bus and hurriedly got on. Buti nalang hindi na masyado madaming passengers at this hour. Naupo agad ako sa isang seat tabi ng window. Sobrang relaxing talaga kapag bumabyahe ka tapos nakikita mo ang daan.
The feeling I've been feeling the past weeks was unexplainable. Parang palagi nalang akong may hinahanap, nakakalito na. Hindi ko na alam ang iisipin ko.
Dali dali akong pumara nang makita ang lugar na bababaan ko. Naisip kong sumakay sa tricycle para madaling makaalis sa bahay kaso 'wag nalang. Masaya rin maglakad para makapag-isip nang maayos.
Habang naglalakad ay nakaamoy ako ng pamilyar na amoy, pero hindi ko na maalala kung saan ko siya naamoy, or is this some kind of phantosmia again? I've been experiencing it for the past weeks, nakakaamoy ako ng mga bagay na hindi nag-eexist. Kumbaga, hallucination lang. I quickly brushed off the thought and just went on my way.
Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin, may nakita akong pamilyar na lalaki, nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay dali dali siyang tumalikod kaya naman sinundan ko siya.
"Hoy!" Sigaw ko. "Kilala ba kita?"
Napakunot ang noo ko nang maglakad siya nang mabilis kaya naman binilisan ko narin ang lakad ko. "H-hey! Stop!" I yelled. Napatakbo na ako nang magsimula siyang tumakbo, sinundan ko siya nang sinundan kahit pa madilim na ang paligid. I get this familiar feeling with this guy, very familiar.
Huminto siya sa di kalayuan sakin nang hindi lumilingon, kita ko ang paghingal niya dahil sa mabilis na pagtaas-baba ng kanyang balikat. "Please don't take another step. Go home."
Napaatras nalang ako nang sabihin niya yan. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, bakit ko ba siya sinundan? Pinapahamak ko ba ang sarili ko? Paano kung mamamatay tao pala siya?! Stupid, Ari!
"I...I'm sorry." Kahit ako nagulat sa sarili ko nang sabihin ko yan. Nahalata kong parang nagulat siya dahil napatigil sa paggalaw ang balikat niya. "Do I know you?" I asked.
Mula sa di kalayuan, I heard him sigh. "No, you don't. I'm glad you don't."
I don't know but his words are like sharp knives in some part of me. "Then why does it seem like you know me?" Tanong ko sakanya.
It took him a few seconds before answering, "I... just wanted to check on you."
"So you know me?" I repeat. Nag akma akong lalapit sakanya ngunit nagsalita siya ulit.
"Please don't."
That made me stop. "I'm confused." Sabi ko. "Can you please turn around?"
Walang pag-aalinlangan siyang humarap sa'kin at tuluyan ko nang nakita ang pagmumukha niya, napahawak ako sa bibig ko nang makita ang sobrang pamilyar na mukha. At tuluyan nang nag-ingay ang utak ko. Where did I meet him? Bakit ang homey ng pakiramdam niya? Argh!!!
"M-magkakilala ba tayo?"
He answered me with a warm smile. "I missed you."
Lalapit sana ako sakanya nang biglang nagdilim na ang paligid.
***
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"So you've been seeing Ari for months?!" Malakas na sigaw ni Eaton kay Gideon na kakarating lang sa bahay nila.
"Pwede ba 'wag kang maingay? She hasn't been seeing me, I was only watching her from afar. Masama ba yon?" He frustratedly said and harshly dropped himself on the sofa. "I...I can't let go of her." Mahinang bulong niya.
Napahinga nalang nang malalim si Eaton saka umupo sa upuan katapat ni Gideon. "I know it's not that easy, but you have to try harder, man. Hindi porket nasa atin na muli ang susi ay pwede ka na magpabalik-balik sa mundo nila."
Napabuga ng hangin si Gideon bago magsalita. "She saw me awhile ago. I got to talk to her... can you believe it? I got to hear her voice once again, Eaton! You have no idea how happy it made me."
"Wait, nagkausap kayo?! I thought ginamitan mo siya ng--"
"Yeah. She doesn't know me. She kept on asking if I know her so I used a spell to make her fall asleep and I sent her home. Wala, Eaton, hindi na ako kilala ni Ari." Kahit hindi niya sabihin, halata sa boses nitong nalulungkot siya. "It was supposed to make me feel happy, right? That goddamn spell worked on her. Wala na siyang maaalala sa mundong 'to, lahat ng paghihirap na nakuha niya dito, wala na."
Natahimik nang ilang saglit si Eaton, kahit siya ay hindi alam ang sasabihin, gusto niyang sabihin kay Gideon na magiging maayos rin ang lahat pero alam niyang imposible rin 'yon sa ngayon. "Gideon." He called out. Napatingin naman sakanya ang kaibigan.
"It's time you let her go."
And with that, Gideon responded with a nod.
YOU ARE READING
Fire Exit (Completed)
FantasyAriadne is a typical high schooler from earth, being an asocial person kept her from having a fun life until she discovers a magical world through a fire exit-- where she met the awesome-est people, whom she faced different kinds of obstacles with. ...