Chapter 52

7.2K 182 3
                                        

Kristine Pov

Patuloy kami sa pag eensayo nang marinig namin ang malakas na pagsabog mula sa labas nang paaralan namin, naglabasan kaming lahat at pumunta sa gate.

Nakita namin ang mga darkian,hinanap nang mata ko ang pinuno nila ngunit hindi ko sya makita pa, lumapit ang isang darkian, may ibinigay ito sa isang istudyante.

"Pagkatapos nyan lulusob kaming ulit ngunit kasama na namin ang aming pinuno" pagkasabi nya nito ay umalis na sila. Iniwan nila kaming takot.

"Basahin mo ang sulat na binigay mo" sigaw ni Nico sa kaniya "Pag lumabas ang dalawang buwan sa langit susugod kami sa inyo"

"Kung ganun ay may oras pa tayong mag insayo" sigaw ni drake "Kailangan nating sabihin ito kay ama para maagapan natin" nagtatakbo papunta sa Dean office si Drake.

'Grabe ano? Ngayon pa nila naisipang mag diklara nang pangatlong labanan'

'Oo nga pero buti nalang at nandiyan ang magtatangol saatin si Betty'

'Oo nga nandiyan sya para makipag laban para saatin dahil sya ang princessa'

'Pero kahit na, hindi ba't dalawa palang ang kaya nyang controlin?'

'Oo pero malayo pa naman e kaya maaari pang malabas ang mga iba pa nyang kapangyarihan'

'Kahit na,paano kapag tatlo lang ang nailabas nya? Maari parin tayong mamatay'

Bulong bulungan nang mga studyante.

"Tama na nga pumunta na tayo kila dean para malaman natin kung ano ang dapat nating gawin?" isa sa mga istudyante ang sumigaw.

Nagtanguan ang mga studyante at pumunta sa dean office sumunod kami sa kanila, pero nang makarating kami sa office ni Tanda wala kaming nakitang kahit na isang tao dun kaya pumunta kami sa Gym dun namin nakita si dean na naka higa.

Naglapitan ang mga studyante at tinanong kung anong nagyari sa kaniya ang sabi nang mga maharlika ay nahimatay daw ito dahil sa nalamang balita.

Lumapit ang isang Healer sa kaniya,hinawakan nya ang noo nito at sa pulsuhan ang sabi nito ay okay lang naman sya. Nagulat lamang sya sa balita kaya nawalan ito nang malay.

"Kami nalang ang magsasabi kung ano ang dapat nyong gawin dahil nahimatay ang dean ninyo, Mahal kailangan nyong buhatin ang dean para makapag pahinga sya sa kaniyang silid" binuhat nang asawa nang mahal na reyna nang light kingdom si Tanda at ipinunta ito sa kung saan.

Pumunta sa stage ang mahal na reyna "Kayong lahat mag aasign ako kung sino ang magtuturo sa inyo para magamit ninyo ang kapangyarihan ninyo" 

'Mahal na reyna paano naman ang mga taga lower class? Hindi pa nila alam gamitin ang kanilang kapangyarihan'

'Kahit na hindi namin alam ang kapangyarihan namin baka nga mas matalino pa kami kaysa sa inyo e'sigaw nang isang taga lower class.

'Oo nga kahit na hindi namin alam gamitin ang kapangyarihan namin kaya naman namin gamitin ang isip namin, hindi kailangan nang kapangyarihan kapag walang isip kailangan nang malawak na pag iisip para maka gawa nang plano kung paano gamitin o anong plano ang gagawin natin kapag lumusob ang mga darkian'

'Tama'sigawan nang mga taga lower class.

Ang isang studyanteng sumigaw nang kanina sa mga lower class ay napapahiya kaya nagtago ito sa likod nang mga kaklase nya "Tama ang mga taga lower class hindi natin kailangan nang kapangyarihan ang kailangan rin natin ay isip, maaaring hindi nila alam gamitin ang kanilang kapangyarihan ngunit maaari rin namang gumamit sila nang mga armas"

"Kaya ang naisip kong magturo sa kanila ay si Kristine dahil hindi nya ginamit ang kapangyarihan nya ginagamit nya ang isip nya at gumagamit ito nang armas kaya bilib ako sa kaniya, mga lower class alam nyo na kung saan kayo magpapaturo"

"Drake ikaw naman ang mag tuturo sa mga senior dahil hindi mo lang sila kasing yabang mo din sila, takot sila sayo at malalakas din ang mga kapangayrihan nila kaya kapag uminit ang ulo mo tustahin mo na sila" nagtawanan ang ibang studyante dahil sa sinabi nya.

"Krissa ikaw naman ang mag tuturo sa first Class hindi pa sila gaanong bihasa sa kapangyarihan nila ngunit kaya naman na nilang ilabas ito kailangan nalang nilang matutunan kung paano ito gamitin"

"At nico anak, ikaw naman ang magtuturo sa mga second class kailangan nilang matuto kung paao tagalan ang kapangyarihan nila kung hindi mas mauuna pa silang mamatay, di biro lang, para hindi sila hingalin"

"At Ang panghuli mga Third class kailangan ka nila J.anne turuan mo silang gumamit nang mga salamangka at ang mga hindi ko nabangit na royalties kailangan ninyong mag insayo sa muli nating pagkikita" bumaba ang mahal reyna sa stage.

Bago ito lumabas sa pintuan kumaway pa ito bago umalis.

'Waa Ate buti nalang at ikaw ang magtuturo saamin'yinakap ako nang isang lower class at hinalikan ako sa pisngi.

"Oo nga kase yung iba ayaw kaming turuan"

"Oo nga nakaka lungot kase ayaw nila kaming tulungan " naka nguso habang sinasabi nang pinaka bata sa kanila.

"Teka lang dito lang kayo hahanapin ko lang ang anak ko" kumaway ako at nag laho.

Linibot ko ang buong academy pero wala siya, babalik na sana ako sa garden nang makita ko ang anak ko habang hawak hawak ni Joy umiiyak ito at nagpupumiglas. Pumunta ako sa kanila at pinigilan ang kamay ni Joy.

"Ano bang nangyayari? Bakit mo pinapaiyak ang anak ko? " tanong ko sa kaniya.

"Sorry Kristine gusto ko lang naman sana syang makausap e pero umiyak na sya" tinignan ko si Angelo habang patuloy sa pagiyak "Angelo Anak sabihin mo sakin kung ano ang totoo"

"M-mommy k-kase g-gusto n-nya a-akong s-saktan p-pinalo n-nya a-ako s-sa m-muka t-tapos k-kinurot" nag init ang ulo ko hindi ko napigilang sampal sampalin sya.

"WALA KANG KARAPATANG SAKTAN ANG ANAK KO! KAYA UMALIS KANA SA HARAP KO" sigaw ko sa kaniya nagtatakbo ito papalayo saakin tumingin ito muli saakin at nagtatakbo ulit papalayo.

"Anak are you okay? " Tanong ko sa anak ko

"Opo mommy ayos lang po ako"

"pupunta tayo sa God at Goddesses dun ka hangang sa natapos na ang labanan"

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sabay na naglaho nang makarating kami sa God At Goddesses Palace nakita ko si Wateria na kumakanta hawak pa nito ang host buti nalang at hindi bukas ang gripo.

Dahil sa mabait ako ginamit ko ang kapangyarihan ko,pinihit ko ang gripo kaya bumukas ang tubig tinignan ako nito nang napaka sama dahil basang basa sya pero tinawanan ko lang sya habang naka turo sa Kaniya.

"Ano ba kristine? Bakit mo naman ginawa yun? " naka ngusong sabi nito saakin "Haha sorry hindi ko sinasadya ikaw kase e para kang tanga"

"Wow ha! Nasaktan ako dun"

"Haha sorry na nga,pumunta pala ako dito gusto kong bantayan mo ang anak ko maaari ba? "

"Oo naman"

Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat bago ako naglaho at bumalik sa garden binuksan ko ang secret door.

Nakita ko ang mga lower class habang gumagamit nang iba't ibang armas.

-----
Hi guys pagpasensiyahan nyo na ulit wala talaga akong maisip kung ano ang susunod haha thankyou and support me unting push nalang malapit nang matapos tong story ko.

Don't forget to like,comment, and vote magingat po tayo palagi thankyou sorry rin kapag mali mali spelling or typing nag mamadali kase ako e sorry talaga.

                  T.  H.  A.  N.  K.  Y.  O.  U

LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon