▪38

565 33 157
                                    


Caitlyn's POV

Nagising ako nang makaramdam ng sakit ng ulo. Parang hahatiin sa dalawa ulo ko ha. Ang sakit.

Dinilat ko ang mata ko at naramdaman kong may mabigat sa bewang ko.

My eyes widened nang marealize ko na may nakayakap sakin. Agad akong bumangon pero hinila niya ako dahilan para mas mapalapit at mahiga ako sa tabi niya.

"S-Sir, babangon na po ako." mahina kong sabi. He groaned. "Mamaya na."

I lowkey rolled my eyes. Bakit niya ba ako kailangang yakapin? Close ba kami?

"Sir, please."

Kumunot ang noo niya at bigla nalang akong tinulak kaya muntik na akong mahulog sa kama. "Aray tang--"

Tumalikod na siya sakin at natulog ulit. I sighed. "Thanks sa pagtulak." I sarcastically said. "Welcome." sagot naman niya. I scoffed.

Tumayo na ako para lumabas since alam ko wala ako sa kwarto ko. Nilalagnat nga pala ako. Kaya pala.

Papunta na sana ako sa pintuan nang sumakit nanaman ang ulo ko dahilan para mapahawak ako sa desk ni Yoongi. I stumbled and nahulog yung baso.

Napaluhod ako habang hawak ang ulo ko. Nahawakan ko naman bigla ang sahig kaya nasugatan ako dahil nabasag yung baso.

"What the-- Caitlyn! Wag kang gagalaw for fuck's sake!" He groaned. Nakita niya yatang nasugatan ako.

Hindi na ko gumalaw sa kinaluluhuran ko, wala na rin yung sakit ng ulo ko pero yung sakit ng palad ko aba, tangina.

May kinuha siyang gamit at yun ang ginamit niyang pang walis sa mga nabasag. Pagkatapos noon ay agad siyang lumapit sakin.

"Ayos ka na? Patingin nga ako ng palad mo." aniya pero hindi naman ako nagsalita kinuha niya parin yung kamay ko at tinignan.

"Shit, ang daming nakabaon." he sighed. My eyes widened. No way.

"Wait! Wag mong tatanggalin please." I pleaded. "Tanga ka ba? Anong gusto mo may bubog ka diyan sa palad mo habang buhay?" tanong niya.

"Tumawag ka nalang ng mag-aassist, natatakot ako--"

"Shut up. Just trust me okay?" he looked at me.

Hindi na ako sumagot kaya tumayo siya at kumuha ng first aid kit na nandoon sa kabinet ng banyo. Napansin ko na may suot siyang tsinelas. Samantalang ako, wala.

"Hindi tayo pwede dito." he sighed. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong buhatin papunta sa kama. Automatic na napahawak ako sa leeg niya kaya nahiya ako.

Dahan-dahan niya akong ibinaba. Agad din akong bumitaw sakanya. Gusto ko nalang mabaon sa lupa ngayon na.

Umupo na siya sa kama, sa harap ko at binuksan yung kit. "Kamay." aniya. Inabot ko naman ang kamay ko. Nagsuot na siya ng gloves at nakaready na rin yung mga betadine at band-aid sa gilid.

He sighed. "Kapag masakit, sabihin mo lang." I nodded. Pinapakaba naman ako nito tangina.

Hinawakan na niya yung maliit na tongs at sinimulang bunutin yung mga bubog sa palad ko. I winced in pain kaya medyo nagalaw ko yung kamay ko.

"S-Sorry." he whispered. I stared at him as he clean my wound. Hindi ko alam pero hindi na ako nakaramdam ng sakit.

Weird I know, but I suddenly feel safe.

Natapos na yata siyang gamutin dahil inukutan na niya ng gauze yung kamay ko. "Kailangan ba talaga 'yan?" tanong ko. Mahahalata kasi 'to. Patay.

"Syempre. Para hindi mainfect yang mga sugat mo." aniya at inayos yung kit. I sighed. "Paano kung tanungin ako kung anong nangyari dito?"

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon