//////////////////Habang naglalakad sa hallway ay di ko mapigilang maself-conscious dahil tingin ng tingin sakin ang mga nadadaanan kong tao. Like guys kalma ako lang to charot.
(A/N: Look ni Caitlyn guhyas. ♡)
Tinali ko nalang ang buhok ko dahil ang init duh bahala na.
Nakita ko na ang pito na nagsama sama sa shed dahil bumili nga pala si Sir Yoongi ng makakain. Gutom na mga to panigurado dahil kanina pa sila sa dagat.
"Nandito na po ako mga Sir."
Tumingin sila sakin at bahagyang napanganga si Sir Namjoon, actually silang lahat. Luh?
"Wow, bagay pala sayo yan Cait eh!" ani Sir Taehyung. "Kaya nga buti nalang binili din namin yan." sabi din ni Jungkook na nakatingin sakin. Okay? Nakakailang na mga tingin nila. Buti pa si Sir Yoongi tumingin lang sandali tas tinuloy nalang pagkain niya tas 'tong 6 titig na titig, tama na ghorl.
"Kaya nga eh, Galing niyo pumili haha." ani ko. Awkwarddd. "Oh sige na guys balik na tayo sa dagat magsusunset na oh! Tara na!" pag aya bigla ni Sir Hoseok. Buti naman at nakinig sila jusko. "Ah sige po mauna na po kayo dun. Susunod nako." tumango sila at nagsitaktbuhan papuntang dagat na parang mga bata muntik pang madapa si Sir Jimin.
"Bagay sayo yang damit."
Napatingin ako kay Sir Yoongi na nagsalita. Wait siya ba talaga nagsabi nun? Ako ba kausap niya?
"Sir?"
"Sabi ko bagay sayo yang damit." pagulit niya. Okay potangina teka muna, kailan pa naging ganito si Sir Yoongi at bakit niya to sinasabi?
"Aw ganon po haha, salamat." at yumuko ako. Ayos lang ba siya?
"Oo nga, wag ka nang magbihis ha? Yan nalang suotin mo palagi. Dyan ka lang nagmukhang maayos." sarkastikong sabi niya. Halata sa tono niya yung sarcasm. Sabi ko na nga ba ayos lang siya.
"Eh." yan nalang talaga nasabi ko bago matawa ng pilit. Corny magjoke tss.
"Caitlyn! Yoongi hyung! Tara na dito!" sigaw ni Sir Taehyung samin. "Sir sasama ka po ba?" tanong ko kay Sir Yoongi. "Oo pero di ako magbababad sa tubig." aniya sabay tumayo at pumunta sakanila. Taray iniwan ako dito. Napairap nalang ako sa kawalan at sinundan siya.
"Tara Yoongi hyung laro tayo~" nakangising sabi ni Sir Jimin. "Tigil-tigilan mo ko Chim, ayokong maligo
Dito lang ako sa buhangin uupo. Kayo na dyan." aniya. "Grabe ang KJ!" sagot ni Sir Jimin sabay pout. Aww."Caitlyn halika dito" ani Sir Hoseok at hinila ako papuntang tubig. "Teka Sir ang lamig aH!" sigaw ko. Ang lamig kaya nung tubig! Palubog narin kasi yung araw eh arghh. "Di yan pag nagstay ka lang dyan o maghilamos ka. Mawawala din yan." aniya. Alam ko naman yun di po ako bata Sir Hoseok wag ako charot.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
Hayran KurguWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...