KRISTINE POV
Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pintuan, papabayaan ko nalang sana pero naalala ko,wala nga pala ako sa bahay.
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at doon ko nakita si Thunder.
"Maligo kana,mag tre-treining ko tayo hindi ba?"pagkatapos nyang sabihin yon ay sinarado ko nalang ulit yung pintuan at naligo.
Pagkatapos kong maligo nagbihis ako ng croptop na black at maiksing short.
Pagkatapos kong magbihis kinuha ko yung sapatos ko.
Lumabas na ako sa room ko at pumunta sa kitchen, doon ko nakita si Air na nagluluto,tinitignan ko lang sya,humahanga ako sa kaniya dahil sa galing nyang gumamit ng power.
Kailang kaya yung akin? Exited na akong malaman kyyaaahhhh!
"Nandito ka na pala umupo ka muna,malapin narin akong matapos sa pagluluto"ngumiti ako at sinunod yung sinabi nya.
Ilang saglit lang ay tapos na syang magluto.
"Tine pwede mo bang tawagin yung iba para makakain na?" tinignan ko sya habang busy siya sa paglalagay ng mga plato kutsara,tinidor ganon din sa baso sa lamesa.
"sige nasaan ba sila?"tanong ko sa kaniya,kase hindi ko alam kung nasaan nagpupunta yung mga yon.
"Hindi ko alam ehh"tapos tinuloy nanaman nya ang pagaatos sa lamesa, na natigil dahil nag-uusap kami.
"Ahh sige hahanapin ko nalang sila"umalis na ako para hanapin sila,nagugutom narin naman ako ehh. Kailangan ko silang mahanap para makapag practice kami, at makakain nadin ako.
KRYSTEL POV
Nagpalipas kami nang gabi sa kagubatan para magpa hinga, kase anong oras na kaming naglalakad.
Buti nalang at sinabi ng bata na hawak hawak ni drake na magpahinga na muna kami, hindi namin napansin na nakatulog kami tapos pagkagising namin madilim na kaya naisipan naming mag stay nalang kami dito.
Anyway ako nga pala si Krystel Smith 18 years old ang power ko ay fire at ang ability ko ay kaya kong manggaya ng muka ng iba.
Naglalakad lang kami hanggang sa natanaw na namin ang school na pinapasukan namin.
Tiningnan ko sila isa-isa at nakikita ko sa mga mata nila ang saya maliban lang sa dalawa.
Sino paba edi si Drake at Angelo, parehas kase sila ng ugali.
Pumasok na kami sa malaking gate na gawa sa ginto. Pinapasok naman kami ng guard dito.
"Ikinagagalak naming nakauwi kayo ng ligtas"tumango lang kami sa sinabi ng isang guard at nagdere deretsong pumunta sa dean office.
Kumatok ng tatlong beses si Blake.
"Pasok"pagkarinig namin yon ay pumasok na kami.
"Parang meron tayong bisita"ang tinutukoy nya ay si Angelo na natutulog parin habang nasa bisig sya ni Drake.
"Hindi po namin sya bisita,apo sya ni diana"nagulat sya sa sinabi ko,bakit kaya?
"Bakit ama? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba't kaibigan mo sila."tanong ni Drake dito. "Nagkakamali ka yata, masaya ako ngunit nalungkot dahil binigkas mo ang panggalan ng kaibigan kong pumanaw na".
Doon bumalik ang masamang alaalang nangyari kagabi sa mag-asawa, ganundin sa mga katulong nila pero yung nanay ng batang yan hindi na namin alam kung nasaan na sya.
"Patawad po sa sinapit po nila,hindi manlang po namin sila na protektahan"sabi ni james
"Ayos lang, sige na, bumalik na kayo sa mga dorm nyo"nagpaalam kami kay dean para makapag pahinga na kami
"Drake sa dorm nalang namin si Angelo matulog"pinipilit kase ni nica si Drake na matulog sa dorm namin, pero si Drake naman ay gustong makatabi ni Angelo.
"Ayaw nga kasi ni drake baka daw kasi kagatin mo"pagbibiro naman sa kaniya ni miko.
"Kahapon mo pa ako inaaway, ayoko na nga,hindi na tayo bati"tapos naglakad sya ng padabog.
"Haluuhhh ka hindi na daw kayo bati"
pagbibiro ni Jino,kaya nagtawan kami pero hindi nagtagal bumali ulit si nica.
Oh bat 'ka bumalik?"tanong ko sa kaniya pero ngumuso lang siya saakin "naalala ko wala pala saakin yung susi"napailing nalang kaming lahat at naghiwa hiwalay na nasa left wings ang dorm ng girls at sa right wings naman ang mga boys.
"Pano bayan mall tayo" sumang ayon kaming lahat sa pag aaya ni Krissa na mag mall kami
"Pwede bang magpahinga muna tayo?pagod na pagod na kami"sabi ni Jhazmine.
"Sige pero pupunta tayo sa mall ha! Namiss ko na kasi dito eh"
----
Wag kalimutang mag vote, comment, and follow thanks
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasyIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika
