//////////////
Natapos na silang magshoot. Sila ay nag bow sa lahat ng staff na tumulong. "Thank you po! You worked hard~" ani nilang pito. Lumapit na kami nila Miyen at iba pang staff sa kanila para iabot ang tubig at sila Miyen naman ay inayos ang makeup at outfit nila.
"Miyen-ssi!" sigaw ni Sir Taehyung ng papalapit na si Miyen sa kanila. Siguro matagal na silang magkakakilala lahat dahil matagal na si Miyen nagtatrabaho dito.
"Namiss ka namin! Haha" ani Sir Namjoon. "Nako po kayo talaga. Oh sige po aayusan ko na kayo para makapagpahinga na." wika naman ni Miyen kaya sumama na si Sir Taehyung muna sakanya. Yung iba naman kasi ay kinakausap ang ibang staff.
Habang ako? Kinuha ko lang naman ang cellphone ko at nagkunwaring busy dito dahil.. Well. Nafifeel ko nanaman na na out of place ako.
Nahihiya pa ko sa ibang staff dahil di ko naman sila kilala at bago palang naman ako dito. Nakita ko si Jungkook sa gilid ng room na parang hingal na hingal kaya kumuha ako agad ng panyo at tubig para iabot sakanya yun. Lumapit agad ako sakanya at iniabot lahat. "Oh Jungkook, inumin niyo po to." ani ko.
Kinuha naman niya yun pero sinama niya ang braso ko kaya napasabay ako sa paghulog dahil nakaupo siya at nakatayo naman ako. Wala akong ibang choice kaya naupo sa tabi niya dahil muntik nanaman akong matumba sakanya. Una kay Sir Taehyung, ngayon kay Jungkook naman. Ano ba earth?
"Ang galing niyo kanina." ani ko. Napatingin siya sakin habang pinupunasan niya ang sarili niyang pawis. "Eh ako noona? Magaling ba ko?" tanong niya.
"Lahat naman kayo magaling--"
"Ang sabi ko, ako? Magaling ba?" pagulit niya. Di ba to makaintindi ng maayos? Sabi ko naman lahat sila eh. Nye.
"Ay, oo naman. Ginawa niyo lahat ng best niyo kanina." ani ko sabay pumalakpak. Natawa siya kaya natawa narin ako. "Thank you noona." ngiti niya. Bakit ba ang cute cute nito.
Nakarinig ako ng malakas na tawa mula sa kabilang gilid naman ng silid. Galing kay Sir Taehyung yun at kay Miyen. Nagtatawanan sila. Wow ngayon ko lang nakitang ganyan kalakas tumawa at masaya si Sir Tae. Close yata talaga sila.
Bakit parang ang lungkot ko na?
Matagal na yata akong nakatitig sa dalawa dahil biglang nagsalita si Jungkook. "Ya noona." aniya sabay tinapik ako. Kaya napatingin naman ako sakanya. "Bakit po?"
"Selos ka sakanila?" aniya. Huh?!
"Ya ano ka ba Kook! Hindi no! Haha! Narealize ko lang kasi na ngayon ko lang nakita si Sir Tae ng ganon kasaya." ani ko. Well masayahin naman si Sir Taehyung pero yung may kausap na babae di ko pa nakikita.
Well maliban nalang nung nakasama ko siya sa beach nung gabi. Yung natapilok ako at napaibabaw sakanya. Yung tingin niya at yung nakikita ko sa mga mata niya nung gabing iyon,
nakikita ko rin sa mga mata niya ngayon habang kausap si Miyen.
Siguro sa lahat ganon siya. Ano ba kasi ako, nagaassume na special ako. Dahil parang magtropa narin kami ni Sir Taehyung. Binilhan ako ng swimsuit at niyaya akong samahan siya sa labas. Ngayon ko lang din kasi na feel yun, na mismong lalaki ang gumawa.
BINABASA MO ANG
Love Passed By | BTS Tagalog Fanfiction
FanfictionWelcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btstagalog #5 - tagalog-english | Hirai Momo as Park Caitlyn and BTS as themselves.| ^started: May 4, 2019^ (still on-going) - a low...