Kristine Pov
"Nasaan ang nakolekta mong crystal? " inabot ko ang bag ko sa kaniya "eto po" nginitian nya ako habang inaabot ang crystal inilagay ko ang ispada ko sa likod ko.
Kukuhain na sana nang dean ang crystal nang itutok ko ang swords ko sa leeg nya.
Drake Pov
"teka lang, pupuntahan ko lang si ama gusto ko syang maka usap" nagsimula akong maglakad patungo sa office nya,hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Dahil bumalik na sya.
Pagpunta ko sa office ni dad walang katok katok, binuksan ko nalang ito. Nakita ko si Kristine na may hawak na swords habang naka tutok ito sa leeg nang aking ama. Hindi ata nila naramdaman ang aking aura dahil naka tuon ang sila sa isat isa.
Nagtago muna ako sa gilid hinihintay kung ano ang gagawin ni kristine saaking ama, ayokong magpa dalos dalos "ano bang problema mo ija? Bakit naka tutok ang spada mo sa leeg ko? " nakakatakot na ngisi ang ibinigay ni ama sa kaniya.
Parang hindi sya ang nakikita ko ngayon"nasan ang tunay na dean?" umaligaw ngaw ang sigaw ni kristine kaya napa takip ako nang tenga parang nag ecco ang boses nya at nagka roon nang crack sa dingding na gawa sa bato.
"ano ba ang ibig mong sabihin? Akin na ang dyamante"ini lahad nito ang kamay nya at hinihingi ang dyamate na kinuha ni Kristine sa ibat ibang lugar(sorry hindi ko na sinama yung ibang kingdom)
"sinabi nang akin na ang dyamante" sinuntok ni ama ang lamesa nya
Kristine Pov
"paano kapag hindi ko ibinigay tong crystal? Papatayin mo ako? Haha sige go" hinintay ko na patayin nya ako pero hindi nya ako pinakingan. Tinignan ko ang sapatos ko habang tumatawa.
"bakit ayaw mong patayin ako? Dahil ba natatakot ka lampa"
"mommy" nakaramdam ako nang takot nang marinig ko ang boses nang anak ko, linigon ko kung nasaan sya. Hawak na sya nang prinsipe nang darkians habang naka ngise nang nakaka takot.
"haha ang ganda nang palabas, pero mas maganda kung papatayin na natin tong batang to" gigilitan na sana ito nang principe nang darkian nang may pumugot sa ulo nya. Si drake.
"mommy? Ayos ka lang po ba?" parang walang nangyari sa anak ko kung makapag tanong itong batang to. Kampanteng kampante na hindi sya mamamatay haha. "ikaw talagang bata ka wag mona ulit gagawin yun ha" pinisil ko pa ang ilong nya.
"siyepre mommy ikaw matapang ka e kaya namana ko ang katapangan mo"
"oo nga naman, namana nang baby kong iyakin ang katapangan ko" pagbibiro ko sa kaniya habang tumatawa "mommy naman ang bad mo" halata ang boses nya ang pagtatampo hindi ko mapigilang tawanan sya "ikaw talaga halika na nga" binuhat ko sya at sabay na umalis.
Pagpunta namin sa dorm namin nakita ko ang ibang boys maliban kay drake nandun pa ata sya sa office, kahit hindi palitan nang lintek na prinsipe nayun ang muka nya halata kase magkaiba sila nang ugali nang dean. Nung pumunta ako sa kaharian nya sinabi na ibigay ko sa princessa ang crystal. At wala syang sinabing sya mismo ang mag aabot nito.
Pero wala akong tiwala sa princessa na sinasabi nila muka syang mahina puuweeee.
"pinunta ko kayo dito dahil sinabi nang aming ama na kinidnap nang darkian ang dean" pagkasabing pagkasabi ni jino ang linyang ito ay bukas ang pinto, nilabas nito si drake.
"ibig bang sabihin nito ay hindi ang ama ko ang pinatay ko? " takang tanong nito kay jino "oo dahil kinuha nila ang mahal na hari" kung ganun? Nasan na ngayon si tanda? Saan na pumunta? Saan nila dinala?
"saan nila dinala si tito" tanong bigla ni sophie habang naka holding hands sila ni j.nne nandidiri ako yuck. Sino tomboy sa kanila? Ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
"sa lugar nang mga dragon, nandun si tito"
"kung ganoon? Kailan tayo susugod-krystel
"bukas na lang,dahil pagod na pagod na ang katawan natin kaka uwi lang natin. At ganito na ang madadatnan natin"-Jino
"sige magpa hinga na kayo" kumaway pa si James saamin maliban sa ibang boys suwerte nang mapapangasawa nang lalaking to.
"mommy" naka nguso ito habang hawak ang laylayan nang damit ko,sumilip ako sa likod nya. Nakita ko na nakasilip si drake saamin at hinihintay si Angelo "bakit anak? " lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ang kamay nya.
"mommy gusto kong makatabi ka sa pagtulog"
"anak hindi maaari ang lalaki dito" pagdadahilan ko
"ngunit bata pa ako, hindi naman ako kasing edad ni tito drake" nagtaka ako nang tawagin nyang tito si drake walang mintis yan sa kakatawag na daddy
"bakit anak? Bakit ayaw mong makasama si dad-" hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita ko nang putulin nya
"tito mommy, wala akong daddy" alam nang anak ko na wala syang ama kailangan ko,namin nang tunay na magmamahal saaming dalawa at sa oras na may magmahal saamin dun na mabubuo ang lahat.
Siguro dahil sa ganyan na sya sa daddy niya dahil nagbalik na ang taong mahal nya at iniisip nito na hindi nya magiging buo "anak tinuruan kita nang asal, hindi kita tinuruan nang basto. Sinabi ko bang habang nagsasalita ang matanda ay puputulin mo ito" umiling ito nang sunod subod.
"pasensiya napo mommy" niyakap nya ako at bumulong
"nagtatampo lamang ako. Hindi nya sinabi na may girlfriend na sya" naramdaman ko na tumulo ang luha nya.
"nako, maaari mo parin naman syang tawaging daddy habang hindi pa natin nakikilala ang magiging daddy mo sige na pumunta ka" lumapit sya kay drake bubuhatin na sana sya nito pero umiwas siya kay drake napa iling nalamang ako sa ginawa niya. Nang makaalis sila ay isinarado ko ang pintuan.
Inayos ko ang mga gagamitin ko sa paglusob sa kuta nang mga dragon, hinintay ko hangang 11 para pumunta sa lunga.
Pagpunta ko duon may naka bantay na darkian ang iba ay pinapalo ang mga dragon, kaya pala nung unang panahon ay tinulungan nang mga dragon ang darkian dahil pinaparusahan nila anng mga ito
-----
Don't forget to vote, comment, and follow marami pong salamat sa inyo hehe
![](https://img.wattpad.com/cover/191423981-288-k877916.jpg)
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasyIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika