Caitlyn's POVI immediately went to 8th floor since yun ang utos ni Ms. Seoyeon. Medyo malaki yung floor na 'to gosh.
Nakita ko may counter at mga babaeng staff na nakatayo roon kaya agad akong pumunta doon para magtanong. "Uhm, excuse me?"
Napalingon siya, "Oh, yes miss? How can I help you?" tanong niya. "Uh, assistant ako ng BTS and ni Ma'am Seoyeon- yung bagong manager. Nandito ba yung mga staff ng company?"
"Yes po. Bakit nga po pala?" aalis na sana ako dahil feeling ko wala nang oras. Bakit kailangan niya pa tanungin huhu.
"U-Uh, nagpapameeting si Ma'am Seoyeon with all the staffs. I'm here to remind and tell them." nakangiti kong sagot. Her eyes widened kaya nagtaka ako.
"What? Sure ka ba diyan miss? Bago ka lang ba dito? Halos 30 staffs and producers ang nandito sa floor na 'to."
This time ako naman ang nagulat. WTF?!
"P-Po? H-Hindi sinabi sakin ni Ma'am Seoyeon.." pag-amin ko. "Baka hindi niya rin alam since bago lang siya?" tanong niya. Tumango ako. Baka nga.
"Sige na po miss, ako nalang po tatawag sa mga 'yon through announcement-"
"Ohp- teka!"
Natigilan kami nang makarinig kami ng sigaw. Si Dahi ba yun?
"Ya, ikaw Jiwon. Hindi mo pwedeng gawin 'yan since tawag ka nung head niyo! Buti nalang naabutan pa kita dito. Ikaw lagot ka talagang babaita ka!" aniya at mahinang hinampas ng pamaypay niyang hawak yung babae.
"Aray Dahi! Oo na! Bakit ba ko pinapatawag ni Ma'am?"
"Basta! Sasamahan na kita doon." napatingin siya sakin. "Oh, ikaw Caitlyn. Gawin mo na yung inuutos sayo ni Madam! 15 minutes nalang magstastart narin yung press conference. Bawal late doon! Kaya go!"
Nanlaki ang mata ko. Tama lang ba yung narinig ko?!
"O-Okay po." agad akong yumuko at tumakbo papunta sa hallway ng mga pintuan dito.
Shit, seryoso bang lilibutin ko 'tong floor na'to?!
Nandito palang ako sa lounge parang maliligaw na ko eh.
I sighed. Kaya ko 'to. Let's get it.
••••
9 minutes later..
7 na office room ang napuntahan at nasabihan ko na. Sa anim na kwarto marami ng staff kaya bali 10 tao na ang bumaba. Yun palang pero pagod na pagod na agad ako.
Ten out of thirty? Tapos 9 minutes na ang naubos ko. Matatapos ko kaya tong lahat?
Lumiko na ko dahil tapos na yung isang hallway ng office. Wow, ang saya.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...