▪24

724 35 98
                                    


Jungkook's POV

"Caitlyn, you are the cause of my euphoria."

Pagkabanggit ko noon ay nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Ganoon din ako. Shit nasabi ko yun?

"J-Jungkook, A-ah-"

"Ah noona sinasabi ko lang yung lyrics ng kanta ko. Hmm, oo nga! Ganda ba?"

Agad kong iniba ang topic. Natigilan siya kaya kinabahan ako. Halata na yata ako.

"O-oh? Syempre oo, ganda nga haha." awkward niyang sagot. Tumango nalang ako bago umiwas ng tingin. Puta anong nangyayari.

"Hoy kayong dalawa diyan, matulog na nga kayo. May shooting pa tayo bukas. Ikaw Kook, tulog na."

Sabay kaming napatingin kay Jin hyung habang nagsasalita siya. Malungkot akong tumango sakanya at nagpaalam na rin si Caitlyn noona pero tinawag ulit siya ni Hyung. Tss.

"Uh Cait. Teka lang. May sasabihin pa ko..." ani Jin hyung bago tumingin sakin at syempre alam ko na kung anong ibig sabihin niya.

Pasimple akong umirap. "Okay. Patulugin mo na rin si noona pagkatapos hyung." utos ko bago umalis at pumasok na ng kwarto ko.

Agad kong itinilapon ang sarili ko para mapahiga sa kama bago nag buntong hininga at tumulala sa kisame.

Ano kayang paguusapan nilang dalawa? Ganon ba yun kaimportante kaya kailangang silang dalawa lang magusap?

Wala sa sarili nanaman akong napairap bago tuluyang natulog na.

Caitlyn's POV

Pagkalabas ni Jungkook ay agad akong hinila ni Sir Jin para yakapin ako.

Nagulat ako syempre. Bakit niya ko niyayakap?

Hindi ko alam pero yumakap din ako pabalik. Matagal din bago siya bumitaw at humarap sakin.

"Thank you Caitlyn ha." aniya habang nakangiti at hinahaplos ng ulo ko. Nilakihan ko ang mata ko dahil nagtataka ako. Ano nanaman?

"Eh? Ano nanaman bang nagawa ko?" tanong ko sakanya kaya natawa siya. "Basta yun na yun. Thank you." mahina niyang sabi at hinahaplos parin niya ang ulo ko na syempreng nagpakalma sakin. Shit ang sarap- sa feeling.

"Oh sige na. Yun lang. Pahinga ka na, may shooting parin bukas eh." aniya habang hinawakan ang kamay ko para samahan ako pumunta sa kwarto ko.

Syempre sa bandang pintuan lang kami. Ano siya sineswerte? Charot.

"Pahinga na rin po kayo Sir. P-Pasok na po ako." paalam ko sakanya kaya tumango na siya at nag goodnight bago ako nakapasok sa kwarto.

Humiga ako pagtapos magayos ng sarili. At gaya ng nakasanayan. Nakatulala nanaman ako sa kisame ng kwarto na 'to.

Anong meron sa dalawang yun?

•••••

Lumipas rin ang ilang araw at natapos na rin ang shooting ng music video para sa Euphoria. Syempre tuwang tuwa sila lalo na ako dahil makakapagpahinga narin kami ng maayos.

"Thank you sa inyong lahat!" bati ng pito at lahat kami nagbatian na. Yuko dito, yuko doon. Nakakangalay pero deserve nilang lahat 'to dahil sa pagod nila.

Umuwi kami agad sa mansyon dahil sabi nila doon daw magcecelebrate ng success ng shooting. At syempre, nandoon ang lahat ng staff na bumuo ng Euphoria.

Maliban kay Miyen, kailangan niya muna daw kasing umuwi dahil kailangan siya ng parents niya. Sad.

"Cheers!" sigaw naming lahat habang hawak ang mga wine glass namin at ang iba naman canned beer.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon