▪18

818 38 105
                                    

///////////

Caitlyn's POV

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?"

Tanong ko kay Hyesoo habang nagaalmusal kami. "Ya! bakit naman?! May sense sinasabi ko ha- ARAY!"

"May sense ba yung sinasabi mong 'baka-may-gusto-sayo-mga-amo-mo-Caitlyn' ha? May sense?"

"Kung maka react ka naman parang ayaw mo pa! Aray! Tama na nga ang sakit hayop."

Pang ilang batok at hampas ko na yata iyon sakanya. Sa tingin niya ba maniniwala ako sa mga ganong sinasabi niya? Sila? Bangtan? Magkakagusto sakin?

As if naman. Never mangyayari yun.

"Ano ka ba, hindi ko naman pwedeng isipin nalang yung mga ganong bagay. Amo ko sila, tapos mga sikat pa. Hindi yun uso ngayon huy!" sabi ko bago ininom yung kape ko. Nakita kong napailing siya kaya tinignan ko nanaman siya ng masama.

"Kulang ka talaga ng exposure sa social media." aniya kaya naman napataas ang kilay ko. Anong kulang? Baka siya ang may kulang dito-

"Alam mo yung mga story ganern, yung mga librong binabasa ko? Nako! Kung alam mo lang. Mga ganitong ganito din yung story nila." aniya habang pinapataas baba yung kilay niya. Napailing nalang ako bago tumayo dahil tapos na rin naman ako kumain. Ganoon din ginawa niya.

"Last day na ng bakasyon mo diba?" tanong niya. "Yeah. 'Di ko nga alam ano bang pwedeng gawin ngayon dito."

Pareho nalang kami nagkibit balikat at nanood nalang ng TV sa sala.

Jungkook's POV

"Medyo 'di ako sanay na wala tayong assistant na kasama ngayon."

Narinig kong sabi ni V hyung pero hindi naman siya pinansin ng iba dahil natutulog pa yata. Nasa van kami ngayon papuntang building namin para itrabaho na yung comeback.

"Hayaan mo na hyung. Bukas meron na din naman." sabi ko. Tumango nalang siya kaya sinandal ko na ang ulo ko sa upuan bago tuluyang pumikit.

••••

"Parang mas maganda kung ganito yung tono."

"Pero hindi ba maganda nadin naman 'to?"

"Oo nga pero mas maganda sana kung ganito-"

"Bakit? pangit ba yung naisip ko Joon?"

Ang OA naman nito ni Hobi hyung. Habang sinasabi niya kasi yun para pa siyang nagaacting na parang sa mga drama na nagtatanong ng Am I not enough?!

"OA mo gago. Sabi ni Namjoon mas maganda nga, hindi sinabing pangit. Umayos ka nga Hope." ani naman ni Yoongi hyung.

"Aray, nagago pa. Hindi ba pwedeng nagpapractice lang kunwari magacting ganon? ngina mo."

Nakita kong napairap nalang si Yoongi hyung. Para talagang mga bata 'to sila pag nagtatrabaho. Pero kapag tungkol sa quality naman ay bigay todo naman at lagpas pa sa expectation ng ARMYs yung resulta. Kahit nga kami ay natutuwa pa.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon