Kristine Pov
Nagtago muna ako sa taas nang puno, dahil may nakita akong darkian na naguusap. "Haha hampasin nyo pa hangang mamatay yang mga yan" tumatawa tawa pa syang pang demonyo habang naka tingin sa mga dragon na hinahampas hampas nang kawal ng darkian.
"woo patayin nyo yan,yan pa at yan pa" sigaw nang isa pang darkian sa kauri nya habang tinuturo turo nito ang gusto nyang patayin, kinuha nang isang darkian ang kutsilyo nya sabay pugot sa ulo nang dragon ganun din ang ginawa nya sa dalawa pang dragon.
"may tatlo akong napansin na dragon, napaka ganda nang tatlong dragon nayun, siguro sila ang hari, reyna, at ang princessa makikita dito ang galit na mga mata nila, pero hindi nila kayang kalabanin ang darkians dahil naka tali ang sila "Ano? Naaawa kana ba hari nang mga dragon? Haha nakaka awa ka dahil hindi mo manlang natulungan ang mga kauri mo"
Kinuryente nya ang dragon na hari,makikita mo dito ang sakit na ginagawa nya madami nadin silang pasa may pumunta dito sa punong pinagtataguan ko nilabas ko ang swords ko hiniwa ko ito sa leeg nya. Itinabi ko sya sa gilid nang puno upang hindi nila matignan na may nakapasok.
Mukang nakita ako nang princessa ng mga dragon dahil umungol sya nang napaka lakas na ikina agaw nang pansin nang mga darkian kinuryente nila ito at pinalo nang latigo, kaya mas lalong lumakas ang ungol nang dragon. "sinabi nang manahimik ka e" ngunit hindi nya ito pinansin, nagwala sya nang nagwala.
Kaya lahat nang darkian,napunta sa kaniya ang atensiyon. Habang pinapatahimik nila ang dragon pumasok na ako sa loob, ang una kong pinuntahan ay ang unang palapag, lahat nang kuwarto ay binuksan ko pero wala akong nakitang tanda,kaya pumunta ako sa pangalawang palapag.
May nakita akong mga darkian kayahinawakan ko ang dingding at naglaho, naging ka kulay ko ang dingding, nang wala akong marinig na darkian ay tumakbo ako pero walang kahit na anong maririnig na tunog nang sapatos.
Nang maka punta ako sa pinaka dulo nang pangalawang palapag, nakita ko ang isang pintuan, may dalawang darkian na nakabantay dito. "pare halika,pumunta tayo sa baba nagkaka gulo" naka rinig ako nang darkian na nag uusap papalapit saakin. Kaya ang ginawa ko ay nag invisible,nang makalapit sila saakin
Ako pa ang gumawa nang paraan upang maka lakad sila, pero dahil mabait ako, sinipa ko ang isang darkian patalikod "p*ut* ikaw ba may gawa nun pare ha? " tinuro nya pa ang kasama nya "g*g* magka sabay lang tayo o nakikita mo ba? Paano kita masisipa tsk"
Kaya pinalampas ito nang kauri nya, ginamit ko ang kapangyarihan ko upang maibaba ang short nang kaibigan nyang isa" ano ba? Hindi ko namn kasalanan yun a? Bakit kailangan mong tangalin ang short ko"
"ano bang pinagsasabi mo dyan? "
"g*go k-" hindi pa sya natatapos magsalita nang paguntugin ko ang ulo nila"aray ko" bago pa sila magreklamo sinaksak ko ang isa sa kanila at ang isa naman ay sinapak ko muna sa tyan,bago ko sya gilitan sa leeg
Hinawakan ko ang isa sa kanila at ginaya ang damit nila, nang magaya ko ang damit nila hinila ko sila at itinago upang hindi nila makita. Tinangal ko narin ang pagkaka invisible ko.
Pumunta ako sa dalawang darkian na naka bantay ngayon sa pintuan"May nagkaka gulo sa labas, kailangan nila kayo"
"kung ganun bakit nandito ka?" tanong nang isa sa kanila
"nandito ako upang bantayan ang mga nasa loob" tukoy sa sa loob nang pintuan na binabantayan nila
"bakit hindi nalang ikaw ang pumunta doon?" ang kulit netong lalaking to ggrr.
"kayo ang ipinatawag nang general wagna kayong tanong nang tanong sige na puntahan nyo na sya o isusumbong ko kayo" mukang natakot sila sa sinabi ko kaya umalis na sila.
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang napaka daming naka kulong, sinira ko ang pintuan nang selda nila, pinalabas ko ang bawat isa.
Napaka payat nila, at gutom na gutom kaya nang mapalaya ko ang iba ay gumawa ako nang lamesa at mga makakain nila,pinag yelo ko ang susian nang pintuan upang walang maka istorbo sakanila.
"meron pa bang ibang kulungan dito" tanong ko sa kanila tumango ang iba sa kanila" maaari nyo bang ituro saakin? " sabay nilang tinuro ang ding ding siguro ay may secret pass to para maka pasok.
Hindi ko muna sila inistorbo, pumunta ako sa tinuro nila, hinanap ko kung ano paano ito buksan. Naghanap lang ako nang may nagsalitang batang babae sa gilid ko, "ate sabihin nyo lang po open sesame at kapag naman po isasara ito au close sesame" nagpa salamat ako sa bata at sinabi ang password "open sesame" sigaw ko, bumukas ito at nakita ko si dean na naka upo nang patalikod saakin.
"ano ba ha? Patayin nyo na ako pinapatagal nyo pa" sigaw nito saakin, oa promise "hoy tanda wagkang mag emote emote dyan"
Mukang nagulat sya dahil napa tayo ito sa sobrang gulat, "anong ginagawa mo dito?"makikita mo sa mata nya ang takot at pagalala para saakin.
"wagnang madaming tanong tanda, papakawalan na kita para maka alis na tayo dito" pinagyelo ko ang selda nya at nag sommon nang sword at binasag ito.
"maraming salamat sa tulong mo ija halika na" aalis na sana sya kasama ako nang maalala ko ang taong tinulungan ko, "Mauna kana dean, isasama ko pa ang kaparehas mong bilango"
"o sige mag iingat ka, may tiwala ako" pagka laho nya. Bumalik ako sa pinuntahan ko, pinahawak ko sila sa balikat ko at sabay na naglaho kasama sila(kaya nga sabay haha charot)
-------
Don't forget to vote, comment, and follow palagi po kayong magiingat sa ncov nayan sana po ay maagaw napo ang corona nya... Charot haha .
BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasíaIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika