▪8

1K 46 73
                                    

///////////

"Caitlyn!"

punyeta.

"Caitlyn?!"

"Opo?!" sigaw ko pabalik, anong oras na ba ha?! Tinignan ko ang orasan at nakita kong-- ALAS SIYETE NA?!

"Caitlyn? Anong oras na gumising ka na please." rinig ko sa labas ng pinto ko. Teka si Sir Seokjin ba yun?

"Ito na po." Tumayo na ko at nagayos ng sarili, grabe nakatulog ako ng ganon katagal?! 7 hours?!

Binuksan ko ang pinto at kita ko ang iritasyon sa mukha ni Sir Jin pero nang tignan niya ko bahagyang nawala ito at napalitan ng normal niyang nakangiting mukha. Weird.

"Okay ka na?" tanong niya.

"Ah. Medyo? May kailangan po ba kayo Sir?"

"Wala naman, nagtaka lang ako kasi halos pitong oras kang natulog." aniya. Hindi lang halos, pitong oras talaga.

"Pasensya na po Sir." yumuko ako pero itinayo lang niya ako. nakakapagtaka?

"Ah hindi! Ayos lang yun, baka kasi napagod ka lang talaga." ngiti niya. Aww ang cute niya.

"Napagod? Halos wala nga siyang ginawa kanina."

teka?! sino yun?!

Pareho kami ni Sir Jin napatingin sa nagsalita.

Sir maputi na attitude?

"Yoongi? Kanina ka pa ba nandyan?" tanong ni Sir Jin, Oo nga?

"Hindi. Kakaakyat ko lang." sabay ikot nanaman ng mata niya. Maattitude masyado 'to inaano ka ba ha?!

May sasabihin pa sana si Sir Jin kaso nagwalkout na lang bigla yun si Sir Yoongi. langya yan.

"Ah, sorry nga pala dun kay Yoongi. Ewan ko dun bakit ganon siya. Di naman siya ganyan kay Tita Jihyeon dati." pag-amin niya.

"Okay lang po yun sir, tsaka bago palang naman po ako." Sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi ni Sir Yoongi. Pero totoo naman eh, bakit naman ako mapapagod? ni wala nga akong nagawa kanina. Saet.

"Ayos ka lang ba talaga?" Bakit ang concerned naman masyado ni Sir Jin nakakapanibago.

"Opo. Ayos lang salamat." Okay ang awkward na namin pano ba umalis dito ng di awkward? ulit?

"Ah sige po mauna nakong bumaba" Paalam ko at tumango naman siya. Kaya umalis na ko dun nyay ang awkward.

Habang bumababa ako sa pagkahabang hagdan naramdaman kong nagvibrate phone ko. May natawag?

Tumigil ako sa pagbaba at sinagot ang tawag. Si Hyesoo!

"Hell-"

"PARK CHAAAEERRIIINNN!!!!!" punyeta.

"Ano ba Hyesoo?! Diba sabing wag mo na kong tatawagin sa real name ko?! Tas isisigaw mo pa walang hiya ka talaga!" narindi ako dun jusko.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon