///////////////BEEEEEEEEPP/
"CAITLYN!"
Nakapikit na ko at handa nang mamatay. Pero di ko naman naramdaman na mabangga hanggang sa napadilat nalang ako at nakita kong may lumabas mula sa kotse.
"Ya! Magpapakamatay ka ba ha?!" galit na sabi nung lalaki. Halata naman sa boses niya na lalaki siya.
"Sorry naman kuya noh? Galit? Ikaw na nga tong muntik makasagasa ikaw pa tong galit." ani ko.
"Caitlyn tara na." pagaya ni Hyesoo sakin. Pero di ako sumagot. Sobra naman kasi tong lalaki na to, Oo may mali din ako pero pwede namang pag usapan ng maayos diba? Bakit kailangan niya pang sumigaw? Bakit siya galit?!
"Hyung," tawag sakanya nung isa pa niyang kasama sa kotse. Magkasing tangkad lang sila. Puro lalaki. Tss.
"Sa susunod miss wag tatanga tanga ha? Sino ba naman kasing gaga ang titigil sa gitna ng isang kalsada para lang may gawin kung ano man yang ginagawa mo." seryosong sagot nung lalaki.
"Teka lang kuya ha? Grabe ka naman yata makapagsalita?! Minura kita?! At saka di ko naman inakala na may mga dadaan pa ditong mga sasakyan dahil tago tong lugar na to." ani ko.
"Tara na nga sabi eh." Kanina pa nagpipilit si Hyesoo na pabayaan nalang silang dalawa roon, Pero hindi eh binastos ako diba? Minura ko ba siya? Papatalo ba ko?
"Hyung, Wag na nating ubusin yung oras natin para lang sa babae na yan. Nakakasira ng araw." ani ng katabi niyang lalaki. Kung makapagsalita kala mo naman katangkaran at nakakabuo ng araw mga pinagsasabi nila.
"Wow, Hiyang hiya ha? Sino bang nangunang magalit at magmura dito? Ako? ako? diba yang kasama mo naman?!" Naiinis na ko ha.
"Miss di mo kilala kinakausap mo." sabi nung pandak actually pandak silang dalawa nakakairita.
"Syempre! Nagpakilala ba kayo?"
"Mas magandang wag mo nalang kami kilalanin. Tara na Hyung." aniya at hinila yung kasama niya papasok sa kotse.
"Ha! Tignan mo Hyesoo oh?. YA! DI PA TAYO TAPOS MGA GAGO!" sigaw ko. Di ko na talaga kaya.
"Tsk. Warfreak." sabay pumasok na ito sa kotse at pinaandar paalis.
"Ya! Hindi-
"Caitlyn! Tara na nga ano ba!" Halatang naiinis na si Hyesoo sa mga nangyayari. Pati din naman ako.
"Hyesoo narinig mo ba pinagsasabi ng mga hayop na yun sakin?! Inaano ko ba sila?!" Totoo naman. Di ko talaga alam na may mga sasakyan pang pwedeng makapasok dito dahil malayo at tago ito. Maliban nalang kung sila may ari ng lugar na to. Di ko din alam.
She sighed. "Alam mo Caitlyn di naman aabot sa ganun kung di mo pinatulan eh." ani Hyesoo. May point din naman siya kaso dahil sa sobrang inis ko lang talaga nagawa ko silang patulan.
"Pasalamat nalang sila na hindi ko kita mga mukha nila dahil naka mask sila at sumbrero." Mga mata lang nila na di pa masyadong halata yung nakita ko. Buti nalang talaga di ko talaga maalis itsura ng mga yun sa utak ko kung sakali.
"Hays. Tara na nga 8 na oh. Late na tayo nakakahiya kay Tita." Oo nga pala letche.
I sighed. "Nasira pa araw ko bago pa makapunta doon nakakainis."
Nang makarating na kami doon sa sinasabi ni Hyesoo ay nagulat ako. Ang laki ng bahay. Totoo nga yatang artista ang may ari nito.
"Ang laki naman yata masyado nito Soo?" tanong ko.
"Ewan ko. Basta dito yung sabi ni Tita."
"Magdoorbell ka na."
/toktok/
"Sabi ko magdoorbell di kumatok."
"Eh sayang kuryente mas maganda pang kumatok." sagot niya. Kahit kailan talaga.
"Sino nariyan?" sigaw yata yon ng Tita ni Hyesoo.
Sasagot na dapat si Hyesoo pero bumukas na ang pinto. "Hyesoo! Hija~" yumakap ang matanda at yumakap din naman pabalik si Hyesoo. Nao-OP na ko.
"Oh pasok kayo dali~ Kakarating lang din ng mga amo ko" Nakangiting tugon ng matanda.
"Salamat po." sabay naming bati at umupo. Damn ang lambot ng sofa. At ang laki ng sala. Nakaloka na talaga. At... Ang haba ng hagdan wtf.
"Ah ako nga pala si Jihyeon. Matagal na talaga akong nagtatrabaho sa kumpanya ng mga amo ko pero 4 na taon palang nila akong assitant at yaya na rin dahil matanda na ko. Ako ay kuwarenta na at hanggang 40 na taon lang ang pwede sakanila." tugon ni Jihyeon-eonni.
"Oh. Ganon po ba." ani Hyesoo. "Nga pala po Tita tinawagan ko na po diba kayo kahapon tungkol nga po dito sa trabaho." dagdag niya.
"Oo hija. Siya ba yung papasok na sinasabi mo?" turo sakin ni Jihyeon-eonni.
"Ah oo nga po ako po." ngiti lang Caitlyn. Ngiti.
"Gandang bata naman ire." bati niya.
Jusko, pagod na kong marinig ang mga salita na yan charot. "Ah salamat po eonni."
"Anong pangalan mo hija?"
"Ah, Park Caitlyn po."
"Oh nice to meet you Caitlyn. Sana maging maayos yung trabaho mo kahit na medyo mahirap pero ayos lang naman." nakangiting tugon niya.
"Ah salamat po Eonni-
Naputol ang pagsasalita ko dahil sa boses na nangagaling yata sa taas.
"Noona?! geogi nuguya?! (Who's there?!)"
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanficWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...