▪2

1.6K 49 15
                                    


///////////////

"HOY GISING NA POCPOC!"

"CAITLYN! BUKSAN MO TO!"

"YA ANONG ORAS NA!!!"

Nakakairitang mga sigaw ng napakabait kong kaibigan mula don sa labas ng kwarto ko. Wala akong ganang bumangon ngayon dahil una sa lahat pagod at umiyak ako at pangalawa alas singko palang ng umaga punye-

"BUMANGON KA NGA DIYAN AALIS NA TAYO ANONG ORAS NA!"

"5:30 NA NG UMAGA HAYOP!" inis na sabi ko.

"Buksan mo tong pinto ano ba?!"

Pinabayaan ko nalang siya doon sa labas dahil alam ko namang mapapagod lang siya.

"Ayaw mo talaga ha?"

Ayaw.

"Bahala ka."

Pagkatapos niya yun sabihin ay tumahimik na at nakahinga ako ng maluwag. Buti naman napagod na siya ginagambala niya tulog ko piste-

"GISING NAAA!!!"

Akala ko okay na lahat. Makakatulog na ko ng maayos. Mapayapa. Pero ito, Nakapatong sa akin si Hyesoo habang niyuyugyog ako para magising.

"Gumising ka naaaa! Pwede ba ha?!"

"Pano ka ba nakapasok?!" gulat na tanong ko.

"Nakalimutan mo yatang may susi ako ng apartment mo?" aniya sabay pinakita sakin ang susi.

"Sus meron ka palang susi bakit kailangan mo pang magwala sa labas ang aga aga letche." Palagi nalang ganito si Hyesoo kapag walang magawa sa buhay. Nung isang buwan muntik akong mapalayas sa apartment na to dahil nagkakatok at nagwawala nalang siya sa harap ng pintuan ng,

Kapitbahay ko.

at lasing siya.

"Bakit gusto ko eh? At tsaka alam mo ba na may pupuntahan tayong importante ngayon?" aniya sabay tayo.

"Magayos ka na pupuntahan natin si Tita." Nakakangiti pa tong hayp na to matapos akong guluhin dito.

"Bakit kasi ang aga naman?" Like magsisix palang ng umaga ano bang meron sa trabaho nayon nakakairita.

"Ah basta tara na mag ayos ka na."

Wala akong ibang choice kundi maligo kahit sobrang lamig ng tubig tangina talaga.

/Fast Forward/ /Time Check: 7:00/

"Tagal mo naman." Bored na sabi ni Hyesoo

"Eh ano naman? Kasalanan ko bang babae ako at kailangang mag inarte bago lumabas ng bahay?" sarkastikong tanong ko.

Hindi na kumibo si Hyesoo dahil baka magkasagutan pa kami dito sa kalsada. Naglalakad na kami patungo dun sa lugar na sinasabi niya. Medyo malayo daw yun dahil mga "sikat" daw yung nakatira dun.

"Sino bang mga nakatira doon?" tanong ko.

"Hmm. Do you know BTS?" natatawang tanong niya.

"Tf? Sino si BTS?"

"Hays. Di ka na talaga updated sa mundo."

"Huh? Balakangadyan."

Tumawa nalang si Hyesoo dahil sa sagot ko. Sino ba yung BTS? Sikat ba yung mga yun? Edi sana kilala ko sila? Sabi ni Hyesoo KPop Boy Band daw sila. Hays bala na nga di niya rin daw masyadong kilala yung mga yun. Bakit parang kami lang yung walang pake sa mga nangyayari sa mundo?

Tatawid na dapat kami ni Hyesoo ng biglang-

"Hyesoo wait lang yung sintas ko" ani ko sabay luhod para ayusin ito.

"Ppali." sabay naglakad muna palayo para tignan kung tama ba ang nilalakaran namin. Oo ang sweet niya talaga. Hinintay niya ko eh.

"Ayan tapos na." aniko sabay tayo.

"Hyesoo! wait lang-

/BEEEEEEEEPPP/

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon