//////////////
Nakarating na kami ng payapa pero awkward parin dahil nakasiksik ako sa dalawang 'to. Bakit kasi kailangan pang ako sa gitna?"Oh here we are." ani Sir Jin at lumabas na ng kotse. Sumunod si Sir Taehyung dahil nasa front seat din siya. Samantalang kaming tatlo dito...
silence. mp4
"So.. Sinong bababa?" tanong ni Jungkook. "Ikaw na, ikaw bunso eh." sagot naman ni Sir Jimin. Napairap ako sa dalawa. Seriously? pati pagbaba sa kotse nagdedebate pa tong dalawa.
"Eh! Sino bang unang nakipagpustahan? Diba ikaw naman hyung? Bumaba ka na para malaman mo sino mananalo." Hindi ba sila naiinitan dito? Pinatay na ni Sir Jin makina masusuffocate kami dito ano ba!
"Bakit natatakot kang malaman na matatalo ka talaga dito no? Yan pusta pa more."
"Huh, ako? matatakot? Ang kinakatakutan ko lang naman ay pag dumating ang araw na mas matangkad ka na sakin." pangangasar ni Jungkook. Hoy! Mga depotek!
"Anong sabi mo-"
"Sabi ko pandak ka hyung!"
"Eh kaysa sayo? Laki ilong!"
"Pandak!"
"Laki din ng ngipin sa harap!"
"Supo-"
"SUPO-"
"ASHISHUSHU! Magsitahimik nga po kayong dalawa! Nandito pa ko oh. Kung walang bababa sainyong dalawa maiwan ko na kayo dito." awat ko. Baka kasi may masabi pa tong dalawa na di dapat marinig ng banal kong tenga.
"Ya! Ano walang balak bumaba? Baka balak niyong mag threes--msodmwo" ani Sir Taehyung kaso tinakpan naman ni Sir Jin kaagad ang maruming bunganga nito. "Bumaba na kayo! Habang may oras pa!" sigaw ni Sir Jin mula sa labas ng kotse.
Unang lumabas ng kotse si Jungkook. My gosh buti naman. Palabas na sana ako kaso biglang hinawakan ni Sir Jimin ang braso ko. "Caitlyn teka," humarap ako sakanya. "Bakit po?"
"Sorry samin kanina ni Jungkook. Ang immature namin." aniya. "Ah, okay lang po yun. Sige tara na." kaya lumabas na ko ng kotse at sumunod na siya.
Habang naglalakad kaming lima papasok sa mall ay lumapit saming tatlo at bumulong si Sir Tae. "So basically, talo ka na agad Jungkook. Nasa mall tayo ngayon. Hindi ibang lugar." aniya at ngumiti. "Oo alam ko hyung."
"Meaning nun tayo nalang Taehyung ang magtutuos kung sino ang makakasama ni Caitlyn gumala't lumabas." ani Sir Jimin habang nakaakbay kay Sir Tae. Napairap nalang ulit ako sakanila. Nandadamay.
"Jin-hyung, sino tinawagan mo kanina?" tanong ni Jungkook nang lumapit na kami kay Sir Jin.
"Ah yung may-ari ng arcade nitong mall. Nirenta ko yun. Bakit?" Sa sagot na yun ni Sir Jin ay napatigil si Sir Jimin at Taehyung sa paglalakad. So ibig sabihin-
"YES!" sigaw ni Sir Jimin habang tumatalon talon pa. Si Sir Taehyung naman ay parang nilayasan ng kaluluwa dahil nakatulala lang ito habang nakatayo.
"Anong yes yes ka dyan Jimin? Bakit?" tanong ni Sir Jin. "Wala hyung, nakakatuwa lang na nirenta mo yung arcade." aniya at lumapit kay Jungkook at Sir Taehyung. "Hindi buong mall, at sa ibang lugar." dagdag pa niya at tumingin sa dalawa na nakangisi.
Ang yabang naman ng pandak na to hirap na hirap namang akbayan yung dalawa-
"Ngi, okay. Tara na baka magbukas na yung mall." ani Sir Jin kaya pumasok na kami at nagpunta sa arcade. Di pa yata nagbukas ang mall dahil mga staff lang nito ang nandito. Kinausap ni Sir Jin ang nagbabantay sa arcade. Dahil nga idols sila pinayagan naman agad agad pero bilisan lang daw.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...