▪21

743 31 153
                                    


Caitlyn's POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Hyesoo?" tanong ko dahil di ko siya nakikita sa tabi ko. "Hyesoo?!"

Lumabas na ko ng kwarto baka nasa kusina na siya. Pero impossible, lasing na lasing siya kagabi?

"Hyesoo ano ba nasaan ka?!"

Sumigaw na ko pero wala parin sumasagot. Tulog pa? Pero paano yun katabi ko naman siya kagabi?

Pumasok ulit ako sa kwarto baka sakaling nagmamalikmata lang akong wala siya pero wala talaga eh. Tumingin na ko sa cabinet ko para kunin ang phone ko pero may nakadikit na note doon dahilan para mapailing ako.

"Ano nanaman 'to?" tanong ko kahit magisa lang ako dito. Weird diba. Binasa ko na yung nakasulat;

"Caitlyn,

Syempre magtataka ka bakit wala na 'ko diyan sa tabi mo. Kaya ko 'to sinusulat para sabihan ka na mauuna muna akong umalis dahil may importante akong pupuntahan.

Don't worry kumain na ko at uminom ng gamot para sa hangover. Tulog na tulog ka pa kaya hindi na kita ginising. Baka kasi ikaw pa yung mas lasing kaysa sakin jusko. Peace.

Tsaka may dumating na gwapong lalaki kanina. Hanap ka. Basta. Sa text ko na sasabihin, nakakapagod na magsulat para na kong tanga."

Tumigil ako sa pagbabasa para tumawa. Siraulo talaga 'to si Hyesoo.

"- oh siya, Bye na. Text nalang kita mamaya! Mwuah! Ingat ka palagi Caitlyn! ILY! ♡

- Napakagandang Hyesoo ♡
ps. wag aangal umayos ka alam kong mandidiri ka. "

Napabuntong hininga nalang ako bago tumawa at binaba yung sticky note para idikit ulit sa cabinet. Nagsayang pa ng papel ang boba pwede namang magtext nalang.

Sa bagay, baka mamaya ko pa yun mabasa kung sakali. Talinong ugok din 'tong si Hyesoo eh.

Tsaka yung sinasabi niyang may lalaking hinahanap ako? Sino nanaman yun?

Bigla nalang ako nakarinig ng katok sabay ng doorbell sa labas.

"TANGINA-" sigaw ko pero pinigilan ko yun. Hindi pa ko nakaayos! Ang aga naman nun!

"S-Sandali lang!" sigaw ko nanaman bago nagayos. Hindi naman sumagot yung nasa labas kaya di ko na inintay at nagayos na talaga.

Mga 15 minutes na ang nakalipas bago ako bumaba para buksan ang pinto.

Laking gulat ko nang marealize ko kung sino ang kaharap ko ngayon.

Laking gulat ko nang marealize ko kung sino ang kaharap ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Passed By | BTS Tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon