Caitlyn's POVNagising kami, kumain ng almusal, naghanda and dumiretso agad ng building. As usual hindi sila masyadong maingay dahil pagod pa kami. May jetlag pa.
"Anong pag-uusapan bakit nagpapameeting nanaman si bruha?" bulong sakin ni Miyen. I chuckled. "Ewan ko. Pero mukhang seryoso siya kahapon nung sinabi sa atin eh. Importante yata."
She shrugged her shoulders. I sighed. Bakit kinakabahan naman ako?
Nakarating narin kami sa building at lumabas na nga yung pito sa mga van na sinakyan namin. Nagstretch pa nga sila at humikab, ang aga pa naman kasi.
Bumati kami sa ilang staff na nandito. Nakarating na rin kami sa exact floor kung saan yung office. Wala paring nagsasalita samin. Understandable.
Itinuro na nung isang staff sa amin yung pinto at pagpasok namin nandoon na sila agad sa mga upuan nila sa harap. Mr. Bang and Ms. Seoyeon.
Nakakakaba dahil hindi ko makakasama si Miyen sa meeting na 'to. Make-up artist kasi siya. Personal assistant naman daw ako kaya madalas talaga ako sa mga ganito. Sigh.
"Take a seat boys." saad ni Mr. Bang. Umupo naman sila at ako ay tumayo malapit sa dulo ng lamesa na kaharap silang dalawa. This time nakatabi ako kay Hoseok.
"Cait, umupo ka nalang." bulong niya. Umiling ako pero hinawakan naman niya ang wrist ko at hinila ako para mapaupo sa upuan na katabi niya. I sighed.
"So, hindi na ako magsasalita pa ng kung ano-ano, Ms. Seoyeon what's the matter? Biglaan kang nagpameeting." ani sakanya ni PDnim.
She sighed deeply. "Mr. Bang, hindi ko gugustuhing mas lumaki pa ang issue na natatanggap ko."
PDnim frowned. "Issue? Tungkol saan?"
She pursed her lips. Tumingin naman siya sa pito. Oh wait, sa akin din pala. Kinakabahan ako ha.
"It's about the boys, sir."
Nanlaki naman ang mga mata namin. "Bakit? Ano bang nangyayari Seoyeon?" tanong ni PDnim.
"Uh, it's a serious issue Mr. Bang. Kahit ako hindi makapaniwala." sagot niya.
"Then show us, what is it all about? Who is involved in this issue Ms. Seoyeon?"
She nodded. "Dahi, show them." Tumango naman si Dahi sakanya at in-on na ang projector. Bumungad naman ang picture ng isang babae na familiar.
She smiled. "Her name is Ahn Yerin. One of Jungkook's visitors that night. Remember?"
Tanong niya pero kay sir Jin lang siya nakatingin imbes sa aming lahat at kay Jungkook. "C-Classmate ko po siya nung highschool.." sagot ni Kook kahit hindi nakatingin si Ma'am Seoyeon sakanya.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanficWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...