Kristine Pov
Tinignan muna ako ni zake bago naglaho "ano bang nangyari? Bat bigla nalang nya akong tinutukan nang spada?" tanong ko sa kanila pero iling lang ang isinagot nila saakin bago naglaho maliban kay drake.
"magusap tayo" biglang tumibok nang napaka bilis ang puso ko, kung ganun tama pala ang sinabi nila kung bakit bigla nalang tumitibok ang puso.
Ibig palang sabihin nito ay nagkaka gusto ko sa taong kakilala mo, pero ang mas masakit pa dun ay kaibigan mo pa sya at naka takda sya sa princessa.
"sa oras na nalaman ko ang totoong nangyari at kasalanan mo yun, hindi kita mapapatawad" aalis na sana sya nang pigilan ko sya.
"t-teka lang" utal utal kong sabi sa kaniya " ano yun? " tinignan nya ako nang napaka lamig, ilang minuto pa ay hindi pa ako nakakapag salita.
"tsk kung wala karin naman palang sasabihin saakin ay aalis nalang ako" nginitian ko sya at tumango tango,pagka alis nya ay umalis nadin ako susunduin ko ang anak ko at nami miss ko nadin ang mga god at goddesses.
Hinanap ko ang kapangyarihan nang anak ko nang maramdaman ko ito saka ako nag laho,sinundan ko kung saan sya nakita ko na nakikipag laro sya sa duwende na inaway ako hmp naalala ko yun ah?
"mommy" tumakbo ito papalapit saakin "mommy okay kalang po ba? Ayos na poba ang lahat? " hinaplos ko ang buhok nya at tumango.
"tine kinagagalak kong nagkita muli tayo" hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito " salamat thunder ikinagagalak ko din na makita tayong muli" naka ngiting pagbati ko sa kaniya.
"nasaan na ang iba? Bat kayong dalawa lang nang duwendeng yan? "
"haha may pinuntahan kasi sila"
"maaari ba tayong magusap? "
"oo namn tine ano ba bang pag uusapan natin? Naka ngiting sabi nito saakin " pag uusapan natin kung ano ba ang tinayawag na love" nakita ko na matawa sya pero sumeryoso din kalaunan.
"ang love parang buhay mo nadin, hindi ka maaaring mabuhay nang walang pag ibig. Magkaka iba kase tayo, ang mundo nang mga tao ay maaring hindi ka na magka roon nang asawa ngunit sa mundo natin ay bawal"
Lahat kayo ay maaaring magka roon nang asawa at mamahalin sila, parang sa wolf kailangan nila nang mate upang mabuhay gayon din ang mga light magic kapag wala kang kakilalang naka takda saiyo.
""ang ibig lamang sabihin nun ay maaari kang mamatay sa future" kung ganon? Maari rin pala akong mamatay, dahil hindi ko pa kilala ang mate na tinutukoy nya.
"maaari ka bang magka gusto sa iba, i mean magugustohan mo ang isang taong naka tali na? "
"oo maaari,kahit gusto mo man ang isang tao hindi namn ibig sabihin nun ay gusto karin nya, tandaan mo to Kristine hindi pare parehas ang nararamdaman ninyo, maaaring mahal ka nya pero may mahal kana ganun yun"
"kung ganon paano mo mararamdaman na nagugustohan mo ang isang tao? "
"mararamdaman mo ito kapag tumibok ang puso mo, maaari rin namang sya lang ang nakikita mo kapag nagkaka sama kayo,o kayay may paro parong nandiyan sa tyan mo, at hindi mapakali sa pagtibok ang puso mo. At yun ang ibig sabihin nang love
"bakit kayo? Bakit hindi kayo maaaring magka roon nang asawa't anak? "
"Dahil God at goddesses kami, maaari karing magka ganito kagaya namin mamimili ka lamang kung mabubuhay kaba sa piling nang iyong minamahal o maging kagaya ka nalang namin, ngunit ang rason naman namin kung bakit bawal saamin yan ay dahil sinilang na kami nang kataas taasan sa lahat. Naka takda na kaming maging ganito.
Isinilang nya kami upang maging pinuno nang ibat ibang kaharian"
"kung ganoon hindi mo palang nararanasan magka roon nang minamahal? "
"naranasan ko na ngunit bawal saamin, kapag nalaman nilang mahal mo ang isang light magic ay tatanungin ka kung ano ang mas pipiliin mo at ang pinili ko ay maging ganito nalamang. Dahil alam kong hindi nya ako mahal dahil kahit kailan hindi manlang nya nasilayan ang muka ko.
At kahit naman bumaba ako para kamustahin sya ay hindi maaari, dahil may iba nang nag mamay ari sa puso nya, ikaw pala kristine? May mahal kanaba? "biglang tumibok nang mabilis ang puso ko nang maalala ko si Drake
"oo nagkaka gusto ako sa isang tao ngunit hindi maaari, dahil naka takda na sya sa iba" malungkot kong pagpapaliwanag sa kaniya
"Maaari ko bang malaman ang pangalan nang tinutukoy mo? " sasabihin ko ba? Wala naman sigurong mawawala kapag sinabi ko sa kaniya.
"S-si d-drake" dahil sa kaba ko nauutal tuloy ang pagsasalita ko "haha kristine? Seryoso ka? Si prinsipe Drake ba nang fire kingdom ang tinutukoy mo" tumango tango ako.
"hindi mo na kailangan pang mahalin sya kristine" naka ngiti nyang sabi saakin " alam ko, dahil may nakatakda na sa kaniya. Magkasama nga sila eh"
"at kahit naman sabihin kong mahal ko sya wala lang yun para sa kaniya dahil may itinakda sa kaniya, kaya ikaw self kapag nabaliw ka sa pagmamahal sa kaniya okay lang wagmo lang syang iiyakan at magmakaawa kase para kang tanga kapag ganun"
Nginitian ako ni Thunder at yinakap "bilib din ako sayo kristine napaka dami nang pagsubok na dumating sayo pero kahit isa hindi ka man lang nagreklamo"
"thunder aalis na pala kami" pag papaalam ko "angelo halika na bumalik na tayo" tumakbo sya papalapit saakin at kumaway pa sa duwendeng yun naglaho ako kasama ang anak ko.
"tsk ayaw ko syang maka sama sa iisang kuwarto ang babaeng sinungaling nayun" pagpasok ko palang sa loob yun kaagad ang rinig ko, boses ni Krystel
"oo nga, akala ko pa naman ay mabait si Kristine yun pala kasinungalingan lang ang sinabi nya saatin" tinignan ko ang muka nang anak ko nakita ko ang sakit sa kaniyang muka
Hinawakan ko ang kaniyang baba at sinabing ayos lang iyon, isang ngiti lang ang isinukli nya saakin na nagpa gaan nang puso ko
"bumalik kapa" yan kaagad ang bungad saakin ni J.anne
"dito ako nakatira" kibit balikat kong sabi sa kaniya" hindi lilipat kana ngayon nang dorm eto na ang mga gamit mo" itinapon ni krissa sa muka ko ang mga gamit ko.
"akin na ang anak ko"hahawakan na sana ni drake ang anak ko nang hampasin ko ang kamay nya, "wala kang karapatang hawakan ang anak ko"
"hindi lang ikaw ang magulang nya"
"pero saakin sya nagsimula drake,tandaan mo ito, hindi ka nya tunay na ama kaya wagkang umastang anak mo sya" hinawakan ko ang kamay nang anak ko at naglaho papuntang dean office.
"tanda" mapa tayo sa gulat si tanda dahil bigla nalang daw akong sumusulpot sa kung saan saan "may bakante pabang kuwarto? Maaari bang dun nalang kami matulog nang anak ko" oo ang sagot nya at binigay saakin ang susi, wagdaw akong mag alala dahil dalawa ang bakanteng kuwarto at saamin daw nang anak ko iyun.
----
Support nyo ako guys and vote nyo rin po sana ang story ko, nako malapit lapit napong matapos ang storya nato biro lang. Don't forget to comment, and follow nadin
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasíaIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika