///////////////Noona?! geogi nuguya?! (Who's there?!)"
Napalingon kaming tatlo sa kung kanino nangaling yung boses at tanong na yun.
"Ah Kookie-ah~ gising ka na pala?" bati ni Jihyeon-eonni at tumungo lang yung Cookie daw.
"Cookie?" Nagutom ako don ha.
"Aish noona sabi ko sayo wag mo kong tatawagin ng ganyan pag may tao." sabay pout nung Cookie. UwU cute naman pala.
"Haha sorry my bad, nga pala Kook. Better introduce yourself to them." ani Jihyeon-eonni.
"Oh. okay." Bakit parang kinakabahan naman tong Cookie na to magpapakilala lang naman.
"Hello, I'm Jeon Jungkook." bati niya sabay yuko. Kaya pala Cookie eh.
"Park Caitlyn." Bati ko sakanya at ngumiti naman siya. UwU ang cute niya talaga.
"Hyesoo?" Teka lang, kanina pa nakatulala si Hyesoo sakanya. Gosh nakakahiya.
"Hyesoo. Ya!" sabay hampas ko sakanya.
"Huh?! Ah e-eh. Sorry. I'm Kim Hyesoo." Gosh, bakit siya namumula.
"Oh. Okay na ang lahat baka gusto niyo munang maglunch dito?" pagyaya ni Jihyeon-eonni. Agad kaming tumanggi ni HyeSoo dahil nakakahiya. Kakain nalang kami sa labas at kailangan na din naming umuwi para makapaghanda na ko ng gamit ko. Sabi kasi ni Eonni magstart na ko bukas. At sa tingin ko si Jungkook ang aalagaan ko.
Bakit niya pa kailangan ng assistant o yaya?
Ay oo nga kasi 'kpop idol' daw siya.
"Sure na talaga kayo na di kayo kakain dito?" tanong ni Eonni habang nasa pintuan na kami pauwi.
"Hindi po, Okay lang kami. Salamat po talaga Tita." bati ni Hyesoo at umakap.
"Basta magstastart ka na bukas Caitlyn hija ha?"
"Opo." Well, kahit first time ko sa ganitong trabaho ay mukhang madali lang naman dahil 19 years old na si Jungkook. Di masyadong matrabaho.
"Oh sige mag ingat kayo ha? Pagluluto ko pa yung pitong alaga ko." aniya at umalis na kami.
Wait.
Tama ba yung narinig ko?
'pitong alaga' .
Bigla akong napatigil sa sinabi ni Jihyeon-eonni at tatanungin na sana siya ulit kaso nakasarado na yung pinto.
"Bakit Lyn? Nung meron?" tanong ni Hyesoo.
"T-tama ba yung n-narinig ko?"
"Hm? Tama ang alin?"
"A-ah wala. Wala. T-tama nga siguro." Gosh.
"Ngi. Okay. Tara na ang init gutom na kooo~." at ayun naglalakad nanaman kami sa napakahabang kalsada na 'to.
Nang makapasok na kami sa kainan at umupo biglang nagsalita si Hyesoo.
"Ang cute ni Jungkook noh?" pabebe niya. Ay talaga naman.
"Ay. Utang na loob, 19 years old palang yung bata Hyesoo ano ba?"
"Eh? May sinabi ba kong papatulan ko siya ha?. Grabe ka sakin." sabay nagpout pa ang gaga.
"Kung makatitig ka kaya sakanya kanina parang lulusawin mo na ih. Easy lang." pangangasar ko. Pero totoo naman titig na titig kanina.
"Eh bakit ba? Wag mong sabihin di ka nagwagwapuhan sakanya? Aminin mooo~" Bakit ganun yung mukha niya nakakairita.
"Oo na! Cute nga siya.." tumili ng mahina si Hyesoo sa sinabi ko. Pocpoc na to talaga.
"Ya! Ano ba ang landi mo kain na nga tayo jusko." sabay kaming natawa sa mga pinagsasabi namin.
Kumain na kami pagkatapos ay gumala at naglalakad lakad pero di parin tumitigil si Hyesoo sa kakaasar sakin hanggang sa pag uwi jusmeyo.
"Ang bilis naman mag gabi." aniya.
"Hays nakakapagod nga eh buong araw kaya tayong nasa labas."
"Eh kulang pa yun. Bukas di na kita makakasama ng matagal kasi may trabaho ka nanaman." jusko nagiinarte nanaman. Pero, mamimiss ko din tong hayp na to eh kahit kalog.
"Nukaba, May tinatawag na 'day off' diba? Kaya pa yan. Oh sige umuwi ka na dai." hinatid niya kasi ako sa apartment ko. Sweet niya noh? Minsan lang yan.
"Okay. Ingat ka bukas ha! Hahatid kita don yieee sweet ko talaga." aba yabang nito
"Syempre ihahatid mo talaga ako doon. Di ko kaya kabisado yun gaga."
"Ay. Sige na nga bye na loveyou mwaah mwaaahhh~" nagflying kiss siya kay sinalo ko naman at binalik yun sakanya.
"Ingat! Love you too!" bati ko at pumasok na sa apartment ko.
Naglinis na ko ng katawan at humiga sa kwarto ko.
Panibagong araw nanaman bukas.
Bago ako pumikit ay biglang pumasok sa isip ko ang larawan ni Jungkook na nakangiti. Napangiti nalang ako at natulog.
••••
(edited)
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanficWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...