▪22

718 40 63
                                    

••••

Jimin's POV

Nakita ko na biglang binilaukan si Caitlyn kaya inabot ko agad ang tubig na nasa tabi niya.

"What the- Caitlyn ayos ka lang?" nagaalala kong tanong sakanya. Bakit naman kasi siya mabibilaukan?

Totoong maganda naman talaga siya.

"Wa-wala Sir. Sige na po kain na kayo." aniya sakin habang iniiwasan nanaman akong tignan.

Grabe, hindi naman ganito ang Caitlyn na nakilala ko dati.

Caitlyn's POV

Matapos mapahiya sa harap ni Jimin ay umalis na kami para makauwi na dahil sabi niya ay ngayon din daw ang shooting ng music video ni Jungkook. Well kasama din sila.

"Solo ni Jungkook?" tanong ko. "Oo. Tulad sakin, yung Serendipity. Comeback trailer ko yun para sa Love Yourself: Her album namin diba?"

"Ah, oo nga. So ganoon din yung kay Kookie?" tanong ko ulit. Boomerang ako ghorl.

"Hmm, pwede na din. Tara na baka maiwan na tayo." aniya at kinuha nanaman yung kamay ko saka tumakbo. Malapit narin kasi kami sa mansyon.

"Excited na ko."

Hoseok's POV

"Wala pa talaga as in?"

Tanong ko kila Seokjin hyung at Jungkook dahil anong oras na wala padin si Jimin. Sabi niya susunduin niya lang si Caitlyn. Anong oras na? Siya nalang yata yung hindi nakukulayan ng buhok dito.

"Ang bagal naman ng pandak na 'yun." ani Yoongi kaya natawa ako.

"Narinig ko yun!"

Napalingon kami sa nagsalita. Si Jimin!

"Taray mo Yoongi hyung ha. Tangkad mo pre." sabi naman ni Jimin kay Yoongi habang umakbay. Yung dalawang 'to kung mag away akala mo magjowa eh.

"Jimin," ani Yoongi saka tinanggal ang pagkaakbay nito sakanya. "No homo bro. Ang clingy mo para kang tanga." dagdag niya. Sus.

"Arte mo! Oh nandito na si Caitlyn. Cait!" tawag niya at lumingon kami sa gilid at nakita ko nalang na biglang tumakbo papunta sakanya si Taehyung at Jungkook.

"CAITLYYYNNN!!!" sigaw ng dalawa at saka yumakap. "Aray! Teka guys-"

"Gago 'di makahinga yung babae chill muna kayo!" sigaw ko sa dalawa hanggang sa bumitaw na sila. Napabuntong hininga si Caitlyn ng malalim bago lumapit saamin.

"Grabe naman kayo. Ilang araw lang naman po akong nawala haha." ani Caitlyn saamin.

"Dalawang araw lang to be exact. Ang OA niyo kung makahug. Si Caitlyn lang naman yan." rinig naming sabi ni Yoongi habang nakahawak sa cellphone niya at hindi man lang tinignan o nilapitan yung babae.

"O-oo nga..." nauutal na sagot ni Caitlyn. Kingina naman ni Yoongi bakit ganoon naman yung pagsasalita niya?

"Uh, Sir Jimin. Pakulayan niyo na buhok niyo. Para makapunta na po tayo sa venue nung shooting." aniya. Halatang pilit siyang ngumiti saamin. Yumuko siya bago nagpaalam na may kukunin lang at lumabas siya ng dressing room namin dito sa mansyon.

"Hyung, kita mo ginawa mo?" galit kong sabi sakanya. "Parang naiiyak na siya kanina eh. Hindi mo man lang winelcome yung assistant natin."

"Para saan pa Hope? Seryoso, para kayong mga tanga ngayon. Mauuna nalang ako sa lugar na yun." aniya at saka umalis.

Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon