Kristine Pov
"Pag pasensiyahan mo na ha... Ganun talaga yung lalaking yun eh" nakangiting sabi sakin ni J-anne habang nakangiti sakin.
"Punta tayo sa left wings ng school nato tapos i tu tour kita hihihi" hagik hik ni Sofia dito sa tabi ko. Napa iling nalang ako dahil napaka isip bata niya. Dinaig nya pa anak ko sa sobrang pagkaisip bata tsk tsk tsk.
"No thanks nalibot ko natong school"
"sayang naman" nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa nakarating kami sa left wings. Pink ang color ng building girly siya pero hindi masyadong makintab ang kulay.
Maganda syang tignan at ang taas ng building dalawa yun at parehas ng kulay. Meron ding fountain, ang ganda pa iba iba ng kulay. "Gusto mong pumunta dun?" nahalata yata ako ni nica sa pagtitig ko sa fountain na yun.
Isang tango nalang ang naisagot ko. Ang ganda kase eh. "sige halikana dali". Lumapit kami sa fountain at umupo sa bench. "Na uuhaw kanaba?" Tanong sakin ni judy.
"Hindi lang ako nauuhaw, nagugutom narin ako"
"haha sige uminom kadun,siguradong mawawala ang uhaw at gutom mo"
Kagaya ng sinabi nya,lumapit ako. Ginamit ko ang dalawa kong kamay para makainom. Ang tamis,at ang sarap ng lasa ng tubig. Uminom lang ako ng uminom hangang sa nag sawa ako pero ang sarap talaga.
"Kristine tapos kanaba? Aalis na tayo" lumapit ako sa kanila. Nang makalapit ako,nagsimula na kaming naglakad.
-------
Pa vote, comment, at follow salamat
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasyIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika
