//////////////Taehyung's POV
Pauwi na kami at ako yung nagdadrive. Tahimik kaming tatlo kanina pa kahit nung iniwan kami nila Jin hyung at Caitlyn sa arcade.
"Magdadayoff muna si Caitlyn for 2 days. Kailangan niya muna yun. At kayong tatlo, kakausapin ko kayo."
"Lalo ka na Jimin."
Kanina ko pa iniisip yung sinabi ni Hyung samin kanina. Ano bang nangyari? Bakit ang bilis naman, naguguluhan ako.
"Jimin." tawag ko rito habang nakafocus parin ang mata ko sa kalsada. "Oh?"
"May alam ka ba kung bakit tayo kakausapin ni Hyung mamaya?" tanong ko. Hindi sumagot si Jimin at tumingin lang siya sa bintana. Aba- Galit ba 'to sakin?
"Malamang V hyung may alam yan, siya nga may kasalanan nitong lahat eh." sagot ni Jungkook mula sa likod. "Eh? Yung pustahan ba 'to?" medyo nagegets ko na.
"Oo hyung jusko ngayon mo lang ba nagegets? Diba nagalit si Jin hyung nung marinig niya yun. Bakit kasi naisipan pa ni Jimin hyung eh." aniya. May mali ba sa pinagpustahan namin?
Ah yung kasama yata si Caitlyn.
So bakit magagalit si Hyung dun? Selos ba siya-
"Akala mo naman di siya nakipagdeal sakin sa pustahan na yun." tugon ni Jimin pero hindi parin siya humaharap samin. "Alam niyo tumahimik nalang kayo. Kakausapin naman tayo ni Jin-hyung mamaya. Maayos din 'to." ani ko at humarap sakanila panandalian.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho ng mabuti hanggang makarating na kami sa mansyon. Unang bumaba si Jimin at hindi man lang nagpaalam saming dalawa.
"Tignan mo, siya pang galit." sabi ni Jungkook habang nakatingin sakanya ng masama. "Tama na. Tara na kook." aya ko at saka bumaba na kami't pumasok sa mansyon.
"Oh Jimin! Nasaan si Seokjin hyun-" Hindi na natuloy ni Hoseok hyung yung tanong niya dahil nilagpasan lang siya ni Jimin at umakyat. "Ya anong problema nun ha?" tanong ni Yoongi hyung. "May topak ang gago." dagdag niya.
"Si Jin hyung? At si Caitlyn?" "Hinatid niya muna si Caitlyn sa apartment niya." sagot ko kay Namjoon hyung. Nanlaki ang mata nilang tatlo. "Huh? Bakit?!" gulat na gulat naman tong si Hobi hyung.
"Si hyung na daw mageexplain paguwi niya." sagot naman ni Jungkook. Tumango nalang sila at nagpatuloy na kami sa panonood at kumain.
Narinig naming may dumating na at assume namin si Seokjin hyung na yun. Pinagbukas ni Jungkook ito ng pinto, "Oh, nandito na kayo." aniya saka lumapit sa tatlo at nag bro hug. Napanguso nalang si Jungkook dahil di man lang ito pinansin pagkadating. Kahit ako.
"Si Jimin?" tanong nito kay Yoongi hyung. "Umakyat, di man lang nagsalita ang siraulo. Ano problema nun?" sagot niya. "Tsk. Kakausapin nating anim yung bata na yun- Tayong apat lang pala..." aniya saka tumingin saming dalawa ni Kook.
"Kakausapin natin ang maknae line. Kailangan silang bigyan ng leksyon." dagdag ni Jin hyung. "Explain ko na din kung bakit wala si Caitlyn dito for two days." Nagulat silang tatlo. Gulong-gulo na din sila tulad ko.
"Sana naman maayos na 'to." bulong ni Jungkook sakin habang naguusap ang apat.
"Sana nga."
Caitlyn's POV
"Sana nga." sagot ko kay Hyesoo. Kausap ko siya ngayon dahil tinawagan ko siya at inexplain sakanya ang nangyari. Pumunta siya dito sa apartment ko, at umiyak nanaman ako sakanya. Nakakainis na, napakaiyakin ko.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...