Kristine Pov
"mommy gawan nyo po ako nang ice cream" utos saakin nang aking anak habang nanonood nang tv " wait lang po mahal na Principe" pumunta ako sa kusina upang gawin ang ice cream na request nang anak ko.
Pagkatapos kong gawin iyon, pinalamig ko muna sa refrigerator hindi maaaring kapangyarihan ko ang gagamitin kung hindi bungi na ang anak ko haha.
Bumalik ako sa sala upang tignan kung anong ginagawa nang anak ko, nagsusulat sya kaya nilapitan ko "anak? Ano yang sinusulat mo? " tinuro ko pa ito.
"mommy itong sulat na ito? Wala lang po hehe" tinago nya ito sa likod nya " asus ag anak ko may nalalaman nang secret secret binuhat ko ito at kiniliti
"hihihi tama napo mommy hihi e-eto n-na p-po" binigay nya saakin ang sinulat nya na naka lukot na, hindi pala ito sulat kung hindi family drawing habang may birthday cake sa harap nya.
"mommy bukas napo ang birthday ko sana po matupad iyan" itinuro nya ang hawak kong papel "patawad anak ngunit hindi maaari galit sila kay mommy" biglang napa tingin ito sa ibaba.
"okay lang po pala mommy basta po kasama po kita masaya na ako" naka ngiting sabi nito, tumayo ako para kuhain ang ice cream na ginawa ko. Nilabas ko ito at nilagyan nang kandila sinindihan ko pa ito.
Birthday candle ang ginawa ko ha! Baka anong isipin nyo "happy birthday angelo, happy birthday Angelo happy birthday happy birthday happy birthday dear angelo"
"wish kana anak" inilapit nya ang kaniyang labi pero hindi ganun kalapit, at inihipan ang kandila " anong winish mo anak? "
"secret po mommy baka po hindi magka totoo ang mga wish ko"sabi nito saakin habang naka ngiti kaya nginitian ko nadin sya sabay halik sa kaniyang noo.
"mommy gusto ko pong magka bati bati na kayo nila tito at tita nakaka miss po kase ang kaingayan nila" saad nito saakin"titignan ni mommy okay? "
"okay po mommy"
"ano? Hindi na ba natin kakainin ang ice cream? Baka matunaw to" saad ko sa anak ko"sige po mommy hihi" kumuha sya nang kutsara at inilagay sa plato nya.
"oumm ang sarap po nang ginawa nyo"
"asus nambola pa ang anak ko" ginulo ko ang buhok nya habang kumakain sya nang ice cream nya " mommy? Hindi ka po kakain nang ice cream? "
"gusto mo bang pakainin si mommy nyan? "
"oo naman po" itinapat nya ang kutsara nya sa bibig ko.
"sarap nga, akala ko pa naman niloloko lang ako nang baby ko" kinurot ko ang pisngi nya
"nako mommy hindi po ako nag sisinungaling alam mo po iyon"
" tama nga naman ang baby ko" yinakap ko sya nang napaka higpit.
"halika na nga at matulog kana" binuhat ko sya at ipinunta sa kuwarto nya"mommy gusto po kitang katabi" niyakap nya ako na parang ayaw na nya akong palayain pa "nako akala ko pa naman ay big boy na ang anak ko pero ayaw paring magisa matulog" pagpaparinig ko sa kaniya.
"mommy big boy na po ako may mussel na nga po ako o" ipinakita nya pa ang maliit nang braso na puro taba lang "oo nga may mussels na ang anak ko kaso takut parin matulog" umiiling iling pa ako na parang na didismaya.
"sige na po mommy matutulog nalang po ako magisa" yinakap pa nya ako at hinalikan sa pisngi,tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan nya bago ako umalis sa kuwarto nya.
Huniga ako at tinignan ang dingding namin, sa totoo lag na mimiss ko na sila hayts.
MORNING
"mommy gising na"
tumalon talon pa ito sa kama ko "opo mahal na principe tatayo na po ako"
"salamat mahal na reyna" nag bow pa sya saakin na ikinatawa ko.
"nako ang principe ko, halikana at paliliguan kita"
"hep hep hep, hindi na kailangan mahal na reyna kayang kaya nang mahal na principe iyan" rumampa pa sya papuntang Cr pero hindi rampang pambabae kung hindi rampa nang lalaking makisig.
"dalian mo dyan mahal na principe kailangan nating kumain pagkatapos mong maligo"
"opo mahal na reyna dadalian ko po ang paliligo ko"
FASTFORWARD
"aba paamoy nga ang principe ko" lumapit ako at inamoy ang kilikili nya "oum ang bango naman ang baby ko, halika na at kumain na tayo" pagkatapos naming kumain hinawakan ko ang kaniyang kamay at sabay na naglaho.
Pagpunta namin dun, nakita ko ang mga principe at princessa na nagsasaya. Ibig lang sabihin nito ay mas masaya kapag wala kami. "anak gusto mo bang tulungan si mommy na gumawa nang design sa kuwartong ito? " tanong ko sa kaniya at oo naman ang isinagot nito saakin.
Nandito kami sa kuwarto na napakalaki at iisa lamang kaya magkaka sama talaga kami, mukang napansin na nila kami ngunit parang hangin lang kami dahil umiwas sila nang tingin.
Tinignan ko ang aking anak na hinahawakan ang pader "mommy maaari ba akong magpinta dito? " magaling syang mag drawing at yun ang kinahahangaan ko sa kaniya. Dahil hindi ko ako makapag drawing kahit tao lang.
Kaya alam kong mapapaganda nya ang kuwartong ito,ang napili kase nila ay gayahin nalang ang mga kaharian at gawin ang unang digmaan ganundin ang pangalawang digmaan kaya pumayag nalamang kami " oo naman mahal na principe"
Nag summon ako nang mga pintura kasama ang paint brush at hagdanan "Maraming salamat mahal na reyna" inayos ko muna ang hagdanan at itinali ito upang hindi matumba ang aking anak.
Habang tinitignan ko naman ang sahig at sa taas pinagiisipan ko kung ano ang magiging design sa stage namin, at ilaw.
Naalala ko tuloy ang frozen,napa tingin ako sa anak ko na patuloy sa pag pipinta. Naka ngiti pa ito habang ginagawa. Gayang gaya nya ang iba't ibang kaharian laki talaga nang imahinasyon haha.
Pinakiramdaman ko ang kapangyarihan ko na nasa loob ko, ibinaba ko ito at ipinadyak sa paa ko. Nagka roon ito nang niyebe at yelo, gumawa ako nang ilaw na gamit ang yelo ko at pinakinang ang draming nang anak ko, napa tingin tuloy sya saakin.
Linagyan ko nang kurtina nang light kingdom at ang pinaka huli, inilagay ko ang flag nang mga kaharian at ang pinaka gitna ay ang light academy.
bumaba ang anak ko sa hagdanan at sinalubong ako "mommy ang galing galing mo po talaga, pero may huli pa po akong gagawin" nag abang ako sa sinasabi nyang huling gagawin gumawa sya nang niyebe at ipinabilog ito sa kamay nya.
Palaki ito nang palaki, nakaramdam ako nang kaunting pagka takot dahil hindi nya pa kayang gamitin ang kapangyarihan nya.
Lumaki lang ito nang lumaki hangang sa mas malaki pa sya saakin, ibinato nya ito sa taas kaya umulan nang niyebe. Tinignan ko ang anak ko nang mag halong proud dahil hindi lang niyebe ang nagawa nya kung hindi asul na niyebe.
Sya palang ang nakaka gawa nun pati ako, "ang galing mo anak" proud kong sabi at hinalikan ang kaniyang noo"nagmana po ako sa iyo ina" natawa nalang ako sa sinabi nya at napailing.
Ikuwento mo nga saakin anak kung paano mo yun natutunan"
"tinuro po nang mga god at goddesses" bulong nya sa tenga ko.
----
Guys vote for my story sana ay magustohan nyo ito at sana'y hindi kayo magsawang basahin ang iba't ibang storya ko salamat sa inyo.Pa follow, at comment nadin salamat

BINABASA MO ANG
LIGHT ACADEMY (THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS)
FantasiaIsang babaeng gangster sa mundo ng mga tao, war freak ang tawag ng iba sa kanya dahil sa kanyang ugali ay makikita nya ang paaralang napaka misteryoso. Halina kayo't lakbayin natin ang mundo ng mahika