▪12

851 41 68
                                    

/////////////////

*ding dongg*

*ding dongg ding dongg ding dongg*

*diNGG DONGG DING DONGG* *TOKTOKTOK*

Agad akong nagising sa tunog na yun. Ano yun?!

*ding dong*

Lumapit na ko sa pinto ko ng marealize na doorbell ko yun galing. Anong oras na bat may mangigising pa sakin ng ganitong oras?! alas tres ng umaga?!

Pinagbuksan ko ng pinto yung nagwawala sa labas at nagulat akong si Sir Taehyung pala yun. Anong ginagawa niya at nagiingay siya dito?!

"Sir Tae--" hindi na ko nakapagsalita dahil hinila nalang niya ko bigla palabas ng kwarto ko, buti nalang nasarado ko ito.

Hila hila niya ko habang tumatakbo papuntang beach. Bakit kami bumabalik dito?! Lamig na lamig na nga ey. Itinuro niya yung banda dun malapit sa dagat at nashook ako dahil may mat dun at ilaw.

"Mukhang naalimpungatan ka pa yata. Sorry ha. Di kasi ako makatulog. Ang likot pa ni Jungkook matulog. Kaya naisipan kong lumabas muna dito kasama ka." aniya. Luh? Bakit ako?

"Ah, okay lang po yun Sir.." ani ko with matching hikab pa. Grabe ang tibay naman ni Sir Taehyung.

Umupo muna kami sa mat na nakaready na dito. "Saan galing to Sir?" tanong ko. "Ah hinanda ko muna to syempre bago ka pinuntahan. Para di makaabala." ngiti niya. Wow, oo nga di ka nakaabala Sir.

Tumango nalang ako at napatingin sa dagat. Ang lakas ng mga hampas ng alon ngayon. Kaya sobrang ingay ng paligid. Syempre malamig din. Kaya nanginginig ako ngayon. Feeling ko sinisinat ako. Kanina pa masama pakiramdam ko..

Tahimik lang kaming dalawa ni Sir Taehyung habang nakatulala. So pumunta lang pala kami dito para makipagtitigan sa dagat ganon? Kailangan ba namin magpaunahan makakita ng dolphin na umahon?

Naramdaman kong pumipikit na ang mata ko pero pinipilit kong ibuka. Nakakahiya kay Sir. Ang lamig argh sana nadala ko naman jacket ko.

Niyakap ko ang sarili ko. Napatingin sakin si Sir Taehyung at nagtingin tingin sa paligid. "Teka lang." aniya saka tumayo. Luh ano iiwan mo ko dito?!

Hindi ko na siya sinundan ng tingin kasi antok na antok na ko. Naramdaman kong uminit bigla at nawala ang unting lamig na nararamdaman ko. Yun pala nilagyan ako ni Sir ng kumot na maliit. Parang tinaklob ganon.

"Sorry nakalimutan kong ipadala sayo jacket mo. Meron naman dung kumot sa shed. Kaya ito nalang." aniya. Okay ang sweet, pero di ako sanay. Wala pang lalaking gumawa sakin nun.

Namula ako ng unti. Sinong di kikiligin? Sir Kim Taehyung? Tatakluban ka ng kumot dahil nakita niyang nilalamig ka na? Plus gwapo points.

Inilabas niya ang dalawang bote ng Soju galing sa basket na katabi niya. Iinom kami?

"Oh sayo yang isa. Iinom nalang tayo para dalawin ng antok."aniya. My ghad Sir, kanina pa po ako inaantok.

"Para may sense naman pagsama mo sakin dito. Maglalaro tayo." aniya. Napatingin ako sakanya. "Salit-salitan tayong iinom nito, para fair. At habang ginagawa yun. Ikwekwento mo buhay mo. Para mas makilala pa natin ang isa't isa." ngiti niya. Naks, getting to know each other stage na kami.

"Ah sige po." ano bang ikwekwento ko dito? "Bato-bato pik muna kung sino mauunang magkwento at uminom." aniya. Luh bata lang?

Nagbato bato pik kami at nanalo siya. Lagi naman kasi akong talo sa laro na 'to. "Okay ako unaaa~" aniya na may pasayaw sayaw pa. Uminom siya sa bote at saka nagsalita. "So yun, Kim Taehyung name ko. 21 years old. December 30 pinanganak. Sa Daegu. Ah, yun lang muna haha." aniya. Wow December 30?

"Wow Sir Dec 30 ka pala?" ani ko. "Yeah pero si Jin hyung nauna. December 4 siya eh." Oh talaga?! Bakit di ko alam yun?

Ah kasi bago pa nga lang diba.

"Oh ikaw naman." aniya. Kaya ininom ko ang hawak kong Soju saka nagsalita. "Park Caitlyn, 20 years old. Uhm.. February 19 pinanganak--"

"February 19?!?!" sigaw niya. Luh gulat na gulat?! "Opo sir bakit?" "Kabirthday mo si Hoseok hyung!!" aniya habang nakangiti. Wow!

"Talaga po?" Ang galing naman nun. "Oo kaso February 18 siya." aniya. "Edi pano ko po siya naging kabirthday?" nakapoker face kong tanong.

"Magkasunod naman kayo ng araw ah? Ganon parin yun!" aniya habang binigyan ako ng 'duh' face.

Dahil sa tingin niya tinignan ko rin siya ng 'oo-nga-pero-magkaibang-araw-yun-gago-ka-ba' face. Natawa nalang siya. Nye.

"Wag na nga tayo maglaro nito. Kung may kwento ka nalang sabihin mo na." aniya. Bigla kong naalala yung nangyari samin ni Hyesoo bago pumasok sakanila.

yung dalawang pandak na yun!

"Ay ayun! Sir may nangyari pala nun bago ako makarating sa mansyon niyo." ani ko at tumingin siya sakin. "Muntik po kasi akong masagasaan--"

"HA?! ANO?!" sigaw nanaman niya. "Ano ba sir teka lang di pa nga tapos eh gg ka naman masyado." ani ko. "Sabi ko nga, so ano nangyari? Bakit buhay ka pa?" tanong niya. Aba'y gago to ah--

"Luh sir naman!" hinampas ko siya. "Joke lang, hehe" aniya. "So yun po, nagsisintas lang naman ako ng sapatos ko tapos yung sasakyan na muntik makabangga sakin ang sisiga! Kala mo naman katangkaran!" gigil kong sabi.

"Bakit matangkad ka ba?" aba kanina pa to ah. "Joke lang sige tuloy mo na." aniya.

"Hmp. Tapos po yung isang lalaki lumabas ng kotse nagalit tas pinagmumura ako! Kala mo naman kung sino!" naiirita talaga ako pag naaalala ko yun. "Sino nga ba sila?" tanong niya.

Yan nga rin ang gusto kong malaman para matahimik na ko. Sino ba yung dalawang yun? Lalo na yung isa na nagalit at pinagmumura ako. Sarap katayin eh.

"Di ko nga kilala sir kasi nakamask sila tas taklob na taklob katawan. Feeling kpop idol amp." ani ko.

Nakita kong natigilan si Sir Taehyung. "Talaga?" sabi niya. "Opo sir. Pag naalala ko nga yun naiinis nalang ako bigla."

"Hmm..Okay lang yun. Malalaman din natin kung sino yung mga yun. Sa ngayon pumasok na kaya tayo? Inaantok na rin ako." Same, naubos na namin yung Soju kaya dinalaw na to ng antok. Buti namaan.

Tumango ako kaya tumayo na kami pero ewan ko ba bakit ayaw na ayaw sakin ni Earth dahil natalisod ako sa bato na naka angat pala dito sa ilalim ng mat. "Ay!"

Nahawakan ako bigla ni Sir Taehyung kaso dahil nabigatan ko sarili ko kaya napasama siya sa pagtalisod at ang ending ayun, nahulog kaming dalawa.

Medyo weird position namin ngayon dahil inangat ako ni Sir bago kami mahulog ng tuluyan para siya ang pumailalim. "Aray.." banggit naming pareho. Napatingin ako sakanya at ganon din siya. Ang ganda naman pala ng mata nito. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa naramdaman kong bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Taehyung hyung?! Caitlyn!?" Napatingin kami pareho sa nagsalita. Si Jungkook!

"What the.." ani Sir Jin nang makita kami. Narealize namin ang sitwasyon kaya bigla akong tumayo para makatayo na din si Sir Taehyung. putangina ano na to.

"Caitlyn ayos ka lang?" tanong ni Sir Tae, bakit ngayon lang to nagtanong? "Opo. Kayo po?" tumango naman siya.

"Lumabas lang talaga kayo para magharutan dito? Isa kayong stupid mother fucker." ani Sir Jin.

"Hyung naman natalisod lang kami kaya ganon." pag amin ni Sir Taehyung. "So kailangan pag natalisod may position? Sinong nasa taas? At sinong sa baba?" tanong naman ni Jungkook.

"Mga Sir kasalanan ko po yun. Di po ako nagiingat. Pasensya na po." yumuko ako para magsorry. "Hay, okay na. Pumasok na kayo sa loob at kailangan pa nating magpahinga." ani Sir Jin. Kaya pumasok na kami sa hotel at umakyat papuntang mga kwarto namin.

"Goodnight Caitlyn." sabay sabay nilang tatlo sabihin at saka nagtinginan sa isa't isa. "Goodnight po." yuko ko. Pagtayo ko nakita kong nakatingin sakin si Sir Taehyung at pilit na ngumiti bago pumasok sa kwarto nila.

Humiga ako sa higaan at napabuntong hininga. Bakit ganon yung tingin niya sakin kanina? Bakit ang tagal?

at bakit, kinikilig ako?

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon