▪40

663 32 164
                                    


Third Person's POV

"Good job Dahi. Magaling ang ginawa mo." Seoyeon smiled. He flipped his imaginary long  hair. "I know right Madzam."

"Oh, akin na yung envelope." aniya. Binigay naman ito ni Dahi sakanya. "Ano-ano pa laman nito?" tanong ni Seoyeon.

"Hmm, maliban sa birth certificate ni Caitlyn is ang mga binigay niyang ibang personal infos about her." he smiled. Seoyeon smirked. "Perfect."

"Hindi ko na po 'yan binasa Madam. Since gusto ko rin masurprise kung ano man yang sinulat sa  papel at nakasulat sa certificate niya." dagdag ni Dahi. Seoyeon rolled her eyes. "Wow. Whatever."

Binuksan niya ang envelope at nilabas lahat ng papel na naroon. She deeply sighed. "Kinakabahan ka po ba Madzam?" tanong ni Dahi.

"Shut up. Bakit naman ako kakabahan? I'm just... excited." she said. "And nervous?" dagdag ni Dahi.

"Pwede ba manahimik ka muna?" she snapped. Dahi slowly nodded. Kinuha na ni Seoyeon ang birth certificate at tinignan.

"So let's see.. Last name, Park..."

"First name, Chae---" she trailed off.

Her eyes widened. Binagsak niya ang hawak niyang papel at tumayo. "M-Madam? Anong--"

"NO WAY!" she screamed.

Taehyung's POV

Nasa eroplano na kami at halos lahat nakatulog na. Katabi ko ngayon si Jungkook dahil wala na siyang maupuan kanina. Nasa bandang bintana ako. And yeah, hindi ako makatulog obviously.

Hanggang ngayon iniisip ko parin ang nangyari kanina sa kwarto.

Pumasok ako sa kwarto namin na kinakabahan.

Sabihin ko na kaya sakanya?

Pero shit, paano kung masira lang yung araw niya? Mag-isip ka nga Taehyung.

Nag-aayos na siya ng gamit habang umupo naman ako sa kama. He looked at me, confused. "Hindi ka pa magiimpake hyung? Paalis na tayo."

I started fidgeting my fingers. "M-May sasabihin muna ako.." I whispered.

His eyes lowkey widened. "Oh? Okay sige kasi ako din eh." aniya. Bigla nanaman akong kinabahan. Ano namang sasabihin niya?

Umupo siya sa tabi ko and ibinaba muna ang mga hawak niya. Bumibilis tibok ng puso ko. Sigh.

"Sa tingin ko para nakakatuwa sabay na nating sabihin yung sasabihin natin. Wala na ding oras eh. Okay lang ba hyung?" tanong niya.

I nodded nervously. "Bibilang nalang ako ng hanggang tatlo, tapos sabay na ha?" aniya. Tumango ako ulit. "Wag kang kabahan." he laughed.

I sheepishly smiled. "Okay. One, two, three!"

I sighed. "Gusto kit--"

"Aamin na 'ko kay Caitlyn." he smiled.

I stopped. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko.

Napakunot ang noo niya. "Ay huh? Hindi kita narinig anong gusto mo hyung?"

I chuckled nervously. "Alam mo, hindi na mahalaga yung sinabi ko." I smiled.

Napailing naman siya. "Sure ka ha? So 'yon, napag-isipan ko hyung na umamin kay noona mamaya sa party ko." he giggled.

Masaya siya. Paano nalang kapag natuloy ko yung sinabi ko? Mas masaya naman yata siyang magkaibigan lang kami.

"Nice. Goodluck." I smiled. Bakit parang ang awkward ko naman tangina.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon