T R I G G E R W A R N I N G :
Mention of violence/harassment. Please skip if you're uncomfortable with this topic and feel free to read if you don't mind.
You have been warned.
Enjoy reading my lovelies! ♡
______________________
Caitlyn's POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong humawak sa kamay ko.
Inayos ko ang upo ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong gising na si Hyesoo.
"H-Hyesoo! Teka tatawag ako ng doctor." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.
Agad akong lumabas ng kwarto namin at hinanap yung doctor niya. "Nasaan na ba kasi 'yon?"
Lumapit naman ako sa desk dito ng mga nurse. "Um, si Doc. Oh, po? Nagising na po kasi yung pasyente sa room 117."
"Okay po, tatawagin lang po namin. Hintayin niyo na lang po siya." ngiti niya. I nodded. "Salamat po."
I jogged towards our room nang biglang may nabangga ako. Nahawakan naman niya ako.
I turned to look at him, with wide eyes. Nakamask siya. "Caitlyn?"
I frowned. "H-Hoseok?" He nodded. Napatingin naman ako sa kasama niya and namumukhaan kong si Jimin 'to.
Sinubukan kong tawagan si Jimin gamit ang account ni Hyesoo baka sumagot at ayaw kong malaman nila Ma'am Seoyeon at PDnim na may contact pa ako sa pito. Pero kailangan kaya tinawagan ko na rin si Hoseok.
"Nasaan siya?" tanong ni Jimin. Tumango naman ako at hinayaan na sundan nila ako patungo sa kwarto namin.
Jimin's POV
Kinakabahan ako. Hindi pa ako handang makita ulit si Hyesoo, pero noong sinabi ni Hoseok hyung na nasa hospital siya, dali-dali rin naman akong nag-ayos. Sigh, Park Jimin.
Binuksan na ni Caitlyn ang pinto matapos niyang kumatok at pinapasok siya nung doctor.
Agad ko namang tinignan si Hyesoo. She looks so pale. Nanlaki ang mata niya nang mag-tama ang mga paningin namin.
"Oh, Ms. Cait! And visitors." ngiti sa amin ng doctor. "Nasabihan ko na si Ms. Hyesoo kung anong kailangan niyang itake at yung mga maintenance niya. Paparating na rin dito yung lunch. Kailangan niya na kumain." dagdag niya.
Caitlyn bowed at him. "Maraming salamat po Doc." He smiled. "Sige, maiwan ko na kayo."
Yumuko naman kami sa kanya at lumabas na siya ng kwarto. Lumingon ulit ako kay Hyesoo. Hindi siya tumitingin sa'kin. Guilty siya 'no?
"Hyesoo, ayos ka na ba?" tanong ni Caitlyn sa kanya at umupo sa tabi ng kama niya. Matamlay na tumango si Soo.
"Makwe-kwento mo ba? Kung bakit at anong nangyari sa'yo?" tanong ulit niya. She looked at me, at bumalik ang tingin niya kay Cait. "Oo."
"Kung hindi mo pa kaya Hyesoo, okay lang naman." sabi sa kanya ni Hoseok hyung. Umiling siya. "Hindi, k-kaya ko pa naman."
Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig. Agad ko itong inabot sa kanya. "Oh, uminom ka muna."
She stared at me. I sighed. "Sige na."
[ ⚠ ]
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanficWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...