▪10

945 41 56
                                    

///////////////

Nagising ako dahil sa bigat na nararamdaman ko bandang ulohan ko.

Unti-unti ko lang idinilat ang aking mata dahil medyo inaantok pa ko. Naramdaman kong medyo magalaw na ang sasakyan. Naramdaman ko ding nay nakapatong sa ulo ko. Tinignan ko at si Sir Hoseok lang naman pala. Nakatulog pala ako sa balikat niya at nakatulog naman siyang nakapatong din ang ulo niya sakin.

"Sir Hoseok.." sabi ko habang ginigising siya.

"H-huh?, Oh. Gising ka na pala. Hehe." aniya sabay kamot ng ulo niya. Namumula ang tenga niya. Aww nahihiya ba siya?

"Ah opo. Nasan na tayo?" tanong ko. "Buti nga nagising pa kayong dalawa dyan. Feel na feel niyo isa't isa eh." pangaasar ni Sir Seokjin. Di ko naman alam, pagod yata ako?

"Hyung naman, sana ginising niyo na kami. Nandito na pala tayo." sabi ni Sir Hoseok habang tumitingin sa paligid. Napansin kong wala na si Manager Sejin at yung driver dahil lumabas na daw sila.

Kasama syempre si Sir Yoongi.

"Oh tara na kunin na natin mga gamit." ani Sir Namjoon at isa isa na silang lumabas ng sasakyan. Nang makababa na sila ay nakita kong hinintay pa ko ni Sir Taehyung para alalayan akong bumaba.

"Ay, Thank you po Sir." pagyuko ko. Ngumiti naman siya kaya pumunta na ko sa bandang likod ng sasakyan para tulungan sila Sir Jimin at Jungkook magdala.

"Ang init naman dito.." reklamo ni Sir Jimin. "Malamang nasa beach tayo." sagot naman ni Sir Hoseok.

"B*tch?"

Sabay sabay kaming napalingon kay Sir Taehyung dahil sa sinabi niya. "Beach kasi Tae." pangkocorrect naman ni Sir Namjoon. Tumawa nalang kaming apat dahil sa nasabi ni Sir Taehyung.

"Kunin ko na po yung payong." paalam ko at kinuha ang dalawang payong na nakita ko para payungan sila. Yun ang trabaho ko eh.

Pinayungan ko sila Sir Jimin at Jungkook at sa kabila naman sina Sir Hoseok at Sir Jimin. Sila Sir Namjoon at Jin kasi nauna nang pumasok sa hotel. Si Sir Yoongi kanina pa nauna. tss.

"Caitlyn okay ka lang dyan?" tanong ni Jungkook, kasi naman dala ko pa ang bag ko at itong dalawang payong. "Oo naman. Kaya ko po to." ngiti ko. "Sure ka dyan ha?" ani Sir Jimin. "Oo nga poo~ Tara na."

Habang naglalakad kami palapit sa hotel ay naramdaman kong bumibigay na ang braso ko dahil sa bitbit ko. Napansin yata ito ni Sir Taehyung kaya kinuha na niya ang payong nila sakin.

"Ako na magdadala nito, sige na." aniya sabay hinawakan ang payong. "Ay hindi Sir ako na po-"

"Akin na." aniya. Luh ngayon ko lang siya nakitang ganito ka seryoso. Nakakatakot actually.

"Uy Taehyung relax." sabay tawa ni Sir Hoseok. "Sige na Caitlyn amin na." at binigay ko na sakanila. Grabe ang possessive naman ni Sir Taehyung, sakanya kasi yung payong HAHA charot.

Nakapasok na kami ng hotel at inalam ang kwarto. Nakita namin sila Manager Sejin sa hallway kaya nilapitan namin ito. Kasama niya din si Sir Yoongi, Jin at Namjoon.

"So ito guys, mga susi to ng kwarto. Napagisipan naming ihiwalay si Caitlyn dahil babae siya. Solo niya ang isang kwarto." sabi ni Manager Sejin. WOW! Solo ko yung isang kwarto?! Grabe naman nakakahiya sila nagbabayad nun hindi ako.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon