Kristine Pov
Patuloy ako sa paglalakad hangang sa makarating ako sa pinaka dulo nang lugar nato, wala paring pinagbago madilim,patay na dahon, at mga umuungol na halimaw.
Habang naglalakad ako may isa akong babaeng nakitang tumatakbo dahil hinahabol siya nang halimaw napaka laki nya at kumakain nang tao.
Bago ako nagpakita linagyan ko nang takip ang aking muka at nagpalit nang armor,kulay pula ito namay halong light blue,may maiksi itong palda at croptop na damin, pero mabigat.
May crystal din ito na violet, green, blue, white, black, light blue, pink, red, brown.
Inilabas ko ang aking bow at hinila ang tali nito, lumabas dun ang tatlong arrow pinikit ko ang isa kong mata at sinukat kung tatama ba ang arrow na ito sa batok nya.
Nang maipusisyon ko ito dahan dahan kong binitawan ang
Tali nang bow inayos ko ang aking sarili at tinignan kung anong nangyari sa halimaw, nakita kong nakatusok ang tatlong arrow nun sa likod nya habang ang babaeng hinahabol nya ay nadaganan.
At bago paman ako makalapit sa kaniya, tinangal ko ang mask ko at pinalitan ito nang ice warrior.
Paglapit ko sa kaniya binuhat ko ang higante at itinulak sa kung saan ang katawan nya, inalalayan korin na tumayo ang babaeng naka higa duon
"Ayos kalang ba"
"Oo pero sa susunod wagkang magtitiwala sa iba haha" tumawa ito nang malademonyo at naglabas nang maliit na kutsilyo. Sasaksakin na sana nya ako nang mahuli ko ang kamay nya, inikot ko ito at inilagay sa likod nya.
"B-bitawan m-mo n-nga a-ako" ngumingiwing sabi nito saakin, kaya sinipa ko ang likod nya kaya napasubsob ang muka nya sa sahig.
"Sa susunod na magkikita tayo papatayin kita" nagasta pa syang ginigilitan ang leeg nya gamit ang kamay nya, pero inirapan ko sya.
"Tsk hindi manlang nagpasalamat" umiiling iling na sabi ko sa sarili ko, hangang sa nagumpisa na akong maglakad para humanap nang halimaw na mapapatay ko.
Nakakita nanaman ako nang halimaw na malaki, hindi sya bata pero may pagka isip bata subo subo nya kase ang thumb nya habang umiiyak nagpapadyak kaya nakagawa ito nang lindol.
Yumuko ako at inilagay ang kamay sa ulo ko, dahil patuloy ito sa pagpapadyan may mga nahuhulog din na bato na tumama sa kaniya kaya mas lalo pa itong umiyak.
At dahil hindi kona matiis, kinuha ko ang swords ko sa bewang at ibinato ito mismo sa bandang puso inferness natamaan nanaman.
Lumapit ako sa tabi nya at hinugot sa dibdib nya ang spada ko, tinignan ko ang binigay nila kaninang relos at ang nakuha ko nang point ay 2,000 busy ako sa kakatingin kung ilan ang napatay nang iba nang may kumalmot sa balikat ko.
Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita, pero may naririnig akong tawa parang nang galing ito sa taas kaya tinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang isang mananangal na tumatawa habang nakatingin saakin.
Ibinaba nya ang kaniyang kamay para sana abutin nya ako pero yumuko ako para hindi nya ako makuha.
Bumaba ito pero hindi gaanong kababa dahil lumilipad ito at walang katawan susugod na sana sya nang winasiwas ko ang ispada ko sa kaniya.Kaya naman naputol ang isa nyang pakpak, dahil naputol ang isang pakpak hindi na sya makalipad pa. Pinilit nitong lumipad upang makarating saakin kaya iwinasiwas ko muli ang ispada ko, at ang kamay naman nito ang natangal.
Aabutin na nya sana ako gamit ang isa nya pang kamay nang hatiin ko ang katawan nya sa dalawa. Tinignan ko kung ilang point ang nakuha ko at 2,800 na.
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasíaIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika