Caitlyn's POV"Ah, opo. Sige po sasabihan ko nalang si Ma'am. Opo. Salamat." agad kong binaba ang telepeno dahil baka dumating agad si Miyen dito sa kwarto. I sighed.
"Argh, naiistress na ko." I whispered while holding my head.
"Well, kung sinabi mo agad sakin edi natulungan kita."
My eyes widened. Tumalikod ako at nakita ko si Miyen na nakasandal sa pintuan namin. Sinarado niya ito at lumapit sakin. "Ikaw ha." hinampas niya ko.
"Wag ka ngang magsikreto sa amin Cait. Kaya naman kitang tulungan eh. Humingi ka ng tulong sa akin o sa ibang staff." dagdag niya.
Umiling ako. "Kaya ko naman. Tsaka, sorry kasi hindi ko sinabi.. Sa tingin ko kasi dapat ako lang gumawa nung inutos ni Ma'am."
"Ya, bakit nga pala lahat nalang ng inuutos ni Ma'am Seoyeon sayo is sinusunod mo ka-agad? Akala ko wala yun sa contract mo bilang personal assistant ng BTS?"
Nanlaki ang mata ko. "H-Huh?"
"Teka lang, hindi mo alam?!" she asked, shocked.
Hindi nga pala niya alam na may kontrata rin ako kay Ma'am. Argh, paano ba 'to?
"A-Ah, alam ko." I stuttered. She sighed.
"Well, hindi naman masama as long as hindi alam ni Mr. Bang." she chuckled. Ngumiti ako pero pilit.
"Matulog na tayo. Marami pa yang hanash si Ma'am bukas para sa paghahanda ng birthday ni JK. Tara na?" aniya at tumango ako.
Nakahiga na kami at sa tingin ko nakatulog na rin si Miyen. Habang ako naman hindi. Ang dami kong naiisip. Sigh.
Yung higaan namin malapit sa maliit na terrace na meron dito sa kwarto. Bongga mga hotel dito sa Las Vegas.
Napansin kong maliwanag ang buwan. Ang ganda.
Bumangon ako nang dahan-dahan baka magising si Miyen. Lagot ako diyan.
Dahan-dahan ko ding binuksan yung pintuan papunta sa terrace. Agad na sumalubong sakin ang hangin dahilan para mapangiti ako.
I stared at the full moon. Hindi ko alam pero may naalala ako. Hindi ko naman maalala kung ano talaga 'yun. Gulo ah.
Kita rin dito yung ganda ng city. Grabe. Pwede na akong hindi matulog. Ang sarap titigan ng mga ganito.
I smiled. Napatingin ako sa kaliwa ko at napansin kong lahat ng kwarto may terrace din. Syempre.
Napatingin naman ako sa kanan and my eyes widened.
"Yoongi..." I whispered.
Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. "Argh!"
"Caitlyn?!"
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...