▪47

565 27 162
                                    


Hoseok's POV

Nakarating na kami sa building at pinagdadasal ko na sana hindi nahalata na umalis kami ni Jimin.

"Hyung, anong sasabihin natin kapag natanong nila?" tanong sa akin ni Jimin.

I sighed. "Sabihin na lang natin na may binili lang tayo sandali sa labas. Hindi rin naman yata nila napansin, 'diba?"

He shrugged. Kinakabahan tuloy ako. Baka mas lalong ihiwalay ni Seoyeon si Caitlyn sa amin. Masyado na siyang nakikialam.

Bakit kasi siya pa naging manager? Sigh.

Pumasok na kami sa room kung saan kami nagpapahinga. Nadatnan namin na nakaupo si Taehyung at nakaakbay naman si Jungkook sa kanya.

Sa kabilang side naman si Jin hyung na nakatingin sa baba, habang pinapakalma naman siya ni Namjoon.

"Oh? Anong nangyari?" tanong ni Jimin pagkapasok namin. Jungkook sighed. "Si Hyung, na-stress na.."

Umupo naman kami sa sofa. Tumingin ako kay Jin hyung na hindi maganda ang expresyon sa mukha. He was glaring at the floor.

"Hyung, bakit kasi hindi mo nalang tanggapin--"

"Tanggapin ang alin? Na ako ang ama ng anak ni Yerin? Namjoon naman! Sa tingin mo maniniwala na lang ako ka-agad?!"

Sigaw ni Jin hyung sa kanya. "Paano mo naman nasabi na hindi ikaw ang ama hyung?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. "Oh? Hyung." saad ni Namjoon.

"Pero bakit, nung nagising ako pagka-umaga, wala na si Yerin o hindi man lang natin siya nakita kinabukasan ng gabing 'yon?" tanong ni hyung.

"Baka.. umalis na siya agad?" tanong ni Taehyung.

"Mga 5 minutes lang nakalipas noong dumating tayo sa pier. Paglabas ko naman ng kwarto, wala akong nakitang Yerin." tugon naman ni Namjoon.

Jin hyung shrugged his shoulders. "Kaya nga 'di ba? Hindi ako makapaniwala."

"Pero hyung, siguro mas mabuti na rin na supportahan mo sila. Dahil sa nakita naman natin na video... ikaw yung huli niyang kasama at ikaw rin ang masasabing ama nung bata."

Sabi ni Jimin sabay tapik sa likod ni hyung. "Hindi ko alam, Jimin. Nagdududa pa ako."

Bigla naman pumasok sa kwarto si Yoongi hyung. Lahat kami napatingin sa kanya.

"Anong meron?" tanong niya. Jin hyung scoffed. "Hindi mo alam kung anong meron?"

Sinubukan naman siyang pakalmahin ni Namjoon. "Oh. Okay." Yoongi hyung said.

Nakita ko namang umirap si Jin hyung. "Wow! Yoongi! Thanks for your concern ha!"

"Hyung." tawag ko sa kanya. "Oh? Bakit Hoseok? Kanina pa 'yan siya! Bakit hindi mo man lang kami pinagtanggol Yoongi?!"

He sighed. "Ano pa bang magagawa ko hyung? Ginawa niyo 'yan sa sarili niyo."

Tumayo naman bigla si Jin hyung at akmang susugurin si Yoongi. "Hyung!" awat namin sa kanya.

"Hindi porket ikaw lang dito yung walang problema, ikaw na yung tama."

"Sino bang nagsabi na wala akong problema hyung?"

"Kayong dalawa, kumalma nga kayo." sabi ko. "Hindi nakakatulong kung mag-aaway kayo."

Jin hyung sighed and rolled his eyes. Lumabas naman siya ng kwarto. "Hyung!"

"Jimin, hayaan mo na." pagpigil ni Taehyung sa kanya.

"Babalik na lang ako sa studio." Yoongi hyung whispered sabay lumabas na rin ng kwarto.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon